Chapter 33

78 4 0
                                    

Reminder: This story contains typos and grammatical errors.

Nang makalabas na sila sa gumuguhong laboratoryo ay wala silang magawa kundi ang manuod nalang sa mga nahuhulog na debris. Kahit ang mga taong nagtatrabaho sa laboratoryo ay nagsitakbuhan din at parang wala ng pakialam sa lugar.

" Titania!" napatingin sila sa likod nang may tumawag sa kanila.

"Sir Thorn" kasama nito si Laura at sina Zach. May ilan ding tao na naninilbihan sa pamilya ni Zacharias Hendrix at ng Everson family.

"Where's Maya?" tanong ni Zach. Bumalik naman ang tingin ni Katrielle sa laboratoryo na unti unti ng nawawasak.

"She's still inside"

"What? Bakit niyo siya iniwan doon" umiling naman si Katrielle sa wika nito.

"We didn't leave her you idiot, siya mismo ang nagsabing umalis na kami. Pabigat lang kami sa kanya doon at hindi kami makakatulong. She's currently fighting 2 of the chimera assasins at napatulog niya iyong isa pa." magkasalubong ang wika ni Katrielle. Ayaw din naman niyang iwan si Maya doon pero ano naman ang maitutulong niya? Saka may tiwala siyang kayang manalo ni Maya ng siya lang mag-isa.

" Shouldn't we go inside and help her?" Drystan suggested but Thorn and Laura did not agree.

"It's still dangerous. Gusto niyo bang sumuong sa nag-uulang mga bato at mga mabibigat na bagay na iyan?" turo ni Thorn sa laboratoryo. Napatiim-bagang nalang si Zach at naiyukom ang mga kamao. Gusto na niyang pumasok at hanapin si Maya. Alam niyang malakas ito pero hindi parin niya maiwasang mag-alala.

"Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pagyanig ng lupa. Nakikipaglaban parin siya. Ganito pa sila kalakas at naaapektuhan ang paligid?" hindi makapaniwalang saad ni Laura.

Napatingin naman si Elysia kay Katrielle pero umiling lang ang huli. Hindi na nagsalita pa si Elysia. Nangako na siyang poprotektahan din niya si Maya kahit pa sa sarili nitong kapatid.

Ilang sandali pa ay naramdaman na nila ang pagtigil ng pagyanig ng lupa. Inutusan ni Zach at Katrielle ang mga tao ng pamilya nila na pumasok at maghanap ng mga bagay na pwede nilang gamitin. Pumasok narin sila lahat at nagmamadaling tinungo ang lugar ng pinaglalabanan nina Maya at ng myembro ng chimera assassins.

Nang makarating ay nakita nila si Maya na nakaupo malapit sa wala ng buhay na babae at lalaki. Duguan din ang kamay ni Maya at ang sandatang gamit niya. Nakayuko ito at naghahabol ng hininga. Lumapit sila sa kanya at tinawag ang pangalan nito.

"Maya" Maya lifted her head up and looked at them.

"Hey" anito. Hindi sila makahanap ng salita na pwede nilang sabihin dahil sa nakikita. Magulong magulo ang lugar na para bang dumaan na ang ilang libong taon.

"There are many things here earlier and now it all became ashes" mahinang komento ni Lili. Napalunok siya at lumingon kay Maya. Who would've thought that a D rank student like her can be this powerful. Umiling siya ' She's not just a D rank student, she is more than that. Aside from being the only successful experiment, she's also a Leinhart. A very talented and smart family. Principal Kara already proved it so many times'

"I was just resting. The other assassin escaped, paniguradong malalaman ito kaagad ng emperyo. Anong gagawin natin?" tanong nito. Nagkatinginan naman sila at napailing. Nasa isang delikadong sitwasyon sila ngayon. Hindi nila alam kung ano ang gagawin ng emperyo sa kanila pero sigurado silang hindi ito maganda kung mayroon man silang gagawin.

"We need to act faster" ani Thorn at lumingon kay Zach. "Is everything ready?" tanong nito.

"Don't worry, it's ready but the problem is, other aristocrat will not be happy to hear about this."

The Wicked WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon