CHAPTER 29

0 0 0
                                    

PENELOPE ELEANOR

Hindi ko alam kung nakailang beses na kong humikab habang nagtuturo sa unahan ang aming guro. Bukod kasi sa kulang ang tulog ko dahil pagkauwi namin sa Philippines ay dumiretso agad ako sa eskwelahan, hindi rin ako nakatulog sa buong biyahe dahil katabi ko si Kendy. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay tititigan niya ko habang natutulog. Baka biglang tumulo ang laway ko at nakakahiya 'yon!

"Bes, magsabi ka nga ng totoo. Ano ba ang ginawa mo at antok na antok ka ngayon?" Nagpamewang sa 'kin si Raelynn at tinaasan niya ko ng isang kilay.

Bakit ba hindi ako umalis kaagad sa loob ng classroom nang matapos ang klase at magkaroon ng break time? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Tumingin na lang ako kay Raelynn at ngumiti sa kaniya.

"Nanood lang ako ng magandang movie."

Lalong tumaas ang kilay ni Raelynn sa sinabi ko. Inaasahan kong hindi siya maniniwala sa sinabi ko, pero kahit isang segundo ay hindi talaga siya naniwala.

"Kailan ka pa natutong manood ng movie? Anong movie naman ang pinanood mo?"

Nataranta ako bigla at napaisip nang sasabihin. Bakit ba kasi ngayon ako kinikilatis ng kaibigan ko kung kailan sobrang antok ko at hindi nagana ng maayos ang utak ko?

"Penelope, let's go and have lunch together."

Lumapit sa amin si Kennedy at nagbigay ng isang ngiti. Pareho kaming napalingon ni Raelynn sa direksiyon niya. Save by the bell! Buti na lang at nand'yan si Kennedy. Napangiti ako bigla dahil nakaligtas na ko sa pagtatanong ng kaibigan ko.

Sorry, friend. I can't tell you what's actually happened to me.

"Sige. Halika na."

Tumayo ako at nauna nang lumabas ng classroom. Nang makaapak ako sa labas ng pintuan ay muli akong lumingon sa kaibigan ko. Si Kennedy ay nakasunod na sa 'kin at nasa tabi ko na rin.

"Raelynn, halika na. Baka maubusan tayo ng masasarap na ulam sa cafeteria."

Muntikan na kong mapangiwi nang makita ang magkasalubong na kilay ng kaibigan ko. Kahit na gano'n ay naglakad pa rin siya patungo sa direksiyon ko habang magkakrus ang kaniyang dalawang braso.

By the way, if you're looking for Claud and Roselle, they are both absent today. I don't actually know the reasons why, but I'm glad that no one will tease me today. Especially that I'm still sleepy. Oh, about the seatmate of Kennedy which is Kelly, I don't also know why she's absent for a long time.

Ngayon na naalala ko ang tungkol kay Kelly, tumingin ako kay Kennedy habang patuloy kaming naglalakad patungo sa cafeteria.

"Kennedy, tell me if this is a personal question. Kaano-ano mo nga pala si Kelly? Saka bakit absent siya ilang araw na?"

Lumingon sa 'kin si Kennedy nang marinig niya ang katanungan ko. Nakita kong inilagay ni Kendy ang kaniyang palad sa kaniyang baba habang nag-iisip ng malalim at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa direksiyon ko.

Kennedy gaves me a gentle smile. A smile that is my first time to see. A smile that will probably like by many. If only Kennedy is not a loner in class, he will probably get a lot of secret admirer.

Magkakaroon din siguro ng fan club si Kennedy kung nasa high school pa kami. Pang high school life lang kasi ang fun club. Ngayon na nasa college kami, mas'yadong busy ang mga estudyante na mag-aral kaysa gumawa ng mga hindi importanteng bagay.

"Kelly is sick. She will come back again if she's doing fine. Why did you ask, anyway? I thought you still didn't talk to each other."

Iniling ko ang ulo ko sa tanong ni Kennedy. Napansin kong hindi niya sinagot ang unang tanong ko, pero at least ay may sinagot siyang katanungan.

"Yeah. Hindi pa kami nag-uusap sa klase, pero nagkita at nag-usap na kami bago siya pumasok sa classroom nang unang araw niya. I'm concern because. . . nevermind."

Hindi ko na siguro dapat ikuwento pa kay Kennedy ang hinala ko. Hindi rin naman ako sigurado na buntis si Kelly. Paano kaya kung totoo at 'yon ang dahilan kaya absent siya?

Tumingin ako kay Kennedy, pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang makita kong nakatingin din siya sa 'kin.

"What are your concern about her? Did she do something bad to you."

Natigilan ako dahil biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Kennedy. Nakita ko nga siyang nagulat nang malaman niya ang sinabi ko.

Natawa ako nang malaman ang tanong ni Kendy.

"Hindi naman. Humingi lang siya ng tulong tungkol sa isang bagay. Forget the concern I've said. Nagkamali lang ako ng pagkakaunawa."

Nang makahanap na kami ng upuan sa cafeteria ay sabay na naupo sina Raelynn at Kennedy. Nagprisinta na si Kennedy na siya na ang bibili ng makakain kaya naiwan kaming dalawa ni Raelynn.

"Bes, why are you talking about Kelly? I told you before that she's not a good person."

"Baka guni-guni mo lang 'yong nakita mo, Raelynn."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Raelynn dahil sa pagsalungat ko sa kaniya.

"Hindi talaga, Penelope. Ikaw bahala. Basta ako ay sinabihan na kita. Hmmp!" Umirap sa 'kin si Raelynn at pinagkrus niya ang kaniyang dalawang braso.

Natawa ako sa reaksiyon niya dahil nag-iisip bata na naman siya.

"Don't worry, Bes. You're still my best friend." Tumawa ako pagkasabi ng mga katagang 'yon sa kaniya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating si Kennedy bitbit ang mga pagkain na pinabili namin sa kaniya.

"Thank you, Kennedy."

Sa halip na magpasalamat din si Raelynn kay Kennedy ay sinabi rin ni Raelynn ang tungkol kay Kelly.

"Escanor, buti naman at wala ngayon si Kelly. Alam mo ba na sa sobrang dikit niya sa 'yo ay binibigyan niya ng masamang tingin ang sino mang babae na tumingin sa direksiyon n'yo?"

Natigilan si Kennedy sa sinabi ni Raelynn at nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"I saw her glared to Penelope's direction before too. Is it fine that we're hanging out on you while she's gone? What if she suddenly go to Penelope while I'm not with her?"

Ang atensiyon ni Kennedy ay biglang nalipat sa 'kin. Ang mga mata niya ay tila nagtatanong kung bakit wala akong kinuwentong gano'ng bagay sa kaniya.

Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Nakalimutan ko na madaldal nga pala itong kaibigan ko. Napasapo na lang din ako sa aking noo at pagkatapos ay tumingin din ako kay Kennedy at ngumiti sa kaniya.

"Don't worry about that, Kennedy and Raelynn. Sa tingin ko naman ay hindi gano'n si Kelly. Saka hindi dapat na 'tin pinag-uusapan ang taong wala naman rito. Kumain na lang tayo."

Nakahinga ako ng malalim nang sabay na tumango sa 'kin ang dalawang kausap ko. Buti naman at naintindihan nila ako, pero mukhang hindi pa kumbinsido ng buo si Kennedy sa sinabi ko.

HE'S MY BEAST, I'M NOT HIS BEAUTYWhere stories live. Discover now