09

775 18 1
                                    

"May cake ka pala. Talo pala itong cute kong cupcake."

Napakamot si Marco sa ulo niya nang nakita sa kitchen island ang chocolate cake ko. Kukuhanin ko sana sa kamay niya ang cupcake nang nilayo niya iyon, nahihiya.

"Hey, that's mine!" Sumimangot ako.

"Huwag na. Mas masarap iyang cake mo." Nginuso pa niya iyon bago tinago ang cupcake sa likod niya, tapping his foot on the floor.

"Are you sure that it's yummy?"

"Hindi 'ko sure?" he said jokingly.

"I still want that cupcake, though." Kumuha ako ng kutsilyo at platito. Nilapag ko iyon sa counter bago binuksan ang ref para ihanda ang pitcher of water.

Natawa si Marco. "Dadaan sana ako sa bakery kasi plano ko ngang mag-surprise after ng exam pero biglang may pinaasikaso si Mama. Hindi ko naman matanggihan kaya pagkarating ko sa bakery, sarado na." There he goes! Mahilig talaga siyang mag-explain!

"The cupcake was already too much, Maki," I told him. Maliit lang kaya ang kasiyahan ko!

"Too much? Baliw ka ba, babe?" He looked at me ridiculously. "Nabibili lang naman 'to diyan sa tabi."

"It's the thought that counts."

"Ah, akala ko pera ang binibilang," he joked.

Napasapo ako sa noo ko, nahihiya para sa kaniya. Kung hindi pambabara, tito jokes niya naman!

"Ay, hindi ba benta, birthday girl?" Humawak siya sa dibdib niya, umaaktong malungkot. "Okay lang. At least ikaw, benta kay Mama."

My brows furrowed, not getting the reference. He noticed the confusion laced on my face kaya hinilamos niya ang isang kamay sa mukha ko.

"Beh, ang alat ng kamay mo!" Peke akong dumura-dura sa ere pero natawa rin kalaunan habang pinagdedesisyonan kung paano i-slice ang cake.

Marco had a ghost of smile on his lips as he watched me laugh. Yumuko siya saglit bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Paano ko ba 'to puputulin?" I asked him.

"Gamitin mo iyong kutsilyo na hawak mo, Ica. Alangan naman ulo mo, eh, 'di nasira iyong cake. Pwede pa naman iyon kainin. Sagipin nga lang natin bago mag three seconds para masalba sa germs."

I portrayed a bored express. Deep inside, I wanted to laugh. Siya na ang tumawa sa sarili niyang sinabi bago seryosong sumagot.

"Just cut it into four slices, Ica." Pinakita pa niya sa kamay niya kung paano puputulin.

"Hindi naman kasi ako nagpuputol ng cake. Most of the time, kinakain ko lang diretso sa box dahil wala naman akong ka-share so walang mag-iinarte," pagkwento ko. "Mas masaya rin, promise!"

I transferred two slices of cake on the platitos before putting the cake back on the ref. Dinala ni Maki sa sala ang mga platito at pitcher. Ako na ang nagdala ng mga baso at tinidor.

"Timing na linggo birthday mo, ah. Ano plano mo?" Maki leaned his back on the sofa, unbuttoning his polo with one hand while waiting for my reply.

I shrugged before sitting beside him on the carpet. "Wala. Maghahanda lang ng sautéed pilchard." I did a chef kiss gesture.

"Masarap iyan? Ano ba iyan?" Kita ko ang kalituhan sa mukha niya habang kumukuha ng unan.

"Ginisang sardinas!" Tumakbo kaagad ako bago pa siya manghampas ng unan. I just know he'd do that!

"Ambot nimo, Ica, oy!" Tinapon niya ang unan sa akin, tumatawa nang malakas. Nakailag ako.

"Ambot!" panggagaya ko sa sinabi niya kahit na hindi ko alam meaning noon. Baka mamaya minumura na pala ako nito!

Drowning Emotions (Isla Series #5)Where stories live. Discover now