CHAPTER 38

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

"I will tell you something after your class tomorrow."

Tumango lang ako kay Kendy at saka pumasok sa loob ng van. Hindi ako nagsasalita kahit sa oras ng biyahe. Kinakabahan kasi ako tungkol sa sinabi ni Kendy kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa 'kin.

Nahinto ang malalim kong pag-iisip nang maramdaman ko ang kamay ni Kendy na nakahawak sa aking kaliwang kamay.

Tumingin ako sa direksiyon ni Kendy, pero agad din akong napaiwas nang tingin nang makita ang malapit niyang mukha at mga mata na nakatingin sa akin.

Biglang nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa hiya na nararamdaman. Nakalimutan ko na kasabay ko nga pala si Kendy ngayon sa pagpasok.

Nakahawak pa rin ang kamay ni Kendy sa kamay ko at hindi ko naman 'yon tinanggal.

I felt Kendy squeezed my hand so I unconsciously look at his direction. He smiled at me, but his smiled is not the same to his usual one. I don't know what's wrong and I'm afraid to ask him why.

Pakiramdam ko tuloy ay parang may mangyayaring hindi maganda mamaya. Pinilig ko tuloy ang aking ulo dahil sa scene na pumapasok sa isipan ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa university. Humalik lang sa pisngi ko si Kendy, pero hindi na ulit siya nagsalita sa akin. Ngumiti na lang din ako sa kanya at bumaba na ko ng van.

Samantala, pagdating ko sa classroom ay nadatnan ko na magkatabi sina Roselle at Raelynn. Napailing na lang ako ng aking ulo nang makita ko silang nagtatawanan habang nagkukuwentuhan.

Laging umaangal ang kaibigan ko kung bakit hindi ako nagkukuwento sa kanya ng lahat ng nangyayari sa buhay ko, pero parang siya naman ang hindi nagsasabi sa akin tungkol sa buhay niya. Baka nga may namamagitan na sa kanilang dalawa ni Roselle, pero hindi lang siya nagsasabi sa akin. Napabuntong hininga na lang tuloy ako ng malalim.

I look around to find the man that always made my day annoying, but I can't find him any corner around this room so I just shrugs my shoulder while sitting to my chair. I think, he's absent again today. I hope he will not fail this year because of his absences. Tss.

Pagkaupo ko ay tumingin ulit ako sa paligid ko dahil parang hindi ko rin nakita si Kennedy. Paglingon ko ay saka ko lang nalaman na totoo nga ang nakita ko. Wala nga si Kennedy ngayon.

Saan naman kaya ang isang 'yon at absent din siya ngayong araw?

Well, mukhang favorite naman si Kennedy ng mga teacher dahil hindi naman siya pinapagalitan tuwing late siya. Hindi naman siguro siya ibabagsak ng mga 'yon kahit pa napakarami niyang absent.

Bumuntong hininga ako ng malalim. Sana ako na lang si Kennedy para p'wede rin akong um-absent kung kailan ko gusto.

Umayos na ko ng pagkakaupo nang dumating na rin sa wakas ang professor namin. Saka lang din ako nakita ni Raelynn nang matapos na ang kanilang pagkukuwentuhan ni Roselle.

"Penelope, kanina ka pa d'yan?" nakangiti na tanong sa akin ng kaibigan ko.

Umirap ako sa kanya at nagkunwaring galit at saka ko binaling ang aking paningin sa direksiyon ng aming guro.

"Oo at hindi mo ko napansin dahil nag-uusap kayo ni Roselle. Ayos lang naman. Baka makaabala pa ko sa pag-uusap ninyo."

Maya-maya ay may naramdaman akong humawak sa kaliwa kong braso. Gusto ko ng tumawa kanina pa kaso baka mapagalitan kami ng professor namin kaya pinigil ko na lang ang tawa ko.

"Sorry na, bes. Hindi lang talaga kita napansin." She giggled and put her head into my shoulder.

"Biro lang. Hindi ako galit." Natawa na tuloy ako, pero hininaan ko lang ang pagtawa ko dahil baka mapalabas kami bigla ng professor namin. Major pa naman ang tinuturo niya.

*

Nang matapos na ang klase ay agad na humarap sa akin sina Raelynn at Roselle upang magpaalam na mauuna na sila. Tumango na lang ako dahil wala na rin naman akong magagawa kung ano ang gusto nilang gawin. Wala naman akong kakayahan na hadlangan sila.

Paglabas ko nga lang ng university ay inaakala ko na may susundo sa aking van, pero kahit saan akong tumingin ay wala akong makita. Sinubukan ko ring tawagan sina Agustus, Arthur at maging si Kendy subalit wala ring nasagot sa tawag ko kahit isa sa kanila kaya nakaramdam na ko ng pag-aalala.

Kanina pa kong may masamang kutob at parang bumangon na naman ang masamang kutob ngayon na walang nagsundo sa akin at wala ring sumasagot sa tawag ko.

Huminga na lang ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili at napagpasiyahan ko na mag-commute na lang pauwi.

Habang nagbabayad ako ng pamasahe sa taxi driver ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Sir, p'wede po bang pakibilisan na lang ng konti. Med'yo nagmamadali kasi ako e."

Nagsinungaling na rin ako sa driver dahil habang tumatagal ang oras ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Tumango sa akin 'yong driver at pinaandar na niya ang taxi.

Pagkadating ko sa mansion ay ni isang katulong ay wala ring sumalubong sa akin kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. Tama ba ang mansion na napuntahan ko?

Mabuti na lang at nakapasok pa rin ako sa loob dahil bukas naman ang gate. Kahit malayo ang lalakarin patungo sa mismong mansion ay naglakad na lang din ako dahil wala na rin naman akong ibang choice.

Tagaktak na ang pawis ko nang tuluyan na kong makatapak sa mismong mansion. May araw pa rin kasi kahit papaano dahil hapon pa lang naman.

Pagkapasok ko ay saka lang ako nakakita ng katulong, pero parang nagulat pa ito nang makita niya ko.

"Where's Kendy?"

"M-Ma'am Penelope, nandito na po pala kayo. Welcome back po."

"Thank you. Nasaan si Kendy?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina dahil parang hindi naman niya 'yon narinig.

"Nasa kuwarto po niya, pero-"

"Thank you. Dito na ko."

"Pero, ma'am Penelope-"

Nagmadali na ko sa paglalakad patungo sa kuwarto ni Kendy. Tsk. Magagalit talaga ko sa taong 'yon kapag wala talagang nangyaring masama sa kanya. Pinapag-alala niya ko ng husto.

Hinihingal akong huminto sa mismong kuwarto ni Kendy. Nagpahinga lang ako sandali at unti-onting binuksan ang pintuan dahil nakabukas naman 'yon ng konti.

Sa pintuan pa lang ay nagsalubong na ang dalawang kilay ko sa pagtataka dahil parang may kausap si Kendy sa loob.

Naglakad ako patungo sa kanyang kama at nabitawan ko na lang ang dala kong bag dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Si Kelly na matagal ng hindi pumapasok ay nakahiga sa mga bisig ni Kendy. Bukod pa rito, nakayakap siya kay Kendy kahit na med'yo malaki na ang kanyang tiyan.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWhere stories live. Discover now