Kabanata 39

83 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------



" May gagawin ka?... " agad na tanong ni Minna pagkaupong pagkaupo sa tabi ko.



Tumango na lang ako at nag intay sa teacher namin na Mapeh. Yung matatakutin na teacher, yung bigla na lang kami iniwan at pinabayaan. Walang kwentang teacher! ghrrr....



" Problema mo? makakunot na naman ng kilay mo wagas... " umob-ob na lang ako sa lamesa.



Nakakawalang gana, wala akong magawa. Di ko na namalayan na napaidlip na pala ako. Bahagya akong gumalaw ng may kumurit sa bewang ko. Inis akong tumunghay.



Napasinghap ako ng magkauntugan kami sa biglang tunghay ko, inis kong tiningnan si Josh. Napahawak ito sa kanyang noo at ngumiwi.



" Ang tigas naman ng noo mo! ang sakit ah! " he said in hoarse voice.



Napatingin ako sa paligid, wala ng tao maliban sa'min ni Josh, Lealyn at Minna.



" San sila?.... "


Napahawak si Minna sa kanyang dibdib at madramang napatayo " Hinanap mo pa talaga?! napaka wala mo talagang kwenta! may lakas ka pa ng loob na magtanong, matapos ng lahat lahat! naiwan na tayo't lahat tulog na tulog ka pa din!.... " napahawak pa ito sa kanyang noo at madramang napaupo habang sapo sapo pa din ang noo na animo'y problemadong problemado.



Napatingin ako kay Lealyn " Mas mabuti pang sumunod na tayo.... ang da drama nyo " at nauna ng lumabas sa room.



Sumunod naman kaagad si Josh na napapailing, humabol ito kay Lealyn, lumabad na din kami kaagad ni Minna. Nagkatinginan kaming dalawa ng makitang sabay na ang dalawa at nagkakatuwaan habang naglalakad, nakakagulat lang.



" Ang babaita lumalandi na! Hoy!...." at humabol ito sa dalawa, pinagkasiksikan pa nito ang sarili sa gitna ng dalawa kahit ang laki pa din naman ng space sa magkabila, kita ko ang pasimple nitong pagkurit kay Lealyn.



Napailing na lang ako, lakad lang kami ng lakad ng may sumabay sa paglalakad ko, hindi ko sila pinansin na nasa magkabila kong side maliban sa isa na nasa likod.



" Oh! your awake na pala.... mabuti at nagising kapa.... " nanatili akong tahimik at nakapamulsang naglakad.



" Outch! ignored... " binilisan ko ang lakad ko, masama silang makasabay.



At dahil sa mahahaba ang bisig nila ay agad nila akong nahabol, wala na akong nagawa kundi ang makasabay sila. Inis lang sila ng inis sa'kin na hindi ko naman pinapansin, minsan nakikipagbiruan din. Ba't kasi ang layo ng gym.



" Do you known why this school name, Inter national Island school?.... " napataas ang isang kilay ko sa tanong ni Teddy.



" Cause the school is in the Island... "



" Boo, boo... " napailng iling to habang magkacros ang kamay " Wrong... hindi dahil dun " na curious ako kaya tumingin ako sa gawi niya, agad naman itong napangisi.



" There a deep meaning of this, but I won't tell you... " nambelat pa ito.



Napaismid na lang ako, hindi ko na ulit sila pinansin hanggang sa makarating na kami sa gym. Napatingin ang lahat sa gawi namin pagkapasok sa loob, agad silang nagbulungan maliban sa group ni Nadine na nagtatakang nakatingin sa gawi namin.



Humiwalay na ako sa mga bugok at lumapit kina Minna na mukang naiilang sa mga tingin ng iba.



" Bye Rosea... wag ng tutulog tulog huh!... " natawa pa ito at tumingin sa gawi ni bakulaw.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now