Kabanata 40

86 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------



" Asan na ba yun... " inis kong sabi.



Ang dilim na ng langit pero hindi ko pa din siya nakikita, kung saan saan na ako nakapunta pero wala pa din. Kung san ko siya minsan nakikita ay napuntahan ko na din pero wala pa din.



Napatingin ako sa langit ng biglang kumulog. Shit! uulan pa nga. Dali dali na akong bumalik sa dorm ko, patago pa akong naglakad at pumasok. Nakahinga ako ng maluwag ng maayos akong nakarating sa room ko, wala din kasi mga ka roommates ko kaya ayos.



Nagpalit ako ng damit bago nahiga sa kama, nakailang ikot ako sa kama hanggang sa napaupo na lang ako. Hindi ako mapakali, parang may nakalimutan akong gawin na kailangan kong gawin.



Napatingin ako sa side table ng umilaw ng cellphone ko, inabot ko ito at tiningnan ang tumatawag.



" Oh!... "



" Anong oh?! nagpunta kaba?... " inis nitong sabi.



" San!... " narinig ko ang ilang mura sa kabilang linya.



Napatingin ako sa may bintana, ang lakas ng ulan at kumikidlat pa. Mukang may bagyo.



" Tangek ka! kinalimutan mo si Ace! di ba gagawa kayo ng project.... " natigilan ako sa sinabi nito.



Napamura ako ng maalala ang sinabi nito sa canteen, napatingin ulit ako sa may labas. Wala na naman siguro yun dun lalo na at ang lakas na ng ulan. Tang'a nun kung andun pa...



" Wala na naman siguro yun dun... "



" Hindi yan ang inaalala ko! lagot ka pagnagkita kayo... hindi ka sumupot, yan na nga ba ang sinasabi ko! wag mo na kasi hanapin ang bata! lalabas at magpapakita din yun! ayaw nyo pang sabihin sa'kin... " inis nitong sabi at binaba ang tawag.



Napabuntong hininga ako, wala na naman akong magagawa ah! ang lakas na ng ulan alang lumabas pa ako at puntahan yun! malaki na yun, may sariling utak. Di naman yun tang'a para tumigil at intayin ako.



Humiga na lang ulit ako at pilit natulog, nakailang minutes na ang nakalipas napabangon ulit ako. Napasabunot ako sa inis, hindi pa din ako mapakali. Tumayo ako at kinuha ang cp at isang payong. Bahala na, kailangan kong tingnan.



Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa pinto ng makarinig ako ng ingay sa labas.



" What the hell is your problem?! anong drama mo!.. magpaulan?! " inis at galit na sabi ng nasa labas.



Nakarinig ako ng may bumagsak, dumaing naman ito.



" You know na mahina ang katawan mo sa ganyan, but you still keep yourself in that place... damn, what's wrong with you!... " galit pa din nitong sabi..



Pamilyar ang boses niya sa'kin kaso di ko maalala kung san ko narinig, galit kasi e!.



" Hey! bro easy... He knows what he does " panibagong boses.



" He knows?! huh... " he said in sarcastic voice at padabog na nagsara ang pinto.



Natahimik na ulit sila, hindi na ako lumabas at ibinalik na ulit ang payong sa kinuhanan. Humiga na ulit ako at pilit na natulog, hindi ko alam pero gumaan na ang pakiramdam ko.



Nagising ako ng makarinig na naman ng panibagong ingay, nagtaklob ako ng unan at kumot sa mukha. Ang aga aga, away na naman...



Inis akong bumangon ng hindi pa din sila tumahimik, napatingin ako sa labas. Ang lakas pa din ng ulan, mukang walang pasok. Kasasabi ko pa lang ay may notif na lumabas sa laptop kong bukas na wala ngang pasok. Sa wakas makakapag pahinga na din ako.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now