Chapter 13

3 1 0
                                    

Nagising si Skyler dahil may yumuyogyog sa kanya. Si Rhianne pala at nakabihis ito. Ipinaliwanag niyang napagdesisyunan niyang pabalikin muna ng France si Skyler at dumoon na muna ng isang Linggo. Nais daw niyang makapiling muna nito ang mga kaibigan nila bago lumaban para makahugot ng kakaibang lakas mula sa kanila. Pumayag naman si Skyler at naiyak sa pag-aalala ng kapatid. Alam naman na ni Rhianne ang gagawin at kaya niyang protektahan ang sarili lalo pa't may kasama siyang 4 na SBG. Palihim na babalik sa France si Skyler at  siya ang aaktong Skyler sa Pilipinas.

Nagulat ang The Hexagon ng pumasok si Skyler isang linggo mula ng mamaalam. Sinabi niya sa mga ito na magbabakasyon sila ng isang linggo sa isang resort kayat natuwa sila. Sa hapon ding iyon, naghanda na sila at kinabukasan ay nagtungo na sila sa Harjen Resort na pag-aari pa rin nina Skyler. May private cabin doon kaya't dito sila tumuloy. Tig-isa sila ng silid kaya't masasabing malaki ang cabin kasama na ang maluwang na sala at kusina.

"Di ba't nakakalungkot isipin na yung taong mahal mo ay may mahal na iba?" tanong ni Skyler kay Richard at naupo sa tabi ng binata na pinapanood si Oriole habang masayang nakikipaglaro kay Josiah.

"Skyler, hindi ko na alam ang gagawin ko" naluluha na si Richard. Inalo ni Skyler ang binata at pinasandal sa balikat nito.

"Kailangan mong magsakripisyo gaya ng gagawin ko. Inaamin ko gusto ko si Lymore pero si Joanne ang gusto niya. Alam ko kung gaano kasakit Richard, pero kung talagang mahal natin sila, kailangan mating magparaya. O kaya naman para hindi masira ang ating pagkakaibigan, kailangan nating kalimutan ang ating nararamdaman para sa isat isa" malungkot ang tinig ni Skyler.

"Baka hindi ko kaya, sa tingin ko kasi, mahal ko na sya" ani Richard.

"Sigurado ka na bang totoong mahal mo siya? Payag ba ang isip at ang buong puso mo?" tanong ni Skyler.

"Hindi ko alam" bumuntong-hininga si Richard.

"Richard tandaan mo, iba ang gusto sa mahal, mas mataas ang level at mas seryoso kapag sinabi mong mahal mo na ang isang tao ng higit sa isang kaibigan. Parang sinasabi mo na rin na gusto mo siyang makasama habambuhay" paliwanag ni Skyler.

Hindi sumagot si Richard at umayos ng upo. Palapit kasi sa kanila si Oriole.

"Pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko Richard, una na ako ha, kukuha lang ako ng pagkain, ginugutom ako eh" ani Skyler at umalis na matapos kumaway kay Oriole.

Ng makalapit si Oriole, tinitigan niya ito. Mahal nga ba niya ito? O naakit lang siya sa ganda nito? Pumikit siya ng ilang segundo at pagmulat niya, alam na niya ang sagot.

"Hoy Richard! Tulala ka jan! Tara daw maligo sabi ni Josiah" agaw pansin ni Oriole.

"Hah?" nagulat ang binata at sinabing susunod nalang siya.

Nang makita ni Josiah si Richard na papalapit sa kanila ni Oriole, hinila niya ito sa tubig at binasa saka tumakbo palayo sabay kaway kay Richard at nagtungo na sa kubo para kumain na din sapagkat nakakagutom ang kakulitan ni Oriole.

🎵Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o Mahal ako?🎵, ani ng kanta na palakas ata ng palakas at nagulat si Josiah ng itapat ni Lymore sa tainga niya ang speaker ng cp niya. Tinitigan niya ito ng masama pero tumawa lang si Lymore.

"Pre, narinig mo ba ang liriko ng kanta? Patama ito sa atin eh, sino daw ba ang pipiliin natin, yung taong mahal natin o yung nagmamahal sa atin?" ani Lymore.

"Pinagpipili mo ba ako?" tanong ng huli. Tumango naman ang una.

"Hindi niyo na kailangang mamili", sabat ni Richard. Nakatakas sa linta!

"Anong ibig mong sabihin pre?" tanong ni Lymore.

Ikinuwento ni Richard ang nagging usapan nila ni Skyler. Hindi nakasagot agad ang mga kaibigan at napaisip sila. Ibinahagi din ni Richard ang naging realisasyon niya. Hindi niya talaga mahal si Oriole sapagkat nagustuhan niya lang ito. Napagdesisyunan na niyang kalimutan na ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Matagal na katahimikan ang bumalot sa paligid hanggang sa nagsalita na rin si Lymore.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now