Chapter 6

4 1 0
                                    

"Gusto mo atang bumalik sa pagkabata" biro ni Richard kay Oriole.

Sinundan niya ito sa garden matapos din niyang kumain. Alam kasi niyang dito ang paboritong tambayan ng babae sa buong rest house. Umupo din siya sa isang swing katabi ng dalaga. Sa katunayan, may anim na swing dito, well, tig-isa sila syempre.

"Nakakamiss kasi ang mga dating gawain natin dito, naglalaro, nagtatawanan, simpleng awayan at tampuhan" nalulungkot ang boses ng sumagot.

"Eh, pwede pa din naman nating ulitin ang mga iyon eh" sagot ng lalaki.

"Iba na ngayon Richard, nasa legal age na tayo at mas nadagdagan na ang ating mga responsibilidad. Natatakot ako na darating yung araw na wala na tayong oras para sa isa't-isa" ani Oriole.

"Hindi yan mangyayari, nagsumpaan tayo na walang iwanan anuman ang mangyari" paninigurado ng binata.

"Sana nga... " bumuntong-hininga ang babae.

Simula ng tumuntong siya sa High School, sila na ang naging pamilya niya kaya mahal na mahal niya ang mga ito, naligaw lang siya minsan dahil sa peste niyang damdamin, pero ngayon, alam na niya ang gagawin.

"Richard salamat ha, sa lahat, isa ka sa mga kaibigan kong laging andiyan para sa akin, kahit noong naligaw ako, iniligtas pa rin ninyo ako, salamat ha", sincere si Oriole.

"Wala iyon, walang iwanan nga di ba, tayo ay magdadamayan. Hala, Tara pasok na tayo at malamig na dito sa labas, baka magkasakit ka pa", aya ng lalaki at pumasok na sila para matulog.

Kanina pa hindi mapakali si Skyler. Palakad-lakad siya sa rooftop at parang kinakabahan siya. Tumawag siya sa bahay pero wala naman daw problema sabi ng kasambahay niya. Kasama naman niya ang mga minamahal niyang kaibigan kaya ligtas sila. Mula sa taas, pinagmasdan niya ang kapaligiran ng bahay pero wala naman siyang napansing kakaiba at problema.

"Nakakahilo ka na Skyler, may problema ba? Kanina ka pa lakad ng lakad diyan eh" si Josiah. Nagulat ang babae.

"Eh, wala Josiah, bakit andito ka pa? Bakit di ka pa tulog?" tanong niya.

"Eh ikaw? Ba't ka andito? Bakit di ka pa tulog?" balik tanong ng lalaki.

Umirap ang babae at natawa si Josiah.

"Nakita kasi kitang pumarito kaya sinundan kita pero di mo ako napansin dahil mukhang may problema? Nahihilo na ako sa kapapanood sa paglakad lakad mo. Ayos ka lang ba? Sabihin mo naman sa akin oh" tanong niya.

"Ah, wala, pagod lang siguro to, Tara, baba na tayo at matulog... gabi na", aya niya.

Kanina pa nakahiga si Joanne pero di rin siya makatulog. Parang pakiramdam niya ang init. Naisip niyang lumangoy muna sa pool. Dito kasi ang paborito niyang tambayan pag may bumabagabag sa isip niya. Nagdive siya at in-enjoy ang lamig ng tubig. Medyo matagal na siya sa tubig pero di pa din naaalis ang kaba sa kanya. Kakaiba ito a. May masama bang mangyayari? Umahon na siya at napagdesisyunang matulog na ng may sumalubong sa kanyang tao.

"Akala ko di ka na aahon, ito tuwalya", ani Lymore.

Siya pala, kinabahan ang babae, akala niya kung sino na. Mabuti nalang at di niya agad ito sinaktan.

"Salamat... Eh, bakit gising ka pa?" tanong niya sa lalaki.

"Galing ako ng kusina dahil nauuhaw ako ng makita kung may tao dito. Ikaw pala kaya nanguha ako ng tuwalya at hinintay kitang umahon. Tara, pasok na at ng makapagbihis ka na, baka malamigan ka pa at magkasakit. Pambihira ka naman, naliligo sa kalaliman ng gabi e ang lamig lamig ng tubig, dolphin ka ba?" biro ni Lymore.

"Reporter ka ba? Kasi dakdak ka ng dakdak, joke" biro ni Joanne.

"Sige una na ako ha, salamat sa panonood at sa tuwalya" paalam ni Joanne saka nagsmirk.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now