Chapter 3

8 1 0
                                    

Huling araw ng exam, dalawang majors at siyang pinakamahirap. Napangiti si Josiah nang wala pa siyang maaninag na kahit isang kotse sa school parking lot. Eh alas sais palang kasi ng umaga. Lumabas siya ng kotse at sumandal dito habang proud na nangingiti.

"I'll prove to you guys that I can keep my word if I want to. I'll make you choke back your laughs" he silently declared smiling to himself.

Hindi siya makapaghintay na makita ang kanilang siguradong mga gulat na expresyon sa mukha. Mukhang mag eenjoy siya sa araw na ito.

Napaayos siya ng tayo ng may humarurot na motor papasok sa paaralan.

"Xander! Xander! Bilisan mo! Kailangan ka ng mga kasamahan mo. Pinalibutan sila ng tatlong gang-#s 2,3 and 4 sunod sa inyo. Binubugbog na sila", tarantang sigaw ng naka motor.

Nagulat si Xander. Paano niya nalamang andito siya? Pero ano? Binubugbog? Kaya ba wala pa sila? Akala niya maaga talaga siya. Agad siyang pumasok pabalik sa kotse niya at sinundan ang motor.

Dumating sila sa isang abandonadong building medyo malayo sa paaralan. Tumakbo sila papasok at umakyat sa rooftop. Napakunot ang noo ni Xander ng makitang wala namang tao sa rooftop liban sa kanilang dalawa. Biglang tumawa ang lalaki at nag-alis ng helmet. May narinig siyang pumalakpak at isa-isang lumabas ang mga lalaking nakaitim.

"The Merciless Assassins", bulong niya.

"Tama Xander ng The Hexagon. Kami nga, ang dali mo palang mauto?" humalakhak ang kanilang leader.

" Anong kailangan niyo? Bakit niyo ako pinapunta dito?" tanong niya.

Naintindihan na niyang patibong lang ang sinabi ng lalaking nakamotor para mapapunta siya dito. Huminga siya ng malalim. Buti nalang ligtas ang kaniyang mga kaibigan.

Ang The Merciless Assassins ang dating #1 gang sa Pilipinas pero ng dumating sila, natalo nila ang mga ito at pinagbawalan ng lumaban sa mga gang wars dahil sa kanilang dirty tricks. Kumbaga, bilang #1, ang The Hexagon ang nagset ng rules at sila rin ang nagban sa grupong ito sa gang world.

"Simple lang, ibalik niyo ang unang ranko sa amin at umalis kayo sa gang world" sabi ng leader.

"Hindi kami papayag na isang pipitsuging gang ang maghahari dito sa Pilipinas. Isa pa, madumi kayong makipaglaban at kulang ang inyong mga kakayahan", matapang na sagot ni Josiah.

*Bogsh! Sinuntok siya ng leader sa tiyan saka kinwelyuhan.

"Huwag na huwag kang maglakas loob na labanan kami dahil ngayon, mag-isa mo lang at ikaw ang pipitsugin!" singhal nito.

Nag-init ang mukha ni Xander at sinipa ang leader. Tumilapon ito at sumugod na ang mga kasamahan. Aabot sa 20 katao ang kanyang mga kalaban. Nagawa niyang mapatumba ang mga ito pero pagtayo nila ay itim na ang aura nila at alam niyang oras na para sa kanilang mga dirty tricks. May naglabas ng martilyo, kutsilyo, bakal, knuckles at kung anu-ano pa. Napalunok siya. Pinalibutan siya ng mga ito at nagsalita ang leader.

"Xander, manalangin ka na sa Diyos mo dahil katapusan mo na! Uubusin naming kayo hanggang sa mapasaamin muli ang trono!" humalakhak ito.

Natatawa ang mga kaibigan ni Josiah ng nagsidatingan sila. Akala nga ni Skyler siya ang nahuli. Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya kaya nagpahinga muna siya sandali bago pumunta sa paaralan. Subalit, magsisimula na ang pagsusulit ay wala pa si Josiah. Hindi mapakali sina Richard at Lymore. Sinusubukan nila itong tawagan pero di niya ito sinasagot. Naiwan kasi niya ang cellphone niya sa sasakyan niya.

Limang minuto nalang at magsisimula na ang pagsusulit. Sabay na lumabas sina Richard at Lymore. Pinagtinginan sila ng kanilang mga kaklase pero  di nila pinansin. Nakasalubong nila ang kanilang guro.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now