Chapter 4

10 1 0
                                    

Quarter to 8 ng may humintong sasakyan sa may gate. Maya-maya pa ay may nagdoorbell. Si Josiah pala.

"Good evening, sinusundo ko na ang prinsesa ko" nakangiti ang loko.

Napatigil si Skyler. Ang guwapo nito sa suot nito ngayon ah. Ngayon niya lang napansin. Paano ba naman ay si Lymore lang ang nasa mata nito. Napangiti siya.

"Uy ngumiti, ganito na ba ako kaguwapo? Kung makatitig ka, matutunaw na ako. O sige, magpopose ako para mas maganda ang view", biro nito at nagpose siya.

Napanganga si Skyler. Ang feeling nito ah. Pero guwapo pala talaga siya.

"Chee, tara na nga, tutal handa naman na ako", aya niya.

"Okay", excited na sagot ni Josiah at pinagbuksan pa siya ng pinto.

Gentleman huh, napaisip si Skyler. Sa daan, tinanong nito kung saan sila pupunta pero surprise daw. Tinext nito si Joanne kung sinundo na ba siya at oo daw. Ok, nagkapalit palit ata sila ng partners ha. Nagkausap usap kasi silang tatlo at nagkaaminan na may gusto sila sa mga ugok nilang kaibigan. Buti nalang walang 2 in 1. Napabuntong hininga siya at di niya namalayang naidlip pala siya.

"Skyler... andito na tayo...gising", nagising siya sa pagyugyog sa kanya ni Josiah.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nagulat siya dahil napakalapit ng mukha ng lalaki sa mukha niya at nakangiti pa ito. Bakit mukha siyang mas gumwapo?

"Alam ko gwapo ako, pero ingat babe, baka malusaw ako", biro nito tsaka tumawa at lumabas na.

Pinagbuksan nito ulit ng pinto ang babae.

"Gwapo nga, mayabang naman", bulong ni Skyler.

"Kita mo, inamin mo ring gwapo ako", tumawa nanaman si Josiah.

Hindi na sumagot si Skyler. Maiinis lang siya. Inilahad ng lalaki ang kamay niya at ikinawit naman niya ang braso niya dito. Naglakad na sila papunta sa... tabing dagat? Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasa isang resort sila? Ba't ngayon lang niya napansin? Nagtaka siya kung bakit sila lang.

"Asan yung iba?" tanong niya.

"Iba? Sino? Ah, mga barkada? Ewan ko kung nasaan sila. Tara, doon tayo", turo niya sa usang madilim na parte ng resort.

Ano? Di nila kasama ang barkada rito? O wala pa sila? Itetext sana niya si Joanne nang bigla silang tumigil sa paglakad. Pumalakpak si Josiah at biglang nagkailaw sa harap nila. May isang booth doon na ngayon ay napapalibutan na ng mga ilaw at bulaklak. Sa loob ay may napapalamutiang mesa na puno ng pagkain at dalawang upuan.

"Shall we?" offer ni Josiah.

Tumango nalang siya at iginiya sa isang upuan.

"Kain na tayo? Gutom na ako eh", parang biglang nahiyang wika ni Josiah.

Tumango ulit ang babae.
Biglang naging awkward ang sitwasyon dahil tahimik sila pareho habang kumakain. Si Josiah, biglang kinabahan sa hihilingin. Si Skyler naman, nagtataka kung bakit sila lang nandito, at ano to? Date nila? Kukunin sana niya cp niya para itext ang mga kaibigan ng magsalita si Josiah.

"Nagtataka ka siguro kung bakit tayong  dalawa lang ang andito. Yung apat, kasalukuyan din silang nagdidinner by 2s. Napagkasunduan naming sayo ako hihiling, si Richard kay Oriole at si Lymore kay Joanne", ngumiti si Josiah.

Mind reader ba ito at nahuhulaan niya ang mga iniisip niya?

"Ba't kailangang  by partner? Ano ba kasi ang hihilingin niyo?" tanong ni Skyler.

"Dahil hindi pwedeng by group- tsaka kain muna tayo bago ko sayo sabihin", biro ni Josiah.

Napataas naman ng kilay si Skyler. Gago talaga itong kaharap niya ngayon, pero...gwapo ha.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now