Chapter 4

115 6 0
                                    

Maya

It's been a week since the class started and I haven't made any close friends. Casual lang ang pakikitungo ng mga kaklase ko at ako sa kanila, I can call them friends but I don't know if everyone has a mutual feeling. Ayoko din namang lumabas sa classroom para lang maghanap ng kaibigan dahil baka mabully pa ako. I've witnessed it already, the other lower class was bullied by the upper class na isang rank lang naman ang lamang sa amin. Mabuti nalang at dumating ang student affairs. We are treated as trash here, maayos nga ang pagtuturo nila pero hindi nila kami pinaglalaanan ng panahon para sa isang training.

I sigh, our class is so boring, not that I have a problem with that pero kasi puro academic ang pinapagawa sa amin.

"Ms. Hale, do you need anything? Lalabas ang isang kaklase natin para bumili ng snacks" tanong ng isa kong kaklase.

"Just a bottle of water, may dala akong pagkain" sagot ko. Ngumiti lang siya at tumango sa akin. Maswerte narin siguro ako sa mga kaklase ko dahil walang mga maldita. Though we are not that close, I can see everyone's teamwork. Saka tinutulungan din namin ang isa't isa kapag may namomroblema. Lumabas na ang isa naming kaklase na may ability na kayang itago ang presensya niya. She's the only low ranking student, I think, that is really safe from the bullies.

"Maya, pahingi ng snack mo ha, ang sarap kasi nung kahapon"anang isa. Tumango lang ako at napatawa ng mahina. Mabuti nalang at nagdala ako ng marami.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na ang kaklase namin at naaawa ako na medyo natatawa dahil ang dami niyang bitbit. When she's done distributing all our requested drinks and snacks, our instructor suddenly came in with a girl beside her.

Mabilis naman kaming umupo ng maayos at natahimik. Lahat ng atensyon namin ay nasa babae. Nakayuko ito at mukhang kinakabahan, I can hear her heartbeat from where I am sitting. Ilang sandali pa ay nagsalita na si Instructor Laura.

"I'm back again class and I have someone here. She's a late enrollee and she's gonna be your classmate, be good to her okay? Introduce yourself Miss" wika ni Ma'am. Tumango ang babae at nagsalita na.

"Hello, My name is Elysia Clay, my ability is enhanced agility" aniya. Enhanced agility? It's actually a cool ability bakit nandito siya sa lowest class?

"You can sit in that row with Ms. Hale, Ms. Clay" turo ni Ma'am Laura sa row kung nasaan ako. Tumango naman ang babae at umakyat na dito habang si Ma'am naman ay lumabas na. Bumalik naman sa kani-kanilang group of friends ang mga kaklase ko. Tahimik na umupo si Ms. Clay katabi ko at napatingin nalang sa mga kaklase ko. Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha na ang baon ko at kumain.

"Ahm, can I ask you something?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Yeah, sure"sagot ko.

"Break time ngayon, bakit walang lumalabas?" aniya.

"Oh that? Ahm it's because they are afraid to get bullied. Tayo kasi ang nasa pinakamababang rank."sabi ko at tinuro ang shoulder mark niya. Napakunot noo naman siya.

"Iyon lang ang dahilan kaya nabubully ang lowest class?" aniya. Nagkibit balikat lang ako dahil wala naman na akong alam bukod doon. "I'm also a newbie here, pero itong mga kaklase natin nag-aaral na dito simula noong elementary pa sila" sabi ko.

"But should't the instructors focus more on training the lowest class so they can protect their selves?" sabi pa niya. Napangiti naman ako at hinawakan pa ang dalawa niyang kamay. Nabigla naman siya at napaatras ng kaunti.

"Right? Alam mo magkaparehas tayo ng iniisip. I really don't like how they categorize the weak and the strong here" sabi ko pa. "Me too" aniya. OMG, feeling ko naluluha na ako. There is actually one person who thinks the same way as I am. Hulog siya ng langit.

The Wicked WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon