35

1.7K 51 26
                                    



"Ang kalat mo naman kumain. You're like a kid."

Kai and I were chilling in the beach side outside our villa. Nakahiga kami sa duyan at tahimik na naghihintay sa sunset. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya habang kumakain ng popsicle. His arm was blocking my sight a little since he was holding a glass of fishball.

Napatingin ako sa kaniya nang pinupunasan niya ang gilid ng labi ko. I placed a hand on his chest to sit down pero biglang tumagilid ang duyan. Sinubukan kong hilahin ang t-shirt niya para hindi ako mahulog pero kabaliktaran ang nangyari. Napamura siya kasabay ng pagsalo ng kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog sa buhanginan.

"Fishball ko," iritang sabi niya dahil nabitawan niya 'yong baso niya.

"Priorities." Ngumiti ako nang sarkastiko sa kaniya bago umirap. I was still holding my popsicle but it had sand on it.

Hinatak niya ako patayo. Naglakad ako papunta sa basurahan para itapon 'yong popsicle. Kinuha ko 'yong board ko at dumiretso sa dagat para mag-surf saglit.

"Kai, I'm wet!" sigaw ko at sinubukang lumayo nang hinatak ako ni Kai paupo ulit sa duyan pagkabalik ko.

"Shh, save that for later," he teased. Agad ko siyang hinampas sa dibdib dahil sa inis. This guy really likes to turn everything dirty! "I don't care if you're wet, just lie down so we can watch the sunset."

We were under the palm trees so we really can't see the sky since it was blocking it. We looked in front of us instead, where the surfing spot was. Kulay asul pa ang langit dahil maya-maya pa ang sunset. But the waves looked so pretty. They were huge, but tamed.

The quiet blue skies suddenly became gradient. A mixture of orange, yellow, and red, unlike the usual soft pink skies of Ahora. The moon perfectly made its way up there. Watching it was like staring at a piece of art. Perfect.

Kinagabihan, nag-dinner kami ng friends ko. Hindi sumama si Kai because he have dinner with his friends na hindi ko masyadong kilala. His island friends, I guess. Maaga lang kaming natapos sa dinner dahil mamaya pa kami magiinuman.

Naroon si Kai nakahiga sa hammock sa balcony pagkabalik ko sa villa. "Hi! Kanina ka pa?" tanong ko nang nakalapit sa kaniya.

He shrugged. "A few minutes."

"Inom daw kayo nila Jericho mamaya. Magbo-bonfire."

Tumaas ang kilay niya. "And you're going to let me drink? You know my tolerance is lower than your grades in math, right?" pang-aasar niya.

"Funny 'yon? Tatawa na ako? Teka, maghahanda muna akong makipag-plastikan, ah!" Inirapan ko siya.

"Ano? Ako kaya ako sumagot sa assignment mo dati," he continued teasing me and sat down.

"Ako naman gumawa ng presentation mo," sambit ko pabalik, nakangisi. We really helped each other our during our college days. Tinuturuan niya ako sa math at kapag kailangan niyang gumawa ng presentation, nag-ooffer ako dahil mahilig akong gumawa no'n.

"Quits lang." Kai laughed and pulled his t-shirt from behind his collar. Sinabit niya 'yon sa gilid ng duyan bago ako tiningnan ulit.  "Did you have fun with them?" Nahiga ulit siya.

"Yes! Palagi naman. It just nicer when we're complete, you know?" Nagtali ako ng buhok habang nakatingin sa kaniya. Nilagay naman niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya at pinanuod ako, nakangisi pa. Tinaasan ko naman siya ng kilay, medyo na-conscious sa paraan ng pagtitig niya.

He chuckled. "Hmm... I know something fun, too," he told me and moved his fingers over his lips, hiding a smirk underneath it.

"Tigilan mo ako." Inirapan ko siya habang nagpipigil ng ngiti.

Waves of Affliction (Isla Series #3)Where stories live. Discover now