CHAPTER 32

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Sinalubong ako ng yakap ng kaibigan ko pagkatapos. Masaya akong manalo, pero parang mas masaya pa siya sa 'kin.

"Penelope, Claud, congrats sa inyong dalawa."

Lumapit din sa amin ang iba naming mga kaklase at binati kaming dalawa ni Claud. Ngumiti na lang ako sa mga bumabati sa amin dahil hindi ko alam pangalan ng iba sa kanila habang si Claud naman ay ni hindi man lang tumingin sa kanila. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.

Sunod na lumapit sa amin si Kennedy. Hindi ko na siya pinagalitan dahil mukhang maayos  na naman ang kalagayan niya.

He walked straight to my direction and slightly smiled at me.  "Congratulation, Penelope. You win." 

"We win. We both win. Of course, I didn't lost to every battle." 

Tumingin ako sa direksiyon ni Claud na bigla na lang nagsalita at nagsalubong ang dalawa kilay ko dahil sa pagtataka.

"Battle ka d'yan? Laro lang naman ang ginawa na 'tin."

Magsalubong pa rin ang dalawang kilay  ko at sinundan ko ng tingin ang mata ni Claud na nakatingin pala sa direksiyon ni Kennedy. Si Kennedy kaya ang trip niyang awayin ngayon?

"Really? I think you already lost on one game a long  time ago."

Ngumiti si Kennedy kay Claud, pero ngayon ko lang nakita ang ganitong klase ng tingin niya.

Bumuntong hininga ako ng malalim dahil parang sina Claud at Kennedy lang ang nagkakaintindihan sa pag-uusap nila. Sina Raelynn nga rin at Rosselle na parang kanina lang ay naglalandian ay huminto at tumingin sa direksiyon ng dalawa na may sarili na rin yatang mundo nang hindi ko namamalayan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang tumawa ang kaibigan ko na si Raelynn kaya napunta sa kaniya ang atensiyon naming apat. Nakaturo pa siya sa 'kin habang tumatawa.

"Claud and Kennedy, do not fight. Penelope is not open flower, anymore."

Napakunot ang noo ni Claud dahil sa pagtataka tungkol sa sinabi ni Raelynn. Samantalang si Kennedy ay nakangiti pa ng malapad, pero tinakpan niya rin ang kaniyang labi gamit ang kaniyang kanang palad dahil ayaw yata ni Kennedy na may makakita sa kaniya na nakangiti.

Bumuntong hininga ako ng malalim dahil hindi ko na talaga kayang marinig ang usapan nila. Wala akong maintindihan kahit na isa.

"You know, guys? Just stop talking dahil hindi kayo lang naman ang nagkakaintindihan. Pumunta na lang tayo ng cafeteria dahil nagugutom na ko," nakasimangot kong turan sa kanila.

Inakbayan ako ng kaibigan at sabay kaming naglakad palabas ng quadrangle.

"Napainosente pa talaga ng kaibigan ko."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka tungkol sa sinabi niya. Anong kinalaman ng pagiging inosente ko sa usapan?

Naglakad kami ng kaibigan ko papunta sa cafeteria. Ang tatlo namang kasama namin ay nakasunod lang sa aming likuran. Inayos ko ang malaking salamin sa aking mata dahil akbay pa rin ako ni Raelynn at nasanggi niya kanina ang salamin ko sa mata.

Pagkapasok namin sa cafeteria ay napakadaming estudyante kumpara sa bilang ng mga tao sa tuwing pumupunta kami rito tuwing break time or lunch break. Siguro dahil walang klase kaya mas maraming estudyante kaming p'wedeng makasama galing sa iba't ibang department at year level.

"Raelynn, maghanap na lang kayo ng mauupuan. Kami na lang ni Claud ang bibili ng pagkain na 'ting lahat."

Tumango na lang kami ni Raelynn kay Rosselle dahil wala na kaming ganang magsalita dahil sa pagod na nararamdaman namin. Kasama namin ni Raelynn si Kennedy upang maghanap ng mauupuan.

Sa sobrang dami ng tao ay nahirapan na kaming  makahanap ng bakanteng upuan at lamesa.

Nagulat ako sa paghawak ni Kennedy sa aking braso, pero hinayaan ko na lang siya dahil baka hindi siya makalakad ng maayos dahil sa sugat niya.

*

Pagkauwi ko ng bahay ay umupo agad ako sa sofa sa sala dahil sa sobrang pagod. Lumapit sa aking ang isang maid at binigyan ako ng apple juice na agad ko rin namang kinuha dahil sa sobrang uhaw ko.

"Thank you." Ngumiti sa katulong at yumuko naman siya sa akin bilang tugon.

"You're welcome, Ma'am Penelope. Magsabi lang po kayo sa akin kung may kailangan po kayo."

"Sure."

Pagkatapos ay iniwan na niya ko. Humiga ako sa sofa dahil sa sobrang pagod, pero agad din akong napatayo nang bigla pumasok sa sala si Kendy na halatang pagod na pagod dahil tagaktak pa ang kaniyang pawis.

Lumapit sa akin si Kendy at sinunggaban niya ko ng yakap. Isang mahigpit na yakap at halos hindi na ko makahinga. Tinapik ko ang kaniyang likod kaya kumawala rin siya agad sa 'kin. Umupo siya sa tabi ko at hinalikan niya ko sa aking pisngi.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka tungkol sa kinikilos ni Kendy.

"Did something bad happened at work? Why are you sweating a lot?" tanong ko sa kaniya.

Umiling sa akin si Kendy at binigyan ako ng isang ngiti.

"Don't worry. Nothing happened. I just miss you a lot, my Penelope."

Napaiwas ako ng tingin kay Kendy dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko kaagad ang pag-init ng dalawang magkabilang pisngi ko. Bakit ba hindi pa rin ako sanay sa paraan ng pananalita ni Kendy? Tsk.

Nagkunwari na lang akong tumawa at sumagot sa sinabi ni Kendy. "We always together at home and you still miss me a lot? You will get tired to me easily if we always see each other."

Umiling sa akin si Kendy at hinawakan niya ang aking mukha. Nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan para mag-init na naman ang pisngi ko.

"How could I get tired to the goddess in front of me?"

Natawa ako bigla sa biro ni Kendy.

"Really? Sa itsura kong 'to?" Natatawa ko pang tinuro ang sarili ko.

Tumango sa akin si Kendy at seryoso niya kong tinitigan.

"How could you not? You're my wife after all. If anyone says you're not, then don't believe on them. Just hear me out because I'm your husband."

Pinisil ko ang ilong ni Kendy at ngumiti ako ng malapad sa kaniya.

"Alright. I believe you."

Hinawakan niya ang aking bewang at pinaupo niya ko sa kaniyang dalawang binti. Pag-upo ko ay napansin kong tila nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha kahit nakangiti siya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"What's wrong? Let me seat to the sofa instead. I think you're tired."

Tumango siya sa akin at binalik niya ko sa sofa. Yumakap na lang siya sa 'kin at pinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat ko.

"I will definitely let you seat to my lap next time, okay?"

Natawa na naman ako sa pahayag ni Kendy. Sa pagitan naming dalawa, parang mas matanda pa ang isip ko sa kaniya.

"Okay, my husband."

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWhere stories live. Discover now