Chapter 15

2 1 0
                                    

"Welcome back!" salubong ng Hexagon Kay Rhianne, na aaktong si Skyler, ng pumasok siya sa skwela.

Tinawagan kasi ni Mr. Dee si Joanne at sinabing babalik na si Sky subalit medyo kailangan niyang mag-adjust dahil sa pagkaaksidente niya. Iyan nalang ang nabuo nilang rason para hindi sila magtaka kung marami mang mga bagay bagay ang alam ni Sky na hindi alam ni Rhianne.

"Thank you guys, hindi ko inexpect ito a" napangiti si Rhianne sa effort nila. May hawak hawak pa kasi silang banner kung saan nakasulat ang pangalan ng kakambal.

"Bakasyon tayo ulit Skyler! Miss na miss ka na kaya namin" suyo ni Oriole at niyakap nila ang pangulo.

"Hindi pwede ngayon, midterms na natin next week" angil ni Joanne.

"Ehh, andito na si Skyler. Hindi na ikaw ang masusunod, maam Joanne" asar ni Josiah. Inirapan lang siya ng babae.

"Alam mo Skyler, itong si Joanne naging super strikto at magagalitin noong wala ka, akala mo laging meron" dagdag na asar ni Lymore na ikinatanggap niya ng suntok sa braso.

"Kahit pa midterms next week, kayang-kaya naman natin eh, sige na Skyler, beach tayo" pagsusuyo ni Oriole.

"Emmm... Hindi, papasok tayo ngayong buong linggo hanggang sa pagsusulit. Sa weekend tayo magbe Beach" desisyon ni Rhianne. Nagpout si Oriole na ikinatawa niya.

Sinulyapan ni Rhianne si Richard. Kanina pa ito tahimik at walang kibo at nararamdaman niya ang pagsulyap-sulyap nito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila at unang bumawi si Richard. Anong meron? Nang ibinalik ang atensiyon sa mga kasama, linalambing na ni Lymore si Oriole at nagtatawanan naman sina Joanne at Josiah.

"Haler, anong balita?" sabay tingin sa nga magkahawak na kamay ng mga couple at kay Richard.

"Ah ehh, Skyler, ka...kami na, I mean, gf ko na si Oriole" ani Lymore na kinakabahan.

"At gf ko na rin si Joanne, Skyler" ani naman ni Josiah.

"Iyan, single, hinihintay ka" sabat ni Oriole ng tinitigan ni Rhianne si Richard.

"Ahhh, masaya ako para sa inyo kung ganon. At dahil ngayon ko lang nalaman, ilibre niyo ako ng tanghalian" suyo ni Rhianne.

"Richard, libre mo daw siya, lalabas kasi kami ni Josiah eh" saad ni Joanne.

"Kami din eh, nakareserve na kasi yung area for us" paumanhin ni Oriole.

"Ay ganun ba, sige next time nalang, nakakahiya naman kay Richard" ani Rhianne.

"Hindi okay lang, sige ako na manlilibre sa iyo" sawakas nagsalita na rin ang lalaki.

"Ehm ehm" pekeng ubo ni Josiah.

Dumating na ang propesor nila at sinimulan na nito ang lecture. Hindi maka concentrate si Richard. Excited na siya. Sawakas bumalik na din ang hinihintay niya pero bakit ganun? Parang wala lang sa kanya ang nakaraan? At parang nagbago ata ang ugali niya, mas bumait? Napangiti siya.

Sa wakas ay tanghalian na. Lumabas din sila gamit ang kotse ni Richard at dinala nito ang dalaga sa isang sikat na restaurant. Marami silang in order at habang kumakain ay nagkukuwentuhan. Nagkamustahan muna sila at ikinuwento ni Richard ang nga nangyari sa grupo noong wala sila, at kung paano naging couples yung apat.

"Nang umalis ka ng biglaan, naging malungkot ang grupo. Si Josiah ay naging babaero. Daming chicks sa paaralan kaya't lagi siyang sinasaway at pinapagalitan ni Joanne. Ilang beses niyang pinagsabihan ang binata pero nabingi ata. Minsan pa nga di na umuuwi. Minsan, hindi pa nakauwi si Josiah e malalim na ang gabi. Hindi namin siya makontak. Lumabas si Joanne at hinanap ito. Natagpuan niya raw ito sa isang bar at lasing na lasing habang nakikipaghalikan. Pinilit siyang iniuwi ng dalaga at nag-away pagkarating sa bahay. Hindi nila ako napansin sa sulok na nagbabasa kasi di nila binuksan lahat ng ilaw kaya narinig ko ang usapan nila" salaysay ni Richard.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now