Kabanata 49

81 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------


Umalis na din ako agad ng matapos namin ma review ang lahat, iniwan ko na sila. Sila na ang bahala sa iba tutal puro yun naman ang gusto nila maliban nga lang sa'kin na di'ko pa nakuha.



Sumakay ako sa isang motor ko sa base at bumalik sa school dumaan ako sa gym na sarado na. Kaya pumunta ako sa lugar na pinangyarihan ng lahat, wala na akong nadatnan subrang linis na parang walang nangyari. Lumapit ako sa kung saan ko nakita sila pumasok kanina. Hanap lang ako ng hanap ng may mapansin akong kakaiba kaya hinukay ko ito gamit ng kamay at sinundan hanggang sa mahanap ko na ang pakay ko.



Tumayo ako at tinulak ang isang part at biglang may umingay, medyo lumayo ako at nakita ang isang part na bumubukas, napataas ang isang kilay ko dun. Lumapit ako at nakakita ng isang hagdan pababa wala na akong oras na sinayang at bumaba.



Madilim ang lugar pero sa may dulo may liwanag na sumisilip naglakad ako palapit at bawat hakbang ko palapit ay siyang paglakas ng ingay. Napapikit ako sa ilaw na tumama bigla sa mata ko ng makapag adjust nagulat ako sa nakita.



Napakalawak na underground, madaming pasilyo at pinto pero agaw na agaw ng atensyon ko ang isang malaling ring na pinapalibutan ng mga tao na maiingay. Tumingin ako sa paligid, hindi lahat tago ang silid kaya ang mga transparent na glass ang pader ay kita ko ang loob. Ang daming mga armas, may training area, may firing area, may fighting area at higit sa lahat ang isang malaking screen na nasa gitna kung saan may mga pangalan na nakalista nangunguna na ang pangalan ni bakulaw sumunod si green hair sunod si buwisit na lalaki at iba pa.



Anong klaseng lugar ito? yung mga taong akala ko mahihinhin sa tuwing nakakasalubong ko sa daan ay ibang iba sa nakikita ko ngayon. Napatingin ako sa isang gawi kung saan andun si Nadine na pinalilibutan ng mga lalaki at si clown 1 na nakaluhod sa harap nito.



Seryoso ko silang pinanood hanggang sa lumapit ang mga lalaki at walang awang binugbog si clown 1 na walang magawa kundi nakatingin lang kay Nadine.



" Rosea? " hindi ko binalingan kung sino man ang tumawag sa'kin.



" What are you doing here? pano mo nalaman ang luagr na'to? " gulat at takang sabi ni Josh, nanatili akong nakatingin sa gawi nina Nadine.



Hanggang sa lumabas na ang iniintay ko " S-stop, p-please.... " pagmamakaawa nito kay Nadine " H-help me.... " mahinang sabi nito na kahit sino ay walang makakarinig maliban na lang kung nabasa mo sa bibig niya.



Walang oras akong sinayang at lumapit sa gawi nila, malakas kong sinipa sa sikmura ang akmang susuntok na naman dito na ikinatalsik nito. Napaangat ng tingin si clown 1 " It's a pleasure to me " nakangising sabi ko at hinarap ang mga lalaking bumubugbog dito.



" You!.... " sigaw ng isa na papasugod, swabe kong iniwasan ang suntok nito at yumuko para masipa ko ng pa side kick ang paa niya na ikinaluhod nito at agad na tinuhod ito sa mukha, di ako nakuntento at hinawakan ko pa ito sa buhok at inumpog sa sahig. Dumugo na ang ulo nito at ng walang malay ay binitawan ko na.



Sumunod naman ang dalawa na may hawak pang armas, napataas ang isang kilay ko at swabeng iniiwasan sila hanggang sa magsawa ako " It's my turn " at mabilis na nagkabaliktad ang nangyayari.



Napatayo si Nadine at napatingin na din ang iba sa gawi namin " What are you doing here?! " galit at takang sabi nito.



" Don't know? "



Lumingon ako kay clown 1 na wala ng malay ngayon lumapit ako dito at inalalayan. Iniwan ko si Nadine na takang taka at umalis, ibinaba ko si clown 1 sa malapit sa exit ng biglang matahimik ang lahat, parang alam ko na ang mangyayari. Umayos ako ng tayo at nakapamulsang humarap sa kanina kitang kita ko ang Kok at si Nadine na nakatayo sa may gitnang bahagi ng lugar nandun na din si Josh.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now