CHAPTER 31

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Pagkatapos kong lagyan ng bandage ang tuhod ni Kennedy ay nag-aalala ulit akong nagtanong sa kaniya.

"Are you fine now?"

Tumango sa akin si Kennedy, pero parang hindi ako kumbinsido sa sagot niya dahil panay ang paghawak niya sa kaniyang likod. Parang may iniinda rin siya, pero hindi niya masabi sa 'kin.

"What's wrong with your back? May masakit ba d'yan? Let me check it."

Titingnan ko na sana ang likod ni Kennedy, pero umiwas siya sa 'kin at binigyan niya ko ng isang ngiti.

"Don't worry about my back. It doesn't hurt."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa kaniya. Bakit kaya lagi nitong sinasabi na huwag mag-alala kahit na nakikita kong may sugat siya? Tss.

Nahinto ang pag-uusap namin ni Kennedy nang biglang bumukas ang pintuan ng clinic. Pumasok sa loob sina Raelynn, Roselle at Claud. Pawis na pawis pa rin sina Roselle at Raelynn habang si Claud ay tahimik lamang sa  gilid at panay ang pagpindot sa kaniyang cellphone.

"Bes! May sunod na laro pa tayo. Paano na si Kennedy? Hindi siya makakasali dahil may sugat siya. Sino na magiging pares mo?"

Napaisip ako sa sinabi ni Raelynn. Nakaramdam ako ng lungkot hindi dahil wala na kong makakasama kundi dahil sa akin kaya hindi na makakalaro si Kennedy. Siya pa naman ang may gusto talagang maglaro.

"I'm sorry again, Kennedy."

"It's fine. Malayo naman ito sa critical condition." 

Kennedy force a smile, but I can't give it back to him because I really feel bad to his condition.

"How about Claud? Si Claud na lang kaya, Penelope?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Raelynn. As in Claud, that bully? No way!

Mabilis kong iniling ang aking ulo sa tanong ni Raelynn, pero tinawanan lang ako ni Rosselle. Pati nga rin ang kaibigan ko ay  tinawanan din ako.

"Don't worry about Claud, Eleanor. He is physically strong, but mentally stressful."

Muntikan na kong matawa nang batukan ni Claud si Rosselle at titigan ito ng masama.

"Tss. There's no other choice. I will play as your pair."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Claud. Pumayag talaga siya? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kung sabagay, kaysa naman sa akin magalit ang buong kaklase namin.

Tumango na lang din ako at pumayag na sa kanila kahit labag sa loob ko. Kaya lang ay nagulat ako nang bigla  na lang tumayo si Kennedy kahit halatang nanginginig ang kaliwang tuhod niya dahil may sugat.

"No. I mean I can still play. I didn't hurt that much."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin kay Kennedy. Ang isa namang ito ay mas'yadong makulit. Napailing na lang din ako sa kaniya kasabay ang pag-iling nina Raelynn at Rosselle.

"No, Escanor. Magpahinga ka na lang."

"Siguradong matatalo kayo ni Penelope kung magpupumilit ka. Sayang ang pagod ni Penelope."

Yumuko si Kennedy nang marinig niya ang sinabi ni Rosselle at pagkatapos ay muli siyang umupo.

Tumingin ako sa direksiyon ni Claud at nanliit ang mata ko nang makita ko siyang nakangiti. Ano na naman kaya ang nasa isipan ng isang 'to?

Natigil ang pag-uusap namin nang tawagin na kami ng mga officers ng games. Lumabas na kaming apat ng clinic at iniwan namin si Kennedy. Gusto pa nga niyang sumama, pero pinigilan na namin siya.

Habang naglalakad kami sa lugar ay parang mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit ba ko kinakabahan? Wala naman akong pakialam kung mananalo ako o hindi.

Bago pa kami makapasok sa loob ay bumulong pa sa 'kin si Claud.

"Remember that I didn't play in every games to lost."

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko at umirap ako kay Claud. Kinakabahan yata ako dahil alam kong mas'yadong mayabang ang makakasama ko. Tsk.

*

Nakasimangot ako habang nakikisabay sumayaw kasama ang ibang players. Nakakatawa mang isipin, pero pareho kami ni Claud ngayon ng reaksiyon. Mukhang hindi rin niya hilig ang pagsasayaw katulad ko. Sa paghinto ng tugtog ay siniguro rin namin ni Claud ang aming paghinto habang nakatuntong ang aming mga paa sa loob ng news paper. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nakalagpas ang mga paa namin sa labas ng news paper.

Kung alam ko lang na ganito ang magiging second game ay hindi na sana ako naglaro.

I hate this kind of game. If only I knew that they will choose this game, I probably didn't agree to be paired with Claud. It's an old game, but the thing that makes my head heated is when Claud glared at me since before the game started.

The news paper fold in two to the second time the song plays again. We dance even if we're tired to dance. We don't have a choice, anyway. We will look likes more fool if we refuse to dance. We will also automatically disqualified.

Nakaramdam tuloy ako ng inggit sa dalawang kaklase namin na kasali rin sa laro. Mukhang enjoy na enjoy sila sa pagsayaw at panay pa ang pagtawa nila.

"Why are you have a long face?" Claud glared at me.

"Hindi ka kasi masaya kasama. Hindi ko tuloy alam gagawin ko kapag maliit na lang yung news paper na inaapakan na 'tin. Tss."

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa, pero sapat lang para ako lang ang makarinig sa kaniya.

"Just do your best to win. That is all that matter, anyway."

Ngumiti sa 'kin si Claud, pero pakiramdam ko ay may ibang kahulugan ang huling sinabi niya.

Muling tumunog ang kanta at sumayaw ulit ang mga players. Tatlo na lang kaming natitirang naglalaban. Sina Raelynn at Roselle ay kanina pa natalo. Ewan ko ba sa dalawang 'yon. Enjoy lang nila ang laro.

Mas'yadong maliit na ang news paper para tapakan ng dalawang tao. Dinig na namin sa buong paligid ang mga kaklase naming natawag sa aming pangalan. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na aking nararamdaman.

Dalawa na lang din kaming naglalaban. Inaapakan ko na nga lang ang paa ni Claud para magkasya kami sa maliit na tupi ng news paper.

Muling huminto ang tugtog at napakagat na lang ako sa aking ibabang labi dahil mawawalan na kami ng balanse kung aapak pa ulit ako sa paa ni Claud.

Nagulat na lang ako nang buhatin ako ni Claud na parang isang bride. Hindi ako nagsalita dahil hindi ako makapaniwala na hindi siya nawawalan ng balanse kahit na buhat niya ko at nakatingkayad pa siya.

Kabaliktaran ang nangyari sa aming kalaban. Nawalan agad ito ng balanse na naging dahilan para kami ang manalo ni Claud. 

Dahan-dahan akong binaba ni Claud pagkatapos.

"I told you that we will win." Naglakad na si Claud palayo sa akin pagkatapos niyang magsalita.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWhere stories live. Discover now