4 🌈 Caleb, The Mon-Mon

781 49 4
                                    


🌈🌈🌈

Sanay na si Caleb na pinagtitinginan sa halos lahat ng oras. Pagbaba pa lang niya ng kotse, natuon na agad sa kanya ang atensyon. Pero sa umagang ito, iba ang uri ng tingin na kanyang natatanggap.

Si Ailin, ang kanyang ultimate fan ay lumapit. "Caleb, okay ka lang ba?" tanong nito, nag-aalala.

"Of course I am, why?"

Iniharap nito ang cellphone, ang screen ay nasa sa public website ng kanilang eskwelahan. Nakasulat sa headline ng balita ang 'Maria Bahaghari Attempted Murder On Caleb'. May picture pa niya, stolen shot, naglalakad sa hallway ng paaralan Ang litrato ni Maria ay kuha habang nakaupo sa damuhan, may tuyong dahon pa sa buhok, nakaharap sa camera at may malaking ngisi.

Naipikit ni Caleb ang mga mata, humugot ng malalim na hininga at pilit ngumiti. "It's just misunderstanding," at naglakad palayo.

Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng pinsan ng nagdaang gabi. He expected results, not this. Kung kagagawan man ito ni Matthew, hindi siya masaya.

"Wazzup Mon-mon!" Speaking of the devil. Umakbay pa ito at bumulong. "Nagustuhan mo ba mag ginawa ko?" Iwinaksi niya ang braso ng pinsan at sinenyasang sumunod. Nang tuluyang makalayo sa karamihan, marahas niyang hinila si Matthew sa likod na hardin ng kanilang building.

"What the hell did you do?!" an gigil niyang bulong.

"Sabi mo sa kahit anong paraan."

"Gumawa ng balita?" May halong katotohanan naman iyon. Pinagtangkaan siya ni Maria Bahaghari para ialay sa demonyo. Ngunit hindi na kailangang malaman ng lahat. "Tell me, how will it send her away?"

"Excuse me, classmate?" ang tawag ng masiglang boses, pinutol ang usapan. "Dito sa taas."

Tumingala ang dalawang lalaki, nakita ang sentro ng usapan. Nakatali ang buong katawan nito na parang larva, litaw ang ulo at inilambitin.

"What the hell are you doing there?!" singhal ni Caleb ng wala sa oras.

"Ah ito ba?" tukoy sa sitwasyon. "'Di ko alam, may mga lumapit sa'kin kanina, tapos bigla akong tinali. Parusa ko daw sa ginawa sa'yo," pagkatapos ay nangunot ang noo, nag-isip, "Teka, ano bang kasalanan ko sa'yo?"

"Muntik mo na along patayin!" bulyaw niya, hindi napansin ang pagtaas ng kilay ni Matthew.

"Hindi ah. Hinampas lang kita sa ulo... ng malakas."

"And why did you do that?"

"Subok lang kung totoo ang libro, bigay ni Tam-tam... uh, Tamara."

Nahilot niya ang noo, hindi makapaniwala sa narinig. "And what if it's true?"

"Edi wow," ang sabik na sagot, walang halong sarkasmo. "Ibig sabihin, ikaw ang pinakaunang alay."

Higit na nalukot ang kanyang mukha, rinig ang mahinang tawa ni Matthew.

"Ayaw mo?" ang inosenteng tanong ni Maria.

Nanakit man ang batok sa pagtingala, nanatili sa ganuong posisyon si Caleb. "Ayoko!"

"Okay," agad na sang-ayon, "pakibaba nalang ako klasmeyt."

"Like hell I will," at naglakad siyang palayo.

"Oi! Ang bad mo," pahabol nito. "Ang bad, bad mo!"

Hindi natinag si Caleb.

"Oi, Mon-Mon!"

At ngayon, nakiki-Mon-Mon na rin ito?

"Pakitulak na lang ako, parang swing! Mon-Mon? Mon-Mon! Sige na please!"

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon