CHAPTER 39

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan at pakiramdam ko ay parang biglang gumuho ang mundo ko. Nanghina ako bigla.

Tumingin ako sa paligid ko at naisipan ko na lumabas na lang ng kuwarto hangga't hindi pa nila napapansin ang pagdating ko. Nakasalubong ko pa sina Agustus at Arthur na tila hindi malaman ang gagawin habang nakatingin sa akin.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanila, pero walang lumalabas sa bibig ko kaya iniwan ko na lang sila. Naglakad ako dire-diretso palabas ng mansion.

Hindi ko na naalala ang tungkol sa bag ko na naiwan. Tumawag na lang ako ng taxi patungo sa bahay nina Raelynn.

Hindi ko alam kung nakauwi na siya, pero napagpasiyahan kong maghintay na lang sa labas ng bahay nila. Ayaw ko rin bumalik sa dati naming bahay.

I can't 'cause it's still part of him. . .

Walang nalabas na bata sa bahay nina Raelynn, pero sa tingin ko ay may tao naman sa loob dahil hindi naman naka-lock ang gate ng bahay nila. Umupo na lang ako sa gilid habang nakatungo at tinatakpan ng aking dalawang kamay ang aking mukha.

Wala pa ring tigil sa pagbagsak ang luha ko at hindi ko alam kung kailan ako tatahan.

Bakit nandoon si Kelly? Bakit kasama niya si Kendy? Bakit malaki ang tiyan ni Kelly?

Ang daming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan, pero lahat ng 'yon ay iisa lang ang sagot na napupuntahan.

Kendy and I are already married. I finally admit to myself that I have feelings for him, but. . . why is now that everything good then this has happened?

Why do I need to suffer again?

Bigla na lang umulan ng malakas kahit na may araw pa ring sumisilay, pero hindi pa rin ako umalis sa kinalalagyan ko. Napagpasiyahan kong hintayin pa rin ang kaibigan ko.

Pagkalipas ng ilang oras ay may babae na rin sa wakas na nakatayo sa harapan ko. Iniangat ko ang aking ulo kahit nanginginig na ang katawan ko dahil sa lamig.

Nagsalubong ang mga mata namin ni Raelynn. Ang nakakunot niyang noo kanina ay agad na napalitan ng pag-aalala. Umupo siya sa harapan ko habang hawak pa rin niya ang kanyang payong.

"Penelope, bes. Anong ginagawa mo rito?"

Niyakap ko ang sarili ko dahil bigla na lang umihip ng malakas ang hangin. Lumuluha pa rin ang mata ko, pero hindi ko ito magawang punasan dahil namamaluktot ako dahil sa lamig.

"Raelynn, p'wede ba kong magpalipas ng gabi rito?"

Tinitigan ako ni Raelynn, pero paglipas din ng ilang segundo ay tumango siya sa akin. Kumatok siya sa kanilang gate habang ako naman ay tumayo na. Pagtayo ko ay saka ko lang naramdaman ang pamamanhid ng dalawang binti ko kaya napakapit ako kay Raelynn.

"Anafe, buksan n'yo ang pinto!"

Naghintay lang kami ng ilang minuto at unti-onti na ring bumukas ang pinto nina Raelynn. Bumungad sa amin ang nakababata niyang kapatid na babae. Nakatali ito ng dalawang ribbon at agad na nabaling ang atensiyon nito sa direksiyon ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at pinilit kong ngumiti sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng bahay nila, pero bigla akong natigilan dahil may kamay na bigla na lang pumigil sa akin.

Napalingon ako sa likod namin ni Raelynn maging ang kaibigan ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ko ang pagmumukha ni Kendy.

Basang-basa ang damit niya at maging ang kanyang buhok. Mukhang hinihingal pa siya at nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Habang pinagmamasdan ko siya ay bigla na namang tumulo ang mga luha sa mata ko.

Inis kong tinanggal ang kamay niya na nakakapit pa rin sa kanang braso ko at humarap na ko ng tuluyan sa kanya.

"What?! May kailangan ka pa sa 'kin? Nakuha mo na ang gusto mo. Kinasal na tayo. 'Yon lang naman ang kasunduan n'yo ng parents ko, hindi ba? Walang sinabi doon na kailangan kong manatili sa mansion mo habang kasama mo ang babae na totoong tinitibok ng puso mo."

Mariin kong pinunasan ang luha sa aking mata. Nagagawa kong sabihin kay Kendy ang nais kong sabihin, pero nakakaramdam din ako ng sakit sa tuwing may masasakit na salita rin akong binibigay sa kanya.

Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Ganito ba talaga kapag nalaman mong niloko ka ng taong mahal mo? Ganito ba talaga ang pakiramdam?

"Let's talk, Penelope."

Narinig ko ang paos na boses ni Kendy. Mukhang napaos pa siya sa ginawa nilang dalawa ni Kelly habang wala ako.

Natawa ako ng mapakla dahil sa naisip. Hindi ko akalain na totoo pala ang lahat ng nararamdaman ko sa mismong araw ng kasal namin. Sa bagay, kailan ba naging mahalaga kay Kendy ang naganap naming kasal? Ako lang yata ang nag-iisip na mahalaga 'yon sa aming dalawa.

Ang sakit. Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang puso ko ngayon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Hindi na sana ako pumayag sa gusto niya. Hindi na sana ako nagpa-uto sa kanya.

"We have nothing to talk, Kendy. We are married, but just in the paper. You are free to do what you wants now. Please, don't hurt me more while I can still forgive your actions." Inalis ko ang dalawang kamay niya na pilit pa rin akong nais hawakan.

Si Raelynn ay hindi nagsasalita sa aming tabi at hinayaan lang kaming makapag-usap.

"No, Penelope. I know I did not do anything wrong, so please. Listen to me first."

Parang biglang nagpantig ang dalawang tainga ko dahil sa aking narinig. Nagkamali pala ako. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang taong 'to.

"Gano'n ba? Kung gano'n, pakiusap. Pakawalan mo na ko. Ayaw ko na sa mansion. I. . . I hate you, Kendy."

Muling tumulo ang dalawang luha ko sa aking magkabilang pisngi. Alam ko kung ano ang katotohanan sa mga salitang binanggit ko.

Tumalikod ako sa kanya at hinawakan si Raelynn upang pumasok na kami sa loob, pero bigla akong natigilan nang hawakan ako ni Kendy sa aking bewang at pinaharap ulit niya ko sa kanya.

Hindi na ko nakapag-react nang buhatin niya ko bigla. Pinilit kong kumawala sa kanya kahit na malaglag pa ko sa lupa, pero hindi ko magawa.

"Let me go. Let me go!"

"Raelynn, pasensiya na pero babawiin ko muna ang asawa ko."

"What? P-Penelope!"

Naglakad si Kendy patungo sa kanyang kotse. Nawalan ako bigla ng gana na magpumiglas sa kanya dahil patuloy pa rin sa pagtulo ng luha ko.

Asawa? Pakiramdam ko tuloy bigla ay naging isa kong bagay na nais niya lang makuha at maangkin.

He broke my heart, but in a worse way ever.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu