Chapter 7

4 1 0
                                    

Naiinip na si Andrew sa kakahintay nang mula sa bahay ni Dee ay lumabas ang isang magandang babae. Ito na siguro si Harlene Dee ng The Hexagon. Hindi pa din kasi niya ito nakikita sa personal.

Pumalpak ang unang bata niya kaya siya na mismo ang gagalaw. Atat na kasi ang Big Boss niya.

Pumasok sa kotse niya ang babae at umalis na ito. Maya-maya pa ay sinundan na nila ng mga bata niya. Napag-alaman nilang may field trip sila pero sisiguraduhin niyang hindi mag-eenjoy ang leader ng The Hexagon.

Sinundan nina Andrew ang kotse ni Harlene. Sigurado siyang ito ang kotse ni Harlene dahil ito ang itinuro ng studyanteng pinagtanungan niya minsan para iwan ang sulat.

Paalis na ito ng Baguio City at tinatahak ang highway papuntang La Union at Ilocos kung saan ang destination daw nila. Tama siya.  Target undercover.

Apat at kalahating oras ang naging biyahe ng convoy bago nila narating ang unang stop over nila. Ginugol nila ang isa't kalahating oras sa lugar at dito na rin sila nananghalian.

Sa iba-ibang kainan sila kumain dahil sa dami nila, hindi sila kayang pakainin ng iisang restaurant lamang.

May iba ring di na kumain at nagtinapay nalang.  Busog yata sila sa kung anu-anong mga pagkain na dala nila.

Ang The Hexagon, kumain sila siyempre sa isang mamahaling restaurant.

Napansin din ni Oriole na may mga matang nakabantay sa kanila pero di naman siya kinakabahan. Tinititigan lang siguro sila ng mga kasama nilang diners dahil sa guwapo at ganda nila.

Umalis na sila sa lugar pagkatapos ng lunch at naglakbay ulit sila pero ngayon, iba na ang ayos ng sasakyan. Kung sinong bus ang naunang naayos, sila na ang naunang umalis.

Nagpahuli ang The Hexagon dahil agaw atensyon na kapag napapagitnaan sila ng mga bus.

Pinauna ni Skyler ang dalawang pares at nagpahuli sila. Baka kasi mapansin nila ang sumusunod na kotse at kabahan lang sila. Di bale na sa nauna, hindi sila magdududa.

Makalipas ang isang oras na biyahe, tumigil ulit sila sa pangalawang stop over.

Isang oras lang sila nanatili doon kaya naman nagtatakbuhan ang mga estudyante. Pose doon, pose dito... Click... Click... Tingin sa camera, ngiti.

Nagtake lang ng group photo ang magkakaibigan at naghanap na sila ng pwedeng pagmeryendahan.

Nakahanap sila ng isang magandang snack haus. Umakyat sila ng ikalawang palapag at naupo sa gilid kung saan kita ang kalsada.

Habang hinihintay nila ang pagkain, pinapanood nila ang kalsada na natatrapik dahil sa nakaparadang mga bus sa gilid ng kalsada. Out of the blue, breaking the calming silence, nagtanong si Lymore.

"Diba yun yong kotse mo?" tanong nito kay Skyler.

"Hala oo nga, iyon nga, sigurado ako", segunda ni Oriole

"Asan? Ae oo nga, nasa bahay mo kotse mo diba?" tanong din ni Josiah.

"Asan? Iba yan. Baka kakambal lang ng kotse ko. Impossible namang maparito kotse ko e iniwan ko naman sa bahay at andito sa akin ang susi oh", iwinagayway ni Skyler ang kanyang bunch of keys sa harap nila.

Lahat sila ay nagtaka dahil kaparehong-kapareho ng kotse ni Skyler yun.

"Ah baka nga" ani Richard.

"Oh, kain na tayo. Andiyan na foods natin. Alis na tayo in 20 minutes", aya ni Joanne.

Napabuntong-hininga si Skyler. Yung kotse nga niya iyon. Ito ang pinagamit niya sa apat na SBGs. Napansin nga ng mga kaibigan niya ang kotse niya pero di naman nila napansin ang dalawang kotseng nakasunod pa sa kotse niya.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt