29 🌈 Caleb, The Stupefied

497 40 8
                                    


🌈🌈🌈

Sa simula pa lang, hindi na maganda ang pakiramdam niya. Bakit sa lahat, naisipan ni Maria na idiwang ang birthday nito sa farm nila Matthew? She could've held a grand party like he did.

Caleb had an idea why, but didn't entertain the thought.

Ang misyon niya sa araw na ito ay mairaos ang birthday, specifically, debut nito.

Mango, my a*s, isip niya, hindi nabura ang simangot habang nagmamaneho. Kung gusto nito ng kumain ng mangga, maraming mabibilhan sa syudad.

"♪Stupid!♪"

"Kaloy," tawag ni Matthew, "kanta ka rin, at humugot ng malalim na hininga, ♪Stupid love!♪"

At ngayon, nakisiksik ang pinsan niya at Tamara sa van, kasama ang mga pagkaing handa. Maaga din silang bumyahe. Kung tutuusin pwede rin silang mamili doon sa San Martin. Siya pa ang ginawang driver. Mabuti nalang at wala si Lord dahil may trabaho ito sa Sabado, otomatikong wala din si Shalla.

Sumabat din si Maria. "♪Pati ang bra't panty mo, ako ang naglalaba!

Agad na pinatay niya ang radyo ng sasakyan.

"Bakit?" Nanghahabang nguso nito, nasa front seat.

"Ang ingay," sabi niya, napangiwi dahil sa amoy ng tae ng kalabaw mula sa bukas na bintana.

"Pero birthday ko, Mon-Mon."

Shut up, gusto niya itong bulyawan.

Muli nitong pinindot ang radyo at nagpatuloy ang kantahang sa tangang pag-ibig. Sumulyap siya sa rearview mirror, katabi ni Matthew, mahinang nakikipalakpak si Tamara.

'Dumating na ang kamalasan', naalala niyang sabi nito.

Di sinasadyang nagtama ang tingin nila. Ngumisi si Tamara ng madilim.

∆∆∆

Mag-aalas otso pa lang ng umaga nang marating nila ang farm nila Matthew. Katulad ng naunang pagdalaw, naghihintay doon si Ginang Sabel.

"Kaloy," anito nang makababa sila, "mabuti nabalik kayo, at dito pa magbi-birthday ang nobya mo."

"Call me Caleb," diin niya.

"Maraming salamat po, Tita!" masiglang singit ni Maria, ngayon ay nakapasok na sila sa sala.

"Nako, wala iyon, pamilya na rin tayo."

Napanting ang tenga ni Caleb. Kung tratuhin nito si Maria ay parang kasal na sa kanya.

"Mat?!" ang sigaw ng malalim na boses mula sa loob ng bahay.

"Pa!" ganting sigaw naman ni Matthew.

"Aba, dumating na pala kayo!"

Papalapit ang malakas na yabag at hanggang sa kabilang bahagi ng bahay, lumitaw ang malaking lalaki, may balbas at nagtatabako, akay-akay nito ang manok, hinihimas-himas.

Natigilan ito nang makita sila, napako kay Caleb ang tingin, at lumapit. Pagkatapos ay isiniksik kay Matthew ang manok. "S-Sabel, aba'y nagbalik nga si Kaloy."

Bago pa siya makahuma, mahigpit na niyakap si Caleb ng lalaki. He felt as if a giant hugged him. He could even feel being lifted from the ground.

"Binata ka na, Kaloy!" at bumitiw, "Tuli ka na ba?" pagkatapos ay tumawa ng malakas. "Sino ba dito ang nobya mo?" Hinarap nito ang ibang bisita.

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon