CHAPTER 37

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Pagdating ko sa classroom ay hinila agad ako ng kaibigan kong si Raelynn paupo sa aming upuan. Pagkaupo naming dalawa ay nagtataka ko siyang binalingan ng tingin habang ang dalawang kilay ko ay nakataas na.

Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'to?

Nagpalinga-linga pa siya sa paligid bago lumingon sa akin at mas dumikit pa. Pagkatapos ay bumulong siya sa tainga ko.

"Bes, akala ko ay nanonood ako ng drama kahapon. Bakit hindi mo nasabi sa 'kin na nakapila na pala ang mga lalake sa 'yo?"

Kinurot ko kaagad si Raelynn nang marinig ko ang sinabi niya. Napasapo na lang ako sa aking ulo at napailing. Akala ko ay importante ang sasabihin ni Raelynn. Kalokohan lang pala.

"What are you talking about? Wala naman importanteng nangyari kahapon. Muntikan lang magalit sa akin si Kendy dahil hindi tayo nakauwi ng maaga."

"Yan. Kaya hindi mo napapansin, bes. Panay Kendy kasi ang laman ng bibig mo. Hindi mo ba nakita ang paraan ng pagtitig ni Claud sa 'yo kahapon? Kyah!"

Nanliit lalo ang mata ko dahil sa sinabi ni Raelynn. Nagawa pa niyang kiligin at tumili kahit na may ilang kaklase na kaming nasa loob na rin ng classroom. 

"Anong sinasabi mo d'yan?  Ang sinasabi mo ba ay kung paano ako tingnan ng masama ni Claud at kung paano siya nag-iisip ng paraan kung paano ulit ako inisin?"

Sunod-sunod ang nagawang pag-iling sa 'kin ni Raelynn kaya mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Hindi 'yon, bes. Hindi mo talaga nakita. Ano ba kasing mayroon sa Kendy na 'yan? Sa tuwing nakikita ko nga siya ay laging may takip ang mukha niya. Baka criminal pa ang taong 'yan." Humagalpak ng tawa si Raelynn pagkatapos niyang magsalita.

Akala ko ay ako lang ang nakapansin tungkol sa bagay na 'yon, si Raelynn din pala. Bakit kaya laging may suot na maskara si Kendy? Isa ba 'yon sa paboritong accessories niya? Napailing ako ng ulo dahil sa naisip.

"Raelynn, I'm sure Kendy has a reason why. Maybe, he doesn't want to be seen in public since he is rich."

Tumango si Raelynn sa sinabi ko, pero parang hindi pa rin siya kumbinsido.

"Basta, bes. Kung ako sa 'yo ay sundin mo pa rin ang tibok ng puso mo kahit kasal ka na."

Tinitigan ko ng masama si Raelynn pagkatapos niyang magsalita at tumawa dahil sa sinabi niya.

"Puro ka talaga kalokohan. Tumahimik ka na nga lang dahil baka may makarinig pa sa pag-uusap na 'tin."

Umayos ako ng pagkakaupo at itinuon ko ang aking paningin sa aking harapan. Kaya lang ay biglang dumating sina Claud at Rosselle. Dumiretso sila sa kani-kanilang upuan. Nagkasalubong pa nga ang mga mata namin, pero agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Pagkaupo ni Claud sa kaniyang upuan ay naramdaman ko kaagad ang pagsiko sa akin ng kaibigan ko. Tumingin ako kay Raelynn at pinanliitan ko siya ng mata. Baka makita pa ni Claud ang mga gestures ni Raelynn at kung ano pa ang isipin niya. Tss.

Biglang tumahimik ng ilang minuto sa pagitan naming tatlo. Tinuon ko na lang ang paningin ko sa unahan kahit wala pa naman ang teacher namin.

"Hey."

Lumingon ako kay Claud nang marinig ko ang boses niya. Tinaasan ko si Claud ng kilay nang lumingon ako sa kaniya.

"Who's that person?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Just answer my question."

Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Claud dahil ang kaniyang maliit na mata ay mas lalong lumiit pa habang nakatingin siya sa 'kin.

"Why do want to know?"

"Don't answer me with answer question. Tss."

Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga mula kay Claud. Pinagkrus ko na lamang ang aking kamay at bumuntong hininga rin ng malalim.

"Wala akong dahilan para sagutin ang tanong mo kaya hindi ako sasagot."

"Damn! Pene-"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Claud. Magsasalita pa sana siya, pero biglang pumasok sa loob ang teacher namin. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at dumating na ang teacher namin. Dahil sa pagsigaw ni Claud ay nagtinginan tuloy sa direksiyon namin ang mga kaklase namin.

Sinamaan ko pa ang tingin si Claud bago tuluyang lumingon ulit sa harapan at nakinig sa aming guro.

*

Nang matapos ang klase at dumaan ang break time, hindi pa rin tumigil si Claud sa kakatanong sa 'kin. Sina Raelynn at Rosselle ay parang nakikiramdam lang sa aming dalawa at hindi nagsasalita. Tss.

Pagkadating namin sa cafeteria ay pinahanap na lang kami ng upuan nina Claud at Rosselle at sila na ang bumili ng makakain namin.

Pagkadating nila bitbit ang kanilang biniling pagkain ay agad na umupo sa tabi ko si Claud kaya agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.

What's wrong with him today?

Napairap na lang ako nang makita ang malaking ngiti ng kaibigan ko habang nakangiti sa aming dalawa ni Claud. Itinuon ko na lang ang paningin ko sa pagkain na binili nila.

Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng chicken nuggets. Waah! Hindi ko akalain na mayroon ng ganito sa cafeteria. Wala kasi mas'yadong may gusto nito dahil ang iniisip ng iba ay para lang siya sa pambata, pero isa ito sa paborito ko.

Kumuha ako ng isang chicken nuggets at kinain 'yon hanggang sa hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang lahat ng chicken nuggets sa plato ko. Tumingin ako sa plato ng kaibigan ko, pero ubos na rin ang chicken nuggets niya kaya isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.

Kinain ko na lang ang natira kong kanin, pero natigilan ako nang may naglagay ng chicken nuggets sa plato ko. Tumingin ako sa katabi ko at nagtataka ko siyang tinitigan.

"What? Hindi ako mahilig sa chicken nuggets kaya sa 'yo na lang."

"Baka naman nalaglag na 'to sa lupa."

Kinuha ko ang chicken nuggets na binigay ni Claud at tinitigan ito sa malapitan. Baka kasi niloloko lang ako ni Claud, pero malinis naman siya.

"I'm not like that. Just it that. Tss." Kumain na ulit si Claud pagkatapos niyang magsalita.

Napairap na lang ako dahil sa tono ng pananalita ni Claud at saka sinubo ang binigay niyang chicken nuggets.

"Thanks."

Hindi na ulit kami nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sino kaya ang sumapi sa pagkatao ni Claud at parang mabait siya ngayon? Sana ay gan'yan na lang siya araw-araw para wala nang manggugulo sa maganda kong araw.

Napangiti ako sa naisip. Hindi ko tuloy namalayan na nasa akin na pala ang atensiyon ng tatlo kong kasama. Nginitian ko na lang sila at saka nagpatuloy sa aking pagkain.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWhere stories live. Discover now