Chapter 5

4 1 0
                                    

Kinabukasan, pumasok na silang anim sa paaralan. Kanya-kanya sila ng kotse dahil napag-usapan nilang isekreto sa school ang tungkol sa kasunduan nila. Gaya nga ng inaasahan, dahil tatlong linggo nalang at graduation na nila, nag-ensayo sila ng mga awit buong maghapon. Maluwag-luwag ang mga break na ibinibigay ng kanilang taga-ensayo kaya naman nakakapagpahinga sila at nagagawang magbonding.

Dumiretso sila ng uwi dahil sa pagod sa pag-ensayo sa hapong iyon.
Sa buong Linggo, nag-ensayo lang sila ng awit. Halatang naboboring na ang mga kapwa nila magtatapos kaya may naisip si Skyler. After nilang nag-ensayo, nananghalian sila sa canteen samantalang nagsiuwian na ang ibang mag-aaral. Kalahating araw lang kasi ang ensayo nila ngayon. Pagkatapos kumain,nagtungo sila ng office bilang utos ni Skyler.

"Sa susunod na linggo, sa araw ng Miyerkules, to be exact gaganapin ang moving up ng mga JHS. Alam kong pansin niyo rin na naboboring na ang mga kapwa natin magtatapos dahil puro nalang tayo ensayo. In two weeks, sa Friday pa naman ang graduation natin at madali nalang ensayuhin ang graduation ceremony kaya pwede tayong magbreak. Kung tungkol sa awit, maayos naman na kanina" mahabang panimula ni Skyler.

"So, you want to propose an event... What's on your mind? napa English si Joanne.

"Let us organize a field trip?" tanong ni Skyler.

"Sabagay, approve ako sa sinabi ng matalino kung gf" ani Josiah sabay akbay kay Skyler.

Napairap si Oriole. Sumang-ayon naman silang lahat at pinag-usapan na nila ang details. Nang matapos, si Skyler na ang nagdala sa proposal, na mabilisang inencode ni Oriole, sa kanilang inappoint na Dean ng JHS Department.

"Oh, Miss Dee, good morning! What can I do for you?" tanong nito.

"Dean, I have a proposal here with me, about a field trip for the graduating students. Can you please check it and sign it if you agree with it?" iniabot ni Skyler ang dalang folder.

"Oh, pipirmahan ko nalang. You know you have every right to do anything you want in this school" she stated and proceeded to sign the document without even reading it.

Napailing nalang si Skyler. Paano na lang kaya kung ang totoong nakasaad sa documento ay ang pagtanggal sa kaniya bilang Dean, ni hindi niya ito malalaman. Kung sabagay, takot at magalang kasi talaga ito sa kanila. Nang bumalik si Skyler, nagsiuwian na sila.

Nagbobrowse si Oriole sa kayang fb account ng tumunog ang cp niya. Binasa naman niya ito agad.

"Oriole pwede ka ba bukas?" si Richard pala.

"Siguro, wala namang nag-aya sa barkadang lumabas so wala akong schedule. Bakit?" reply niya.

"Eh... Labas sana tayo... Date?" tanong ng lalaki. Napaisip si Oriole. Sabagay, kaibigan pa rin naman niya ito. Pero silang dalawa lang? Bahala na nga. Baka magd-date din naman ang mga kaibigan nila.

"Sige ba, sunduin mo ako dito sa bahay at 8am" pagpayag niya.

"OK, cge salamat, casual wear... Good night, 💞", halatang masaya ang nagreply at may padagdag pang mga hugis puso. Napailing nalang si Oriole at ibinalik ang atensyon sa laptop.

Kinabukasan, alas syete y media pa lang ay nasa bahay na niya si Richard. Excited ang mokong. Natanghali ng gising si Oriole kaya di na siya kumain at umalis na sila. Sa daan, hindi marunong maglihim ang tiyan nito at nagreklamo na. Ang masama, ang lakas pa nitong magreklamo. Natawa si Richard pero umirap lang ang babae.

"Ang aga kasing sumundo" usal niya pero hindi yata ito narinig ng kasama.

Ipinarada niya ang kanyang kotse sa harap ng isang Japanese Restaurant. Napasayaw sa saya ang mga mata ng babae at di na niya napansing pinagbuksan na pala siya nang pinto ni Richard. Tumakbo siya papasok at makikita ang lapad ng ngiti. Umorder na sila at hinintay ang kanilang pagkain.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now