Chapter 14

3 1 0
                                    

Ayaw sana niyang istorbohin ang kapatid sa bakasyon nito. Siya nalang sana ang haharap sa kaaway ng kakambal pero alam niyang hindi ito papayag at baka magalit pa siya pag di niya ipaalam ang tungkol sa babala. Dibale, para sa buong Hexagon to.

Tinawag niya ang mga SBGs na kasama niya at ipinaalam ang bilin ng kapatid, pagkatapos, natulog na sila bilang paghahanda.

Alas kuwatro palang ng umaga ng gumising si Skyler. Hindi na niya kailangang mag impake dahil may mga gamit na rin naman siya sa Pilipinas. Pumunta siya sa silid ni Joanne. Mahimbing ang tulog nito. Tinitigan niya ang best friend. Makakapiling pa kaya niya ito? May umagos na luha sa pisngi. Ipinatong nito sa lamesa ng kaibigan ang sulat na ginawa niya kagabi at mabigat ang loob na lumabas ng silid.

Inisa-isa niyang pinuntahan ang silid ng mga kaibigan at pinagmasdan ang mga ito. Huli nitong pinuntahan ang silid ni Richard. Napailing siya. Mahal na nga niya ito. Ganun kabilis? Oo dahil puso ang tumitibok at hindi ang isip. Hinalikan nito sa noo ang lalaki at umalis na. Bago siya tuluyang umalis, humiling siya sa Diyos na sana ay makita at makapiling pa niya ang mga ito.

Alas tres ng hapon ng makarating siya sa paliparan sa Pilipinas. Sinundo siya ni Rhianne mismo kasama ang dalawang SBG at dumiretso na sila ng HQ. Wala dapat silang sayanging oras. Pagkarating nila, tinawag nila lahat ng kasama at pinag-usapan ang Plano. Pagkatapos, kumain na sila saka inihanda ang mga armas na gagamitin.

Alas otso na ng magising si Joanne. Matapos niyang magbihis, nakita niya ang sulat na iniwan ni Skyler. Nangunot ang noo niya at nagtaka kung ano iyon. Binasa niya ang laman at bigla atang kinabahan pagkatapos. Bakit parang may mali? Lumabas siya at nadatnan ang mga kasamang nanunuod habang humihigop ng kape.

"Oh Joanne, gising ka na pala. Kape tayo, si Skyler di pa gising" ani Oriole.

"Gising na siya, pabalik na nga sa Pilipinas eh" balita ni Joanne at iniabot ang sulat.

"Bumalik na sa Pilipinas si Skyler?" sigaw ni Richard.

"OA, oo pre at magtatagal daw siya doon kaya ipinasa muna niya kay Elexire ang pamumuno sa grupo" sagot ni Lymore. Nagtinginan ang magkakaibigan.

"Ayon sa sulat niya, business matter raw ang dahilan kaya siya magtatagal doon" paliwanag ni Josiah.

"Well, sundin nalang natin ang kagustuhan ng pangulo natin. Kahit minsan, di pa siya nagkakamali ng mga Plano at desisyun eh" ani Oriole. Tumango ang mga kasam subalit tahimik lang si Joanne.

"So, Joanne, anong Plano, tuloy ang isang linggong bakasyon o uuwi na tayo?" tanong ni Josiah.

"Kayo ang bahala" wala sa sariling sagot ni Joanne.

"Hindi pwede, mahigpit ang utos ni Skyler na ikaw ang susundin namin", ani Lymore.

"P... Pwede bang umuwi nalang tayo?", tanong nito.

"Sige, nawala na rin kasi ang saya dahil sa biglaang pag-alis ni Skyler" payag ni Oriole.

Pagkatapos nilang kumain, nag-impake na sila at nagbalik na ng Paris. Pumasok na din sila sa unibersidad kinabukasan pero kapansin-pansin ang tahimik at pagiging di mapakali ni Joanne. Madali na rin itong nagagalit at kadalasan gustong mapag-isa. Nagtataka na ang mga kaibigan pero walang nagkakalakas loob magtanong.

Habang nagpapalipas ng oras, nakahilata lang si Skyler at nakatitig sa naka on na TV pero wala naman doon ang atensiyon. Pumasok si Rhianne at ng makita ang reaksiyon ng kapatid ay pinatay ang TV saka ito tinabihan. Alas siyete pa lang ng hapon. Sigurado siyang nagsisimula na sa Plano ang mga kasama nila.

"Lalaki ang tumawag at nagulat ako dahil alam niya ang tungkol sa akin. Mahigpit ang bilin niya na huwag kang magsasama ng mahigit sa sampung kasama. Hindi rin siya nagpakilala" kwento ni Rhianne.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now