44 🌈 Caleb, The Sick 2

551 40 5
                                    


🌈🌈🌈

Bumagal ang pagnguya ni Maria, at uminom ng juice. "Nasa news na, nandoon na lahat."

Si George ay pinaglipat-lipat lang ang tingin sa kanila.

"Gusto kong marinig sa'yo mismo." Kumukurap-kurap siya, sakaling mawala ang pag-ikot ng paningin.

Gumuhit ang pagtutol sa mukha nito. "Pero... pero ang haba," sabay kagat ng tinapay. "Mon-Mon, tinatamad ako."

"I can tell the truth if you like," presenta ni George.

"Oo nga, Master Hokage nalang."

Nasapo niya ang noo, nagpigil na sigawan ito at hindi na pinansin ang paglakas nga masakit na pitik sa ulo niya.

"Mar—" at humalik ang mukha niya sa plato. Hindi na niya naramdaman ang malagkit na jam sa noo.

Nawalan ng malay si Claleb.

🌈🌈🌈

In the next hours, he was drifting from being awake and sleep. Nakarinig siya ng iba't-ibang nag-aalalang boses. Sinubukan niyang ibuka ang mga mata para mapagsino ang mga pigura pero di magawa. He felt terribly cold at the same time he was burning.

There are moments he'll wake up from a someone putting something cold in his forehead. There are times he'd hear someone humming, putting him to sleep.

Katulad rin iyon noong maliit pa siya. Sa pagitan niya at Kuya Alex niya, ito ang sakitin. His mother would hum Alex to sleep when he's sick.

Kaya naman, noong bata pa siya, ginawa ni Caleb ang lahat para magkasakit. Halos idikit niya ang mukha kay Alex para mahawa. Minsan ay hindi siya naghuhugas ng kamay mula sa paglalaro. He played too much.

He did a lot of things just to get sick.

He never did. Hindi na lumala sa sipon at masakit na ngipin.

It was as if his body's resistance was the strongest in the world.

His mother never hummed a song for him to sleep.

At ngayon, nagkasakit na siya sa wakas. Sa kanyang pagdidileryo, tinawag niya ang pangalan ni Mia, ang kanyang ina. Then he'd dream of a sweet voice humming and holding his forehead or hand. Only then he stopped.

Hindi siya sigurado kung gaano katagal siyang natulog. Nagising na lamang si Caleb mula sa natutuwang boses ni Maria at kausap ang opisyal na doktor ng mga Montreal.

"Good, bumaba na ang temperature niya. Di na siya dadalhin sa ospital."

Namulatan niya ang kisame ng sariling kwarto. May suwero nang nakakabit sa kamay niya.

"Gising na siya, Doc."

Agad siyang inasikaso ng doctor, kinumusta ang pakiramdam niya. Caleb said he's fine even though he's not. Sa kabila ng pagaling na pakiramdam, hindi pa siya nakabawi ng lakas.

Matapos magbilin ng mga iinuming gamit at payo, umalis na ito. "Call me if you feel worse," at nagpaalam.

Nang naiwan silang dalawa, agad siyang inalok ng pagkain ni Maria. "Mon-mon may porridge," pero kumakain rin ito. "Kung ayaw mo, may iba pang pagkain."

Doon lamang napansin ni Caleb ang mga pagkaing nakalagay sa coffee table ng kwarto niya— fried chicken, pizza, french fries at may lalagyan pa ng ice cream.

Surely, among the food there, only the porridge and slices of fruit was the only ones for him. The rest were Maria's.
Naningkit ang mata niya, hindi nagkomento. Pinalampas niya ang kasibaan nito, at kasalukuyan ay kumakain rin ng porridge sa hiwalay na mangkok.

"What?" inosenteng tanong nito.

Umiling siya at ipinikit ang mata. Nakarinig siya ng kaluskos. Maya-maya pa, lumundo ang espasyo sa gilid ng kama niya. Sigurado siyang si Maria iyon, walang paalam na tumabi sa kanya.

"Ew Mon-Mon, amoy pawis ka na."

"Shut up," at dumilat, lumingon siya nagulat sa lapit ng mukha nito sa kanya. Nspalunok siya ng wala sa oras. "Shut up..." sa pagkakataong ito ay pabulong.

Ngumiti si Maria. "Mabuti at magaling ka na."

Caleb felt the warmth from his chest climb to his face. Sigurado siyang hindi lagnat ang dahilan. Sa isip, tinatanong niya kung bakit ito agresibo at tumabi sa kanya. Tinatanong niya kung bakit siya nalulunod sa malapusang mata nito.

She stared at him too.

Caleb hated it.

She smiled.

He hated it too.

He hated everything at the moment. He hated why he's heart was thumping wildly. He hated why he likes her so much.

"Mon-Mon? Mon-Mon?"

Doon pa lamang siya nauntag nang mahina nitong pinipindot ang pisngi niya.

"W-What?"

"Ang sabi ko, umiyak ka?"

"What?"

"U-MI-YAK-KA," ulit nito na para bang hindi siya makaintindi. "Tinawag mo ang Mommy mo."

He looked away. "Did I?"

Naramdaman niya ang pagyapos nito, walang sinabi.

Maya-maya pa, nagsimula siyang magkuwento. He felt it was the right moment. He just wanted to talk.

"When I was s kid, I don't remember being sick."

"Never? Talaga?" duda nito.

"Talaga."

"Wow," anito ngayon ay bumangon at umupo sa kama. "Parang may super powers ka."

"My older brother, Alex, was sickly. So my mother always take care of him."

"Kawawa naman siya..." anito. Caleb's sure that Maria knew his family situation and if she doesn't, he has no plan to explain more. "Pero kawawa ka rin," dugtong nito.

"What?" tumingala siya rito. How dare her call him pitiful.

Hindi sumagot si Maria, imbes ay nagpadausdos para muling mahiga katabi niya. Muli itong yumakap.

"Pero seryoso Mon-Mon, amoy pawis ka talaga."

"Shut up," then turned to her. Sa kabila ng protesta nito, niyakap niya si Maria at ibinaba ang mukha nito sa may dibdib niya. Caleb whispered, gently. "Just shut up for a moment..."

He closed his eyes, let Maria feel his heartbeat.

🌈🌈🌈

I hope you liked it!

Ellena Odde

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon