Chapter 10

2 1 0
                                    

Isang Linggo silang mananatili sa isla. Sa pagdating nina Skyler at Josiah, sinimulan na nila ang mga planadong aktibidad. Swimming, party party, kainan, inuman, awitan at iba pang mga libangan. Maayos naman ang lahat. Hinayaan ng mga dalaga ang mga bfs nila kuno, na samahan at alagaan sila.

Sa ikaapat na araw, may spesyal na aktibidad sila, ang Amazing Race! By partner ang race at bumunot ang mga dalaga kung sino sa mga binata ang makakapartner nila. Kay Skyler, si Lymore. Si Josiah ang kay Oriole at si Richard ang kay Joanne. Ang mga babae ang may pakana nito kaya't lihim silang napapangiti. Bago sila magsimula, umupo muna sila lahat para sa mga rules ng laro.

"Guys,ang sabi niyo di ba sa wish niyo ay hanggang sa magbabakasyon lang itong gf-bf thingy niyo? Naisip naming sa larong ito, para walang mangyaring bias, let's end your wish here?" alanganing tanong ni Oriole.

Tumahimik ang mga lalaki at yumuko.

"Kung iyan ang gusto niyo, wala kaming magagawa" sagot ni Lymore na nakayuko.

Tumango din ang mga kasama niya pero halatang nalungkot sila.

"Okay, deal. Mabibigyan bawat pares ng isang envelope. Andito ang unang task na gagawin, instructions and some tips. Mahalagang basahin muna ninyo ito bago tayo humayo. At oo nga pala, baka isipin niyong may bias at alam na namin ang mga dapat gawin, Hindi kami ang nagdisenyo sa mga tasks kaya't di rin namin alam ang mangyayari dito, okay?" excited si Joanne at binigay na niya ang mga envelope.

In 15 minutes, nagkanya-kanya na ang mga partners para ihanda ang mga gamit na dadalhin. Magkakasabay sila sa pag-alis pero magkakaiba ata ang unang task ng bawat pares.

"Oo nga pala, yung pares na mananalo ay mapagbibigyan ng tig-isang extra wish" pahabol ni Skyler at nagkahiwa-hiwalay na sila.

***

Tig-isa ng backpack sina Skyler at Lymore. Anong laman? -pagkain, tubig, damit, first aid kit at iba pang mga bagay na sa tingin nila ay kakailanganin nila. Nasa tip kasi ang pagdala ng mga ito.

Habang papunta sila ng dagat, tahimik silang dalawa. Si Lymore, nalulungkot sa break-up, si Skyler, di alam kong ano ba ang dapat niyang sabihin.

Bago sila umalis, sinira ni Lymore ang seal at binasa ang unang task nila. Unang destination nila sa dagat. Ang gagawin, sisisid sila ng 10 magagandang perlas at hanapin din nila ang box na kinalalagyan ng pangalawang task nila. Hindi mahirap ang unang challenge dahil marunong silang lahat na lumangoy. Hindi nila matanaw ang mga kaibigan. Baka iba nga ang unang task nila. Hindi na sila nagsayang ng panahon at naghanda sa paglusong sa tubig.

Sa katunayan ay pare-pareho sila ng task pero sa magkakaibang bahagi ng Isla sila tinalaga.

***

Pagod na si Oriole. Nakailang sisid na sila pero iilang perlas pa lang ang nahanap nila. Naiinis siya kasi mag-iisang oras na sila sa tubig na ahon-sisid pero kulang pa din at pakiramdam niya ay pipi ang pares dahil ni minsan ay di pa umimik mula ng umalis sila ng hotel.

Napagpasiyahan nalang niyang hanapin ang box na kinaroroonan ng pangalawang task.

***

Nagulat si Joanne dahil pag-ahon niya ay nabangga niya ang katawan ni Richard. Napa Ouch siya kaya natawa si Richard. Sa kanlurang bahagi sila naatasang sumisid at sa loob ng isa't kalahating oras, heto't hawak na nila ang sampung magagandang perlas at isang itim na kahon. Lumangoy na sila sa gilid at inilagay ni Joanne ang mga perlas sa bag niya habang excited na binuksan ni Richard ang kahon. Sa pagiging busy niya, naalintana niya ang sakit na nararamdaman ng dahil sa break up. Sabay nilang binasa ang nakasulat.

***

"Sa bundok ang susunod na destinasyon natin Skyler. Hiking ang challenge at ang task ay ang manguha ng 10 bagay na naglalarawan sa kalikasan", balita ni Lymore sa pares. Hay salamat at umimik na rin, naisip ng dalaga.

THE HEXAGON'S MESSY LOVE STORYWhere stories live. Discover now