CHAPTER 2: ANOTHER IDENTITY

80 4 12
                                    


Trina's Point of view

Pagkahatid ko kay Romeo pauwi ay naghanda na ako para sa trabaho ko. Alas otso ng gabi ang pasok ko sa trabaho kaya nagmadali akong magbihis dahil isang oras na lang.

Nagtatrabaho ako bilang waitress sa kilalang bar dito sa amin kaya yung uniform ko ay sobrang sexy na tingnan. Naglagay na ako ng mga kolorete sa mukha pagkatapos at aga-agad akong lumabas ng kwarto at nagpaalam kay Mama.

Paglabas ko ng bahay ay inaya akong tumagay ng mga lasinggero dito sa amin. Jusko! Nakaharang pa talaga sa daan.

"Trina, shot ka muna!" Napairap na lang ako sa kan'ya.

"Eh kung ishot ko yang ulo mo! Tabi malilate na ako." Bwisit! Ito yung mga panggulo sa barangay namin eh.

"Sungit talaga nito. Next time inom tayo ah, tapos pulutanin kita." Tinaasan ko s'ya ng kilay bago ako dumaan. Bastos talaga, may asawa ng tao nakikipaglandian pa sa iba.

**

Pagkarating ko sa club ay nagcheck-in na ako agad. Buti na lang nakaabot ako, kapag kasi nalate ka kahit isang minuto, thirty minutes na mababawas sa sweldo ko 'non.

"Girl, ikaw na nga magserve 'don sa makukulit na 'yon." Tinuro ni Sammy ang lamesang sinasabi n'ya. Medyo maingay dito dahil sa lakas ng tugtog. At medyo madilim din, tanging disco light lang ang nagbibigay liwanag dito.

"Wait lang girl ah, hayaan mo muna akong huminga kakarating ko lang."

Grabe s'ya, yun agad ang bungad. Halos takbuhin ko nga tong club para di malate eh.

Kinuha ko ang Tray, papel at ballpen ko saka tinungo 'yung lamesang sinasabi ni Sammy.

"Good evening Sir. May I take your order?" Napatingin sila sa akin at damn sarap dukutin ng mga mata nila.

"Pare mas maganda 'to, saka malaman," sabi no'ng isang lalake kaya pinigilan ko ang sarili kong irapan s'ya baka masisante pa ako. Actually sa araw-araw kong pumapasok dito. Sanay na ako sa mga gantong customer.

"Bigyan mo kami ng beer saka pinakamasarap n'yong pulutan."

Nilista ko ang mga order nila at saka nagtanong, "Anything else Sir?"

"Bigyan mo din ng mga ladies drinks 'tong mga bitch namin ngayon."

Kung ako 'yung nakaupo doon, maiinsulto talaga ako pero mas natuwa yata 'yong mga babaeng katable nila. Hays! Kapag pera talaga ang usapan kahit dignidad, ibaba ng iba makakuha lang nito.

"Okay Sir, I'll be right back."

Pumihit na ako patalikod pero hindi ko inaasahang may makakabunggo ako kaya nahulog ang nga dala-dala ko. Agad naman akong tinulungan ng lalaki saka inabot sakin ang mga nahulog ko. Pagtingin ko sa kan'ya ay para akong naistatwa sa aking kinakatayuan.

He's so freaking handsome and yet familiar!

"Thank you Sir."

Parang pamilyar talaga s'ya sa akin. Nagkita na ba kami dati? Sa school? O baka naging customer na s'ya dito minsan. Artista kaya s'ya? Kasi, damn sobrang gwapo n'ya. Mula sa mga mata, sa buhok na sinadyang ginulo pati yung labi parang sobrang lambot. Parang gusto ko s'yang... halikan.

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now