Chapter 16

3 1 0
                                    

Mahigit isang buwan nang nanliligaw si Richard kay Rhianne at mas nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata pero, may pero. Kinukulit na siya ng mga kaibigang sagutin na ang manliligaw pero.... Hindi pa siya handa ang nirarason niya. Hindi na niya alam ang gagawin at muntikan na niyang sabihin ang totoong hindi siya si Skyler pero buti nalang at nakapagpigil siya.

Isang gabi, tumawag ang kanyang ina mula sa Pilipinas. Maganda ang ibinalita nito at pinapauwi siya sa lalong madaling panahon. Sinabi niyang uuwi sila in two weeks at excited ang inang makita sila. Pagkababa ng tawag mula Pilipinas, alam na niya ang gagawin.

Kinabukasan, ipinaalam niya ang pag-uwi ng Hexagon sa Pilipinas. Sinabi niya ring doon na niya sasagutin si Richard. Na excite ang mga ito at nagsipamili ng mga pasalubong para sa kahit sino.

Sa wakas bakasyon na. Hindi nagpasundo sila Rhianne kundi ang kotse nila ang pinadala sa paliparan. Nagkarera sila pauwi sa rest house nila nang may ngiti sa mga labi. Nagpahinga sila nang gabing iyon at kinabukasan ay may sorpresa si Rhianne.

Pagkatapos nilang mag-agahan, tinawag niya ang mga kaibigan at pumunta sila ng underground floor. Inilabas ni Rhianne ang notebook na pinagsulatan ni Skyler ng mga naging pangyayari sa grupo nila at pinabasa sa kanila. Ang kanilang pagkabuo, mga naging pagsasanay, pagkakaibigan, labanan, ang kanilang pag-ibig sa mali maling tao, mga threat sa kanilang grupo pero si Skyler lang ang humarap at panghuli ay ang pagtutuos nila ni Montouri-iyan ang mga nakalahad sa aklat.

Nagtinginan ang Hexagon at lumuluha. Yayakapin na sana nila si Rhianne pero umatras ito at binigay kay Joanne ang isa pang sulat bukod sa iniwan ni Skyler sa France.

Nakasaad sa sulat ang magaganap na paghaharap niya sa isang kaaway at ang habiling kung sakaling may masamang mangyari sa kanya, ang kakambal niya ang papalit sa kanya. Nakasaad din sa huling bahagi ang patakarang walang iwanan sa grupo. Biglang tumahimik ang grupo. Lahat ng mata ay napunta kay Rhianne. Bumuntong hininga siya.

"Ako si Neijen Rhianne Dee, kakambal ni Skyler. Noong araw ng labanan, hiniling niyang balikan ko kayo at punan ang posisyon niya bilang Skyler at hindi ang tunay kong pangalan ang gamitin. Wala akong nagawa kundi pumayag. Richard, I am sorry but it is a no. Si Skyler ang mahal mo at hindi ako" naputol ang pagsasalita ni Rhianne ng sumigaw si Richard at ipinagbabato ang mga nasa loob.

Pinaalis muna ng mga lalaki ang mga babae at pinakalma si Richard. Walang nagsalita sa tatlong lumabas. Pinuntahan ni Rhianne ang kasambahay at sinabihang maghanda ng dinner pang maramihan dahil bibisita ang kanyang pamilya pagkatapos, nagkulong na siya sa kwarto.

Buong maghapon, nagkulong ang bawat isa sa kani-kanilang silid. Nagbalak si Rhianne na kausapin ang mga ito pero nagdesisyon siyang pabayaan nalang muna niya ang mga ito. Kung sabagay, hindi na rin siguro siya magtatagal at aalis na rin siya sa grupo.

Bago ang hapunan, ipinaalam ng kasambahay sa Hexagon na bibisita ang mga Dee kaya naghanda na rin ang mga ito. Subalit mga wala ata silang balak lumabas hanggang sa hindi pa dinner bukod kay Richard na nasa garden na naman at lumbay na lumbay. Naisip niya, kaya pala pansin niyang may nag-iba kay Skyler, yun pala hindi siya ang Skyler na mahal niya.

"Hindi ko alam kung dapat na ba akong magtampo. Siya ba? O ako ang dahilan ng iyong pag-iyak?" ani boses ni Rhianne at yumakap ito sa kanya. Hindi siya kumibo at nagpunas ng luha.

"Anthony Richard Oliver, it's me, it's Skyler" ani ulit ng boses. Napatayo si Richard at sumigaw ng "multo" kaya't na out of balance si Skyler at natumba sa damuhan.

"Aahh" sigaw ng dalaga.

"Skyler!" sigaw ni Rhianne at tinakbo ang kambal.

"Richard! You idiot! Anong multo pinagsisigaw mo. At kalalaki mong tao takot ka pala sa multo?" galit si Rhianne at tinulungan ang kambal na tumayo. Napangisi si Skyler kasi pulang-pula si Richard sa pagkabigla at takot.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now