Chapter 11

125 10 6
                                    

Napahilot nalang sa ulo si Thornton habang nakatingin sa mga babaeng kanyang tinuturuan. May nakikita naman siyang potensyal sa kanilang lahat pero hindi sila marunong makisama sa isa't isa. There's no teamwork at all. They are hurting each other. He should've took Kara and Laura's warning seriously.

"This is probably the only legal way I can hurt you like this" malamig na wika ni Lilith na ikinangisi ni Pyra. "Same" aniya at sinugod nila ang isa't isa. Nagkakasakitan na silang dalawa at pati ang mga kasama nila ay nakisali narin. Kahit na natatakot ay sinubukan din ni Kianna ang makipaglaban. She used her telepathic ability and used a binding technique which restricts the girls in moving.

Agad din naman iyong nawala dahil sa pwersahang paggalaw ng ilan at hindi niya kaya na pigilan sila. Muli silang nagpatuloy sa paglalaban pero biglang nagsalita si Thornton.

"S-stop! Itigil niyo na ang ginagawa niyo. All of you are hurting my eyes"nagsitigil sa ginagawa ang pito at nalilitong napatingin sa kanya. Tinaasan naman siya ng kilay ni Quinevere. "Anong mali sa ginagawa namin?"

"All of it! Bukas na ang event pero hindi parin nagiimprove and teamwork niyo. I told you to get used to everyone's ability! But instead you are hurting each other."

Sa sinabi ng trainor nila ay saka nila tinignan ang isa't isa. All of them has bruises except for Maya. Maya can detect any harm before it can happen so she can dodge any attacks easily.

"Alalahanin niyo, nasa iisang team kayo at hindi kayo magkalaban."dagdag pa nito. Malakas na napabuntong hininga si Thornton. "Gamitin niyo na muna ang weapons niyo"

Excited na napatili si Quinevere sa sinabi niya at agad kinuha ang kanyang weapon na nasa tabi lang nila nilagay. Maya thought that they are lucky to have Quinevere in their group. Their weapon are not like any other. Maganda ang disenyo, hindi madaling masira at mukhang mamahalin. Dahil anak si Quinevere ng may-ari ng kompanyang nagsusupply ng mga weapons ay naambunan sila ng pagkamayaman nito.

Quinevere has a big sword just like in an rpg games, people call it a berserker sword because of its large size. Lilith has a gauntlet, a very special weapon used by strength ability users, this weapon is able to channel their ability efficiently. Katrielle has a rapier sword and it was a perfect weapon for her because of how graceful she is in fighting without using any ability. Pyra has a bow and arrow and it is also perfect for her since elves are known to have good eyesight. Elysia has daggers, It is efficient for her to use since its small and she can use it easily. Kianna has a gun, since she's not into physical fights she can help through guns and can be a support. Lastly, Maya has a spear. She's not really fond of spears but she took it because it was given to her and she has no other choice.

"I'll activate the War mode of this training room. Paalala lang, magtulungan kayo na matalo lahat ng mga kalaban niyo" wika ni Thornton at may pinindot na kung ano sa isang high tech na remote na hawak niya. Biglang nag-iba ang disenyo ng room at parang napunta sila sa isang kakaibang lugar. Biglang may nagsilabasan na mga kalaban kaya agad silang umayos ng tindig.

They started fighting the enemies which are robots and they know it. Maayos naman sa simula ang performance nila not until Lilith strongly punch a robot and it flew towards Pyra accidentally. Natumba kasama ng robot si Pyra kaya nagsalubong ang kilay niya at nangunot ang kanyang noo.

"Nananadya ka ba?" malakas na sigaw ni Pyra. Agad naman siyang pinigilan ni Quinevere na malapit lang sa kanya.

"It was an accident, bitch. I won't waste my time trying to pick a fight with you" balik namang sigaw ni Lilith. Galit na lumapit si Pyra kay Lilith na pilit na pinipigilan ni Quinevere na kanina pa sumisigaw ng 'Stop'. Nagsukatan na sila ng tingin at parang wala lang sa kanila ang mga robot na kaaway.

The Wicked WeakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon