Chapter 9

6 1 0
                                    

Pabalik na si Skyler mula sa airport ng tumawag ang isa sa kanyang SBG.

"Master, Spy#1 reporting. Masamang balita, nakatakas si Andrew Aquino mula sa bilangguan at nakabalik na siya ngayon sa grupo niya. Kailangan ninyong mag-ingat palagi pero wag kayong mag-alala dahil andito lang kami."

"Ano? Damn!" namumula na sa galit si Skyler. Paano nakatakas ang ugok?

"Salamat sa pasabi. Kung ganun, be alert at magreport kayo agad sa akin kapag may aberya. Anim ang magsisilbing body guard namin at ang natitirang apat ang magmamanman sa kaaway. Mag-ingat din kayo palagi-over".

Bumuntong-hininga si Skyler. Hindi naman kasi siya naniguradong tapos na ang laban pero nadismaya pa rin siya sa pagtakas ni Andrew.

Tinawagan niya si Joanne at inutusang mauna na sila sa Palawan kung saan sila magbabakasyon pansamantala, sa gabi ding iyon. The quicker they leave here, the safer they will be, naisip niya. And she will make sure of that.

Hindi naman nakahalata si Joanne na may problemang dahilan ng pag-aga ng punta nila kaya walang naging problema.

Nagtungo siya sa HQ at tinawag ang mga SBG para makausap ng masinsinan. Ayon sa report nila, hindi ang buong grupo ang target ng kaaway kundi siya lang, kaya nagtaka siya kung bakit. Gayunpaman, nag-utos siya ng dalawang SBG para gabayan ang mga kaibigan sa pagpunta sa Palawan.

Tinawag din niya noong hapong iyon ang karamihan sa mga gang pulis at sinanay niya ang mga ito bilang paghahanda sa pagpasok sa hideout nina Andrew.

Katatapos lang ng training nila ng may kasama silang humahangos papasok. Halatang nagtatakbo ito pero madilim na kasi kaya di nila kita kung sino. Ng makaabot sa kanila, isa pala ito sa mga SBG niya. Nireport niyang sinunog nina Andrew ang bahay niya.

"Aaahhhhhh" napasigaw siya. Galit na galit ito. Buti nalang nagbakasyon na din ang maid niya at nadala niya dito sa HQ ang mga sasakyan niya. No damages except for the house itself. Ang mga mahahalagang documento naman kasi ay ligtas sa underground floor ng bahay niya na tanging siya lang ang nakakaalam. Ligtas iyon dahil sinigurado niyang hindi matutupok ng apoy ang kahit saang bahagi.

Pinulong niya ang mga kasamahan at nang gabi ding iyon ay sinugod nila ang kuta ni Andrew. Kasalukuyan silang nagsasaya dahil sa pagtatagumpay sa pagsunog sa bahay ni Skyler na ikinangalit ng galit niya. Sinenyasan niya ang mga kasama na palibutan ang lugar at sila naman ang papasok. Sinimulan na nga nilang barilin ang mg nasa labas kaya't nagsilabasan na ang kanilang mga kasama, halos lahat sila.

"Wrong move idiots" bulong niya sa sarili. Mga Tanga, iniwan niyo ang pangulo niyo sa loob na kulang ang guwardiya. Humanda siya.

Habang nagbabarilan ang mga pulis at ang tauhan ni Andrew, pumasok sina Harlene kasama ang kanyang mga SBGs sa loob. Gumamit sila ng silencer sa kanilang mga baril kaya hindi nakahalata ang mga nasa loob na may nakapasok. Halos mapatay na nila lahat ng nasa loob bago nila makita si Andrew. Nakangisi pa ang kontrabida.

"Kung gusto mo pang mabuhay, isuko mo ang sarili mo sa akin at ibigay mo din ang lahat ng ari-arian mo sa akin", banta ng lalaki.

"Ass ka ugok! Kahit binting, wala kang makukuha sa akin at kahit hibla ng buhok ko, wala kang mahahawakan sa akin!" matapang na sagot ni Harlene.

Narinig niyang may kumasa sa likod niya kasabay ng pagsigaw nang isang lalaki. Agad siyang dumapa pero *bang bang!* may natumba, dalawa! Dalawang putok ang sabay na umalingawngaw sa loob.

"Master, ayos ka lang?" mabilis kumilos ang mga SBG at pinuntahan siya.

Anong nangyari? May lalaking nanggaling sa likod nila at babarilin sana si Harlene pero dahil nakailag siya, kay Andrew tumama ang bala. Dahil sa dibdib tinamaan, tigok agad siya. Sayang, makakakuha sana sila ng impormasyon mula sa kaniya. Ang lalaking nagtangkang bumaril naman kay Skyler ay nabaril din patay.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें