CHAPTER 35

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Pagkatapos naming maglaro sa Sports Game ay kumain naman kami sa isang restaurant. Mas'yado kaming nalibang kaya hindi ko na napansin ang oras pagkalabas namin ng mall.

"Oh no! Baka hinihintay na ko sa bahay."

Tumingin sa akin ang tatlo kong kasama.

"What? Ihahatid ka naman namin. We're not in high school anymore. Tss."

"No, Claud. Magkaiba ang daan namin ni Penelope. Ikaw na lang ang maghatid sa kaniya at si Rosselle, siya na lang ang maghahatid sa 'kin." Ngumiti si Raelynn sa direksiyon ni Claud at saka tumingin sa direksiyon ni Rosselle.

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Nagsisimula na naman kasi sa pang-aasar sina Rosselle at Raelynn.

Simula nang makita kami nina Raelynn at Rosselle na nasa gano'ng position ay hindi na tumigil ang pang-aasar nila. Hindi ko na nga lang sila pinapansin para tumigil na. Nakakapagtaka lang na hindi man lang kumikibo si Claud sa ginagawang pang-aasar sa amin kaya ako lang ang sumusuway sa kanila.

"Okay, fine. Ako na ang maghahatid sa babaeng 'to."

Tinitigan ko ng masama si Claud. Mahirap ba bigkasin ang pangalan ko? Tss.

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Claud. Totoo bang pumapayag siya sa sinabi ng dalawa?

Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin ang mga kasama ko. Nandito kami ngayon sa sakayan ng jeep. Nagtataka kong tinitigan si Claud, pero binalewala niya lang ang titig ko sa kaniya.

"What? Do you want to go home alone instead?"

Napaisip ako bigla dahil sa tanong ni Claud. Mas ayaw kong umuwi ng mag-isa. Napabuntong hininga na naman ako at tumango na lang sa kanila bilang pagsang-ayon.

Ayos na kong makasama si Claud sa pag-uwi kaysa naman umuwi mag-isa, pero paano kaya kung umuwi ng maaga si Kendy?

Nanlaki ang mata ko nang may maalala ako. Tumingin pa ko sa mga kasama ko na nagtataka na rin habang nakatingin sa akin.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ito. Napatampal na lang ako sa aking noo nang makita ang napakadaming missed calls and messages galing kay Kendy. Tiyak na nag-aalala na 'yon sa 'kin.

Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi dahil sa kaba. Tumingin ako sa dumadaan na jeep kung mayroon na kaming masasakyan, pero sa halip na jeep ang huminto sa aming harapan ay isang familiar na kotse ang huminto.

I'm doomed!

Lumabas ng sasakyan si Kendy at naglakad sa direksiyon ko. Kahit na may maskara ngayon ang mukha niya ay nakilala ko pa rin siya dahil sa familiar structure ng kaniyang katawan.

Hahawakan na sana ako ni Kendy, pero biglang humarang sa harapan namin si Claud. Lumingon ako sa kaibigan ko na mukhang hindi na rin malaman kung ano ang kaniyang gagawin. Sumenyas na lang ako sa kaniya na paalisin si Claud.

"Who are you?"

Lumingon sa akin si Kendy. Kahit hindi ko nakikita ang buong mukha niya, sigurado akong magkasalubong na ang kilay niya ngayon.

I can't also answer the question of Claud immediately. Especially since he don't know about my status yet. Although, he don't need to know since we're not that close.

"I know him."

Instead of answering Claud's question, I've said the safe word instead. I walked to Kendy's direction before looking at my companion's again.

"Sasama na ko sa kaniya. Maiwan ko na kayo. Ihatid ninyo si Raelynn sa bahay niya, okay?"

Tinitigan ko si Rosselle kung naintindihan niya ang sinabi ko at nag-thumps up naman siya sa 'kin. Pagkatapos ay lumingon ako sa direksiyon ni Claud na magkasalubong na naman ang dalawang kilay habang nakatingin sa direksiyon ko.

"You're going with him? How did you know that you know him even though his wearing a mask? He didn't even speak and greet us. Doesn't it strange?"

Napakamot ako sa aking batok dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Claud.  Tumingin ako kay Kendy at inutusan siyang magsalita sa pamamagitan ng tingin, pero hindi niya ginawa.

Mukhang galit pa yata si Kendy sa 'kin. Sino bang hindi magagalit kung makita mo ang asawa mo na may kasamang lalake at gabi na uuwi? Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.

Tumingin na lang ako sa loob ng sasakyan kung saan nakaupo sa driving seat si Agustus. Tinuro ko siya at muling tumingin kay Claud.

"I know the driver so I'm pretty sure that I know this man. Okay na ba?"

Ilang minuto pa kami nagtitigan ni Claud bago siya umiwas ng tingin sa 'kin at bumuntong hininga ng malalim.

"Okay, fine." Nauna na rin si Claud maglakad.

"Bes, ingat ka!"

Tumakbo sina Raelynn at Rosselle para sundan si Claud. Napailing na lang ako ng aking ulo bago muling tumingin kay Kendy. May problema na naman ang Claud na 'yon. Tss.

Hindi pa rin nagsasalita si Kendy. Sabay kaming pumasok at sumakay ng kotse. Nang paandarin na ulit ni Agustus ang engine ay saka lang hinubad ni Kendy ang maskara niya.

Bakit nga pala siya naka maskara?

Nakaramdam ako ng guilty nang makita ko ang malungkot na mukha ni Kendy. Umiwas siya ng tingin sa akin at itinuon ang kaniyang paningin sa daan.

Hinawakan ko ang kamay niya, pero hindi pa rin siya lumingon sa direksiyon ko.

"Kendy, I'm sorry if I didn't inform you right away. Will you forgive me?"

Naghintay ako ng ilang minuto para sa sagot ni Kendy, pero hindi siya nagsalita. Pati si Agustus ay tahimik lang na nagmamaneho sa aming harapan.

Waah! Anong gagawin ko? Sinasabi ko na nga ba at hindi na lang sana ako sumama kay Raelynn. Hindi ko pa naman alam kung paano manuyo.

"Kendy, please look at me. Are you mad? I'm sorry."

Naging mahina na ang boses ko dahil parang gusto ko na rin umiyak dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinipigilan ko lang huwag lumuha dahil nasa loob ng kotse si Agustus.

"You didn't answer my calls and didn't reply to my message."

Nakaramdam ako ng konting tuwa nang magsalita na rin sa wakas si Kendy, pero hindi pa rin siya tumingin sa direksiyon ko.

Niyakap ko na lang si Kendy ng mahigpit. Hindi naman niya ko tinulak kaya napangiti ako ng bahagya.

"I'm really sorry. Are you still going to get mad until we go home?"

Biglang humarap sa direksiyon ko si Kendy. Yakap ko pa rin siya kaya muntikan ng magdikit ang mga labi namin dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"You need to do something when we go home for my forgiveness."

Tumango ako agad kay Kendy kahit na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkauwi namin.

He suddenly kissed my forehead and finally gives me a smile.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon