CHAPTER 33

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

"Penelope, are you going to get mad if I tell you one of my secret?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Kendy. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

"Ano bang sekreto ang sinasabi mo?"

"About myself, Penelope. Will you still accept me if you find out about myself?"

Napaisip ako sa tanong ni Kendy. Matagal ko nang gustong malaman ang tungkol sa pagkatao niya, pero natatakot akong magtanong sa kaniya dahil baka hindi niya ko sagutin at madismaya lang ako.

Kaya lang, ngayon na si Kendy mismo ang gustong magsabi ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung nanaisin ko pang marinig ang lahat ng sasabihin niya.

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Tumingin ako sa direksiyon ni Kendy at ngumiti ako sa kaniya.

"I think, I'm not sure if I'll accept your secret completely since I still don't know what kind of secret you have,  but I will try to understand it and open my mind so I will still understand you."

His hugged suddenly tighten when he heard my answer. His voice rings to my ears and his lips suddenly touched my lips.

"Thank you. I will probably tells you someday."

Nahinto ang pag-uusap namin ni Kendy nang biglang dumating sina Arthur at Agustus. Mabilis akong umalis sa mga bisig ni Kendy dahil binalot ng hiya ang buo kong pagkatao. Hindi pa rin talaga ako sanay na may makakita sa amin ni Kendy na magkasama. Kaya lang ay hinila ako ni Kendy palapit sa kaniya. Niyakap niya ko sa harapan nina  Arthur at Agustus na parang natural lang sa kaniya.

"Sorry for disturbing, Sir Kendy. May importanteng meeting po kayo ngayong araw."

"Hindi ko ba p'wedeng i-cancel  muna 'yan?" 

Umiling si Agustus sa tanong ni Kendy.

"Hindi po p'wede, Sir Kendy."

Napabuntong hininga si Kendy dahil sa kaniyang narinig. Natawa ako dahil sa reaksiyon ni Kendy. Hinawakan ko na lang ang dalawang kamay niya at tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.

"Pumasok ka na. Mag-aasikaso na rin ako para pumasok sa school ngayong umaga."

Sumimangot si Kendy at bumuntong hininga ng malalim. Hinalikan niya ko sa pisngi bago siya tumayo at naglakad patungo sa direksiyon nina Arthur at Agustus.

"Arthur, samahan mo si Penelope sa pagpasok. Agustus, ikaw na lang ang maghatid sa 'kin."

Sabay na tumango ang dalawa sa utos ni Kendy. Tumayo na rin ako para magtungo sa aking kuwarto upang mag-ayos na. Hindi mas'yadong maaga ang pasok ko ngayon dahil absent naman ang first subject teacher ko.

Pagkatapos kong makapag-ayos ay bumaba na agad ako ng second floor. Hindi ko na naabutan si Kendy at Agustus dahil kanina pa yata sila umalis. Importante nga talaga siguro ang meeting na mayroon sila ngayon.

Lumabas na ko ng mansion at dumiretso sa pulang kotse kung saan naghihintay si Arthur para sa akin. Nang makita niya kong parating ay agad niya kong pinagbuksan ng pintuan.

"Thank you."

Dala ang aking shoulder bag, pumasok ako sa loob ng kotse.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay panay ang kuwentuhan ng mga kaklase ko. Ilang minuto na lang pala at mahuhuli na ko sa klase, pero maging ang teacher namin ay Wala pa.

Pagkaupo ko sa tabi nina Raelynn at Claud ay agad akong kinausap ng kaibigan ko.

"Bes, sama ka raw sa bagong bukas na mall. Manlilibre raw si Claud at Rosselle."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka tungkol sa sinabi ni Raelynn.

"Sure ka na manlilibre itong Claud na 'to?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko sabay turo sa direksiyon ni Claud na katabi ko lang.

Nakangiting tumango ang kaibigan ko sa aking katanungan. "Pumayag ka na, Bes. Minsan lang sila manlibre. Lalo na si Claud." Tumawa si Raelynn sabay pasimpleng tumingin sa direksiyon ni Claud.

"Let me think about it."

Hinawakan ni Raelynn ang braso ko at ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Nakanguso si Raelynn ngayon habang ang kaniyang paningin ay nakatingin sa harapan.

"Come on, Penelope. Sumama ka na. Hahayaan mo ba kong mag-isang kasama ng dalawang lalake?"

"Pero hindi pa ko nagpapaalam kay Kendy."

"Mag-text ka na lang sa kaniya."

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Kung hindi pa ko papayag ngayon ay siguradong mangungulit sa akin si Raelynn hanggang mamayang uwian.

"Sige na nga, pero saglit lang tayo ha."

Dahil sa tuwa ni Raelynn ay Niyakap niya ko bigla ng mahigpit, pero ilang segundo lang din ay kumawala na rin siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Kendy? Who's that? Is it Kennedy?"

Sabay kaming napalingon ng kaibigan ko sa direksiyon ni Claud. Sinamaan ko siya ng tingin dahil kanina pa pala siya nakikinig sa usapan namin. Nang makita ako ni Claud na nakatingin ng masama sa kaniya ay agad siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Your voice is so loud that everyone can hear it. Tss."

Magsasalita na sana ako pabalik kay Claud, pero nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kaibigan ko.

"Kendy is not Kennedy, Claud. Si Kendy ay ang-"

Bago pa matapos ng kaibigan ko ang pananalita niya ay tinakpan ko na agad ang kaniyang bibig. Baka kung ano pa kasi ang masabi niya.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Claud dahil sa ginawa ko, pero inirapan ko lang siya at muling binaling ang tingin sa aking kaibigan. Nagpupumiglas siya para tanggalin ang kamay ko at nang kumalma na si Raelynn ay tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.

"What are you saying, Raelynn? Payag na ko at sasama na ko sa inyo. Ayaw kong iwan ka sa dalawang lalakeng hindi katiwa-tiwala sa paningin ko." Tumingin ako sa direksiyon ni Claud at sinamaan siya ng tingin, pero mas lalo lang nagsalubong ang dalawang kilay niya dahil sa ginawa ko.

"What? I'm not a monster nor criminal. Tss." Sumimangot din si Claud at tumingin sa harapan. Nagpalumbaba siya habang nakanguso pa rin.

"Thank you, Bes." Ngumiti sa akin si Raelynn. Pagkatapos ay tumingin siya sa direksiyon ni Rosselle at nagbigay ng thumps-up dito.

Parang may sikretong usapan na namang nagaganap sa pagitan ni Rosselle at Raelynn dahil panay ang pagtinginan nilang dalawa. Parang may binabalak sila, pero hindi ko alam kung ano.

Kinuha ko na lang cellphone ko sa aking bulsa at nag-text ako kay Kendy. Pagkatapos ay agad ko ring binalik ang cellphone ko sa aking bulsa nang dumating na rin sa wakas ang teacher namin.

Lumingon ako sa upuan ni Kennedy dahil yayayain ko rin sana siya, pero nagsalubong ang dalawang kilay ko nang hindi ko siya makita maging si Kelly.

Bakit kaya absent na naman si Kennedy?

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWhere stories live. Discover now