Chapter 11

2 1 0
                                    

Hindi namalayan ni Lymore na nakatulog pala siya sa sofa sa sala. Nagising siya dahil sa malalakas na boses.

"Ambulansiya, Doktor... " yan lang ang nahagip ng tainga habang natutulog pa ang diwa niya pero ng marinig niya ang pangalan ni Joanne ay awtomatikong napatayo si Lymore at tumakbo sa labas.

"Anong nangyari?" agad na tanong ng lalaki.

"Sina Ma'am Skyler, Ma'am Joanne at Ma'am Oriole po, kailangang dalhin sa hospital" ani ng clerk.

"Ha? Bakit?" tanong ng lalaki pero di na siya nasagot dahil dumating na ang ambulansiya.

Tinakbo niya ang kotse at sinundan ang ambulansiya kasama sina Josiah at Richard. Kinakabahan si Lymore. Anong nangyari? Bakit sila dadalhin sa hospital? Si Skyler, dahil cguro sa balakang pero si Joanne niya?

Pagdating nila sa hospital, naghabulan sila papuntang ER. Hindi sila pinapasok sa loob kayat naiwan silang tatlo sa labas. Lahat sila ay di mapakali at parang wala silang mga kasama dahil walang nagsasalita. Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. Makalipas ang 30 minuto, lumabas din sa wakas ang doktor.

"Dok, kumusta po sila?" sabay-sabay nilang tanong. Napangiti ang doktor.

"Maayos na sila. Minor injuries lang ang natamo nila. Ililipat na sila sa rooms nila. Boyfriends nila kayo?" nangingiting tanong ng doktor.

"Ah, hi... hindi po, mga kaibigan namin sila" sagot ni Josiah na nautal pa.

Ngumiti na lang ang doktor at umalis na. Inilabas na ang tatlo at nagulat sila sa nakita. Si Oriole, nasa stretcher, si Skyler, nakawheelchair, at si Joanne ay nakapaglalakad pero may plaster ang kaliwang kamay. Nagtinginan ang mga lalaki at tahimik na sumunod.

Nang maiwan sila sa loob, natahimik bigla ang mga ito na parang may naalala at hinarap ang isa't isa. Napailing nalang ang mga babae.

"Lymore, di ba sabi ko sayo alagaan mo ng mabuti si Skyler?" galit na si Josiah.

"Richard, di ba sabi ko sayo alagaan mo ng mabuti si Joanne?" sumbat din ni Lymore.

"Josiah, ano ito? Narinig mo din naman ang bilin kong alagaan mo si Oriole di ba?" pabalik na tanong ni Richard.

Nagtinginan ulit ang mga babae pero sa isang iglap ay nagbubugbugan na ang mga binata.

"Titigil ba kayo o mapipilitan along parusahan kayo?" sigaw ni Skyler.

Natakot naman sila at tumigil pero isa-isang lumabas ng silid na walang anumang salitang binitiwan.

Nasa chapel ngayon si Josiah. Nag-iisip ng malalim. Napagtanto niyang may mali siya. Nagalit siya kay Lymore dahil sa hindi nito pag-alaga kay Skyler ng di man lang inalam ang totoong nangyari at maski siya ay di rin niya natupad ang hiling ni Richard, hindi niya nabantayan ng husto si Oriole kaya ito nahulog ng bundok. Mali siya, kailangan niyang humingi ng tawad sa mga kaibigan. Huwag dapat nilang sirain ang kanilang pagkakaibigan dahil sa simpleng problema na pwede namang mapag-usapan. Tatayo na sana siya ng may humawak sa balikat niya. Paglingon niya, si Richard.

"Tol, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Richard.

"Eh kausap mo na ako tol oh, he he, joke lang. Oo naman, ikaw pa" masayang sagot ni Josiah. Umupo ang kaibigan nito sa tabi at inakbayan siya.

"Tol, pasensya na kanina ha, nag-alala lang talaga ako para sa mahal ko. Alam ko namang di mo ginusto ang nangyari eh. Sana maintindihan mo ako tol" pagpapaumanhin ni Richard.

"Kalimutan na natin ang nangyari kanina pre. Inaamin kong medyo naging pabaya ako kaya siya nalasing at nahulog sa bundok pero wala na akong magawa para iligtas siya kaagad. Kaninang umaga, napagdesisyunan kong huwag ng ituloy ang race at iuwi na siya. Ayaw pa nga niya pero pinilit ko siya at kinarga pababa. Ang bigat niya tol" biro ni Josiah.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYOnde as histórias ganham vida. Descobre agora