19

1.2K 31 1
                                    




"Kylo Ysmael, isa ka na lang talaga!"

Umubo-ubo ako at umupo sa gilid ng yacht. Nahulog kasi ako sa jetski dahil biglang binilisan ni Kai iyong pagpapatakbo niya. Alam kong sinadya niya iyon dahil pangatlong beses na itong nangyari!

"Hayop ka. Huwag kang lumapit sa akin," iritadong banta ko, nakaturo sa kaniya.

Napatawa siya nang malakas. Nag-offer siya ng kamay sa akin, nakasakay pa rin sa jetski, pero hindi ko iyon tinanggap.

"Come on. It's fun," he teased.

"Ah, fun?" Ngumisi ako at tinanggap ang kamay niya. Tumayo ako, nagpapakunwari na sasakay sa jetski pero hinila ko siya nang sobrang lakas. Nawalan siya ng balance at nahulog sa dagat. "Fun nga!" pang-aasar ko habang pinapanuod siyang lumangoy.

Iniwan ko siya roon at umakyat na sa taas para makipaghalubilo sa mga kaibigan ko. I immediately saw Raya sitting on Alex's lap while holding a glass of champagne, her other hand was holding a cherry and was feeding him. They were both wet since they swam earlier too.

"PG lang po tayo rito. No to porn," I said jokingly when I saw them kiss.

"Live na nga, inaayawan mo pa?" Ngumisi si Raya sa akin.

Cali choked on her french fries. I panicked and reached for the glass on the table and gave it to her.

"Hey! What is this?" naiiyak na tanong ni Cali at mas naubo pa nang natapos uminom. Binalik niya ang baso sa lamesa.

"Vodka," Esme replied as she laughed. Natawa kami nang hindi pa tuluyang tumigil si Cali sa pag-ubo, lumala pa iyon kaya nagmamadaling kumuha si Maki ng tubig.

I felt a hand on my waist. Kai's chest was slightly touching my back. Sumandal ako sa dibdib niya at patagilid siyang tiningala. Nakangisi siya sa akin, may tumutulo pa na tubig galing sa buhok niya. Napapikit ako nang bigla niya akong hinalikan sa noo.

A warm feeling invade my chest when I saw my mom talking to Kai with a smile during dinner. Buti na lang talaga at mabait ang pamilya ko kay Kai dahil hindi ko matitiis kung pati sa kaniya, hindi maganda ang trato.

"What's wrong?" Hinawakan ni Kai ang kamay ko habang tulala akong nakaupo sa labas ng balcony.

Pinapanuod ko lang ang mga alon sa malayo. Walang masyadong bituin sa langit ngayong gabi kaya ang hula ko ay uulan. Pero sobrang silaw ng buwan at iyon ang naging bida sa kalangitan.

"Nothing. Bakit?" Kumunot ang noo ko.

Kai arranged his position on the chair, drawing me close to him. Nagpatianod naman ako. Inayos niya ang hem ng cardigan ko para mabalot iyon sa akin nang maayos. We remained in such a comfortable position out here.

"You've been quiet since earlier. You thought I haven't noticed?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.

A laugh escaped my lips. "I'm just happy my family is kind to you, especially Mama. I can't afford if she's going to give you a hard time," amin ko. I brushed his hair back. Medyo basa pa iyon dahil kakaligo niya lang.

Kai had his lips into a straight line as he pierced his eyes through mine. Suddenly. we were enveloped with silence in this cold breezy night. It was too quiet I could hear the crickets and the hurling of the wind in my ears.

Waves of Affliction (Isla Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ