CHAPTER 13

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Nakauwi na kami sa bahay ni Kendy, pero hindi ko naibigay sa kaniya ang regalo ko. Ni hindi ko man lang siya nabati.

Umupo ako sa aking kama at humiga. Pinagmasdan ko ang kisame habang nag-iisip ng malalim.

Sayang naman ang regalo ko. Hindi ko rin maibibigay. Napasimangot ako bigla dahil sa naisip. Ang mahal pa naman ng bili ko sa pabango.

Napabalikwas ako ng bangon nang may bigla na lang kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Penelope, gising ka pa?"

Nataranta ako bigla nang marinig ko ang boses ni Kendy mula sa labas. Kinuha ko agad ang aking bag na nakalagay lang sa aking kama. Nakalabas na rin ng konti ang pabango na nasa bag kaya agad ko itong kinuha at nilagay sa cabinet ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa pintuan para pagbuksan si Kendy.

"Yes. May problema ba?"

Mabilis siyang umiling sa tanong ko. "Wala naman. I just want to see you before I sleep. Good night."

Napaiwas ako ng tingin kay Kendy dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"G-Good night din sa 'yo, sir Kendy."

Tumawa siya sa naging sagot ko at pagkatapos ay mahina niyang pinitik ang noo ko. Napasimangot ako sa ginawa niya habang hawak ang aking noo.

"It's the first time I heard my name coming from your mouth, but when did I tell you to call me Sir? Stop it." Ngumiti siya sa 'kin.

Tumango na lang ako sa kaniya at yumuko. Nakaramdam ako bigla ng hiya nang makita ko ang ngiti niya.

"O-Okay, Kendy."

"Penelope."

Iniangat ko ang aking paningin nang tawagan na ni Kendy ang pangalan ko.

Hinalikan ako bigla ni Kendy sa aking noo at pagkatapos ay tumalikod na siya sa 'kin at iniwan ako. Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala sa nangyari. Nang mag sink-in sa akin ang naganap ay nag-init ang aking magkabilang pisngi at dire-diretsong pumasok sa aking kuwarto.

Umupo ako sa aking kama at bumuntong hininga ng malalim. Pakiramdam ko ay may lalabas na salita sa bibig ko sa oras na magsalita ako.

Mukhang mababaliw na ko sa mga bagay na ginagawa sa 'kin ni Kendy.

*

Kinabukasan ay hindi sumabay kumain ng almusal sa akin si Kendy kaya pumasok ako sa eskwelahan na hindi pa rin naibibigay kay Kendy ang gift ko para sa kaniya.

"Bes, bakit parang ang lalim ng iniisip mo d'yan?"

"Ay, butiki!"

Lumingon ako sa aking paligid. Nakagat ko na lang ang aking labi dahil ngayon ko lang napansin na sa akin na pala nakatingin ang lahat ng mga kaklase ko at maging ang aming guro.

Lumingon ako sa kaibigan kong nagkamot lang ng ulo sabay iwas ng tingin sa aking direksiyon.

"S-Sorry po, Ms. Icala. Akala ko ay may butiki sa paa ko."

Nagsitawanan ang mga kaklase ko dahil sa aking paliwanag. Pasimple na lang akong napasapo sa aking noo nang makita ang mukha ng teacher ko. Mukhang mas lalo ko yata siyang nagalit.

"Ms El-"

"Ma'am, can I answer your number two question?"

Nalipat ang paningin ng lahat sa direksiyon ni Kennedy. Kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa dahil sa pagsalita ni Kennedy.

"Yes, Mr Kennedy."

Tumayo si Kennedy at pinaupo na ko ni Ms Icala. Nagawa pang lumingon sa 'kin ni Kennedy at nginitian ako bago siya lumingon sa direksiyon ng teacher namin at sinagot ang tanong niya.

Nakahinga ako ng malalim dahil nakaligtas ako sa galit ng aming guro.

Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang una hanggang pangalawang subject namin. Kaya naman nagkaroon na rin kami ng break time para kumain. Pagkaalis ng aming guro ay agad kong binatukan ang kaibigan ko dahil sa ginawa niya.

"Why did you do that? Muntikan na tuloy akong mapagalitan ng teacher na 'tin." Sinamaan ko ng tingin si Raelynn.

Ngumiti siya sa akin at nag-peace sign. Pagkatapos ay humawak siya sa braso ko. Sabay kaming naglakad palabas ng classroom.

"Sorry na, Bes. Tinatanong lang naman kita kanina kasi ang lalim talaga ng iniisip mo. Hindi mo na nga napansin ang pagtawag ko sa 'yo, pero buti na lang at niligtas ka ni Escanor. Yiee." Tinusok-tusok ni Raelynn ang tagiliran ko.

Nagsimula na naman siya sa pang-aasar sa 'kin.

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Nagkataon lang 'yon. Matalino kasi si Kennedy at saka huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sa atin at akalain pang totoo ang sinasabi mo."

Napailing na lang ako nang marinig ko ang mahinang hagikgik ng kaibigan ko.

"Sino ba kasi ang dahilan kaya ka wala sa focus kanina? Iniisip mo rin si Kennedy no?"

Umiling ako sa kaibigan ko.

"Hindi. Naalala mo 'yong kinuwento ko sa 'yo nang nakaraan na birthday ni Kendy?"

Tumango si Raelynn sa tanong ko.

"May binili kasi akong regalo para sa kaniya, pero hindi ko naman naibigay." Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Hala. Sayang nga 'yon. Bakit hindi mo naman binigay?"

Natigilan ako sa tanong ni Raelynn. Bumalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari nang birthday ni Kendy. Habang inaalala ko 'yon ay hindi na namang maiwasang mag-init ng dalawang pisngi ko.

"Ay, alam ko na kung bakit."

Lumingon ako sa kaibigan ko at nagsalubong ang aking dalawang kilay nang makita ko ang nang-aasar niyang tingin.

"It's not what you think, Raelynn. Maupo ka na nga lang d'yan. Ako na ang bibili ng pagkain na 'tin dahil mukhang nagugutom ka lang."

Tumawa si Raelynn sa naging sagot ko, pero sinunod din naman niya ang sinabi ko.

Umupo si Raelynn sa bakanteng upuan na nakita namin. Ako naman ay naglakad na para bumili ng aming kanin at ulam.

Ngayon ko lang naalala na hindi ko nga pala kaya bitbitin 'yong dalawa kaya napaisip ako bigla kung ano ang gagawin ko para mabitbit 'yon sa puwesto namin ni Raelynn. Inilibot ko ang paningin ko sa aking paligid.

Wala akong nakitang kaklase ko bukod kay Raelynn at kay Kennedy na nasa aking tabi lang pala.

Muntikan ko nang mabitiwan ang hawak kong tray dahil sa bigla. Buti na lang at inalalayan ako ni Kennedy.

"Ayos ka lang?"

Nahihiya akong tumango sa kaniya.

"Oo. Naghahanap lang ako ng paraan para maidala sa table namin ni Raelynn itong dalawang tray," tugon ko sabay turo sa dalawang tray na hawak ko.

May hawak din kasi akong tubig kaya nahihirapan ako.

"I will help you if you want." Kinuha ni Kennedy ang isang tray na hawak ko.

Ngumiti si Kennedy sa 'kin at nauna na siyang naglakad papunta sa table namin ni Raelynn.

Pagkapunta namin sa table ay nang-aasar na naman ang titig ni Raelynn sa akin at kay Kennedy.

"Salamat. Dito ka na rin kumain." Lumingon ako kay Kennedy at nauna na kong umupo.

Umupo sa aming harapan si Kennedy. "Salamat." 

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon