Kabanata 41

79 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------


" Damn! what the hell I'm seeing?!... "



" Don't shout! baka magising!... "



" No! i must wake my self now... "



Ang ingay! bahagya akong gumalaw at umikot ng may makapa ay agad kong niyakap, medyo pa itong mainit pero pinagsawalang bahala ko na lang, ang sarap ng tulog ko e.



" Fuck! i need to go to the church... namamalikmata ata ako!... "



" Gago! sasama ako! "



Hindi ko alam ang nangyari pero bigla na lang sila natahimik, pinagpasalamat ko naman yun at natulog na ulit.



Naalipungatan ako ng makarinig ng ingay sa labas, inis kong tinakpan ang mukha ko ng unan. Nagpagulong gulong pa ako ng biglang may mapansin, ang lawak naman ata ng kama ko at amo'y lalaki pa.



Dali dali akong napabangon ng may maalala, damn. Napatingin ako sa tabi ko at nakahinga ng maluwag ng wala si bakulaw, hindi ko alam ang ihaharap ko sa kanya kung sakali. Natigilan ako ng bumukas ang pinto.



Dahan dahan akong humarap dito, lalo akong natigilan " Oh! gising ka na pala " nakangising sabi ni Teddy " Sarap ng tulog natin ah!... " nang aasar na sabi nito bago lumabas.



Pabagsak akong napahiga muli, napatili ako sa unan. Tang'na mas lalong di ko alam ang ihaharap ko sa kanila! Napaupo ulit ako at napag pasiyahan ng lumabas, wala na akong laban. Kailangan kong harapin ang nangyayari.



Dahan dahan akong lumapit sa pinto, dahan dahan ko din nilabas ang aking ulo dito at sumilip napabuntong hininga ako ng walang makita.


" Tang'na!... " napahawak ako sa puso ng biglang lumitaw ang mukha ni Bakulaw sa kung saan.



" What are you doing?!... " masungit nitong sabi.



Napaayos ako ng tayo at nag iwas ng tingin, di ako makatingin sa kanya, nakakailang. Nakatabi ko ang isang lalaki sa pagtulog! lagot ako nito.



" Wala " maang kong sabi.



Lumakad ito sa kung san ako nakatingin, muli akong umiwas.



" Eyes on me "



Hindi ko ito pinansin, mukang ayos na naman siya. Magpapaalam na ako. " M-mukang ayos ka na naman... aalis na ako " at lumakad na ako palayo sa kanya.



Ng hawakan nito ang hood ko at hinila, napasandal ako sa pader " I'm not done with you " napalunok ako.



" Sabi ko nga " iwas tingin kong sabi.



Hindi ito umimik kaya tiningnan ko siya, nakatitig pa din ito sa akin, agad akong umiwas pero hinawakan nito ang baba ko kaya nanatili akong nakaharap sa kanya. Iniiwas ko ang mata ko, tangek naman!



Ano bang ginagawa ni Bakulaw? nakakailang na huh! nagmamadali na nga ako para hindi na nila ako maabutan pa tas ayaw pa akong pakalwan!...



Inalagaan na nga siya't lahat tas ganito pa! asan ang hustisya?!...



" Tol where are yo-... opss, sorry! " napatingin ako sa baba, nakita kong gulat na nakatingin sa amin si Teddy. Nanatiling nakatingin sa'kin si bakulaw kaya lalo akong nailang.



" Bro! why take your time, susunduin mo lang naman si Ace-... " natigilan din ito sa nakita.



" I really need to go to church... " sabi ni Edward

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now