03

930 31 11
                                    


"Oh my gosh! Don't do that!"

Pareho kaming natumba ni Cali sa dance floor noong hinawakan niya ang kamay ko sabay ikot nang mabilis. Nagkatinginan kami bago sabay na napahagalpak ng tawa, hindi nasaktan.

"Mga lasing!" I shouted. 'To na nga ba ang sinasabi ko, eh!

Manu suddenly arrived and held Cali's arm to make her stand up. Hinila niya rin ako sa kabilang kamay pero nag-squat ako habang hawak ang kamay niya, nagpapabigat. He tsked and started walking kaya naman para akong tanga na ginuguyod sa dance floor!

"Cali, masaya! Dito ka rin! Bilis! Mag-train tayo!" aya ko pa sa kaniya, tumatawa pa rin na parang baliw.

"No." Manu stopped Cali by the waist dahil willing siyang magpauto sa akin.

"KJ!" sigaw ko bago bumitaw sa kamay niya at tumayo. Hilong-hilo na ako at umiikot na ang paningin ko kaya naman naka-stretch paharap ang mga kamay ko para maghanap ng pwedeng mahawakan na mga steel bilang guide sa paglalakad.

"Kyel... Nasusuka ako." Kumapakapa sa ere si Cali habang pababa kami ng hagdan. Nataranta si Manu at agad siyang binuhat at dinala sa may mga halaman para pasukahin.

Binaliwala ko sila at kumapit sa railing habang pababa ng hagdan. "Uy, ano 'to? Bato?" Sinipa ko iyong bato para hindi ako matapilok. Humahagikgik ako mag-isa kahit na wala namang nakakatawa.

Hindi ko na kinaya ang maglakad kaya naupo ako staircase near the left side dahil walang taong bumababa roon. Pinatong ko ang dalawang siko sa binti ko at pinagpahinga ang mukha sa palad ko, my eyes closed.

"Hindi na ako iinom ulit. Final," desididong bulong ko.

I can feel my world spinning and I was pretty sure I'd have a bad hangover tomorrow. Hindi naman ako nasusuka dahil hindi ako ganoon kapag lasing. Sumasakit lang talaga ang ulo ko sa dami ng alak. Lalo na kapag ibang-ibang brand iyon.

I opened my eyes when I heard something upstairs. Madali ko lang nakita kung ano'ng mayroon doon. "There goes the playboy," I whispered when I saw Marco kissing a woman torridly.

Tumayo ako para makaalis pero bigla akong natapilok at gumulong pababa sa stairs. Napamura ako at sumigaw-sigaw nang nag-landing na roon sa ibaba. Instead of crying, I laughed out loud because I cannot feel any pain! I was numb because of the alcohol. Buti na lang!

"Promise talaga, Lord, last walwal ko na 'to! Magpapakabait na ako, huwag n'yo lang po ako bigyan ng bukol o pasa!" I tried to push myself up but I felt so weak. "Maki!" makapal na mukhang sigaw ko. Ewan ko lang kung narinig niya.

Pinilit kong tumayo mag-isa. Muntikan na akong matumba palikod pero may tumulak sa akin para hindi ako tuluyang matumba. I lost my balance again but whoever it was who pushed me, caught my arm immediately to prevent my fall.

"Hayop! Tinulak mo ako tapos sasaluhin mo ako? Make up your mind! Para kang tanga!" singhal ko kaagad.

"Ano iyon? Ba't mo ako tinawag? Distorbo." Marco wiped his lower lip with his thumb, looking irritated.

"Ah, ikaw pala!" Malandi akong tumawa at hinampas siya sa braso pero ako ang nawalan ng balanse dahil walang energy. "Help!" Agad niya akong hinila sa braso kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"Hina mo naman pala sa inuman," pang-aasar niya bago ako hinawakan sa baywang para hindi na ako tumakas.

"I'm okay now! Go back to your girl! Galingan mo!" I tapped his shoulder, cheering him.

"Umalis na." He rolled his eyes at me. "Hindi mo rin naman kinailangan manuod."

"Malay ko bang nandiyan kayo! Gusto ko lang umupo, eh!" pagpapaliwanag ko.

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now