Chapter 12

2 1 0
                                    

Unang araw ng pasukan sa Sky University. Kolehiyo na ang The Hexagon at pare-pareho silang Business Administration ang kursong kinuha. Ang unibersidad na pinapasukan nila ay pagmamay-ari ng pamilyang Dee sa France. Si Skyler ang nag-utos sa grupo na doon na mag-aral at ipamahala muna sa iba ang Hexagon University. Ang sinabi niyang reason ay para maiba naman ang kanilang kapaligiran. Wala namang umangal basta ba't magkakasama sila, friends forever eh.

"Slave, bili mo nga ako ng pagkain please" suyo ni Joanne kay Richard.

"Ako din please Josiah" suyo naman ni Oriole.

"Ako din" ani Skyler at tumingin kay Lymore.

Pumasok na sila ng school canteen at dumiretso sa table na laging nakareserba para sa kanila. Ilang buwan na silang nag-aaral dito at wala namang nagiging problema. Alipin pa din nila ang mga binata at hindi makaangal ang mga ito. Palihim namang nangingiti ang mga dalaga habang nag-eenjoy sa serbisyo ng mga hinahangaan. Paminsan-minsan, may mga bumubunggo sa kanila pero mahigpit ang utos ni Skyler na hangga't hindi sila mananakit ay hindi sila papatol.

Katatapos lang ng first semester at sa wakas ay semestral break na nila ng may matanggap si Skyler na ulat mula sa Pilipinas.

"Master, natunton na namin ang big boss ni Andrew Aquino. Si... Si Congressman... Montouri" nautal pa ang kausap sa kabilang linya.

Nagulat si Skyler at di nakapagsalita agad. Nagpasalamat siya at pinutol na ang tawag. Franco Montouri, siya ang taong gustong pumatay sa kanya? Ang asawa ng doktorang kumuha sa kapatid niya, ay mali pala, ang nagpanggap na doktora at nanguha sa kakambal niya? Pero bakit? Anong kasalanan niya sa kanya?

Ang totoong dahilan ng paglipat nila ng unibersidad ay dahil sa babala ng isang di kilalang tao. Nagsasaya siya noong bakasyon kasama ang buong pamilya ng tumawag ang isa sa mga SBG niya at sinabing may nag-iwan ng sulat sa bahay niya. Ayon sa sulat, maghanda raw si Harlene Dee dahil nagsisimula pa lang ang laban at dahil sa pagpatay niya kay Andrew ay magbabayad siya ng malaki.

Tumaas ang dugo ni Skyler at galit na galit siya pero pinakalma siya ng SBG. Hiniling nitong sila na ang magimbestiga sa kaso at aalamin nila kung sino ang taong nasa likod noon.

Sa paglipas ng buwan, pinasunod niya ang anim sa mga ito dahil parang nararamdaman niyang may nagmamatyag sa kanila. At ngayon, nalaman na nila ang pagkatao ng demonyong nanggigigil sa buhay niya.

Isang Linggo makalipas, sem break pa din nila ng tumawag ulit ang kanyang SBG. Pagkababa niya ng tawag, nakapagdesisyun na siya. Pinuntahan niya ng mga taong alam niyang makakatulong sa kanya at kinausap ang mga ito ng masinsinan. Pagkatapos magpasalamat, umalis na siya.

Dalawang linggo ang lumipas at balik-skwela na naman. Nagtaka ang members ng Hexagon dahil sa pagbabago kay Skyler. Hindi ito masyadong nagsasalita at parang nagka-amnesia dahil parang nakalimutan na ata lahat ng nakaraan nila. Matipid kung sumagot at seryoso palagi. Well, seryoso naman kasi talaga si Skyler pero mas sumeryoso ata siya ngayon. Kalahating buwan ang lumipas, at medyo bumabalik na sa dati si Skyler ng isang araw ay kinausap niya ang mga kaibigan.

"Pinapupunta ako nila daddy sa Pilipinas. May pinapagawa kasi sila doon kaya pagbibigyan ko nalang sila. Isang buwan daw ako doon ayon kay mommy so Joanne, bilang right hand ko, ikaw na muna ang bahala sa grupo ha" seryosong bilin ni Skyler.

"Eh Skyler, pwede naman naming sumama eh" offer ni Josiah.

"Hindi, maiiwan kayo dito tutal isang buwan lang naman. That's my order. Siya nga pala, bukas na ang alis ko. Lagi niyo sanang tatandaan ito. Huwag kayong makikipag-away at mag-iingat kayo, ha? Mauuna na ako, paalam" pinasigla ni Skyler ang boses at umalis na.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYKde žijí příběhy. Začni objevovat