CHAPTER 11: Regrets

42 4 4
                                    

Zephyr Romeo's Pov

I went straight to the Bar after my class. Kailangan kong magchill dahil maraming nangyari sa akin sa araw na ito. Pagkapasok ko pa lang sa Bar ay umupo ako at umorder ng maiinom.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito. Luminga-linga ako para hanapin si Trina pero hindi ko s'ya makita.

"Here's your order sir." Nilapag sa akin ng babae ang mga inorder kong alak ng nakangiti. I know her, s'ya rin 'yong last time na nag-assist sa akin dito, kaibigan ni Trina.

"You're Sammy, right?" tanong ko na pinanlakihan n'ya ng mata.

"Oh my gosh, Sir! Naalala n'yo pa pala ako." Umupo s'ya sa tabi ko kaya medyo nagulat ako.

"Hinahanap n'yo si Trina noh? Ikaw ah." Sinundot-sundot n'ya ang tagiliran ko kaya medyo nailang ako sa kan'ya.

"Where is she?" tanong ko na pinagkunutan n'ya ng noo.

"Sir, hindi n'ya ba nasabi sayo? Nagresign na s'ya no'ng nakaraang linggo." Medyo nagulat ako sa sinabi n'ya. Dahil kaya sa akin kaya nagresign si Trina?

"Bakit daw?"

"Hindi n'ya sinabi sa akin, basta ang sabi n'ya, hindi na s'ya babalik dito. Siguro nag-away sila ng boss namin." Kumuha s'ya ng beef sa lamesa ko at sinimulang lantakan.

"Samahan mo muna ako, kwentuhan mo ko about sa kan'ya." Tumaas ang kilay n'ya sa akin kaya napangisi ako.

"Table lang, Sir. Hindi kasi ako nagpapagano'n." Sinenyas n'ya ang kan'yang kamay at sinundot-sundot ng daliri n'ya ang isang palad n'ya kaya natawa ako.

"Don't worry, table lang." Pagkasabi ko no'n ay agad s'yang tumawag ng waitress at umorder ng drinks n'ya.

Halos dalawang oras din kaming nagkwentuhan ni Sammy, pero kaunti lang ang alam n'ya kay Trina dahil dito lang din sila nagkakilala sa Bar.

Dalawang linggo ang nakalipas ng araw na malaman ni Trina ang totoong motibo ko sa kan'ya pero hindi ko alam parang may nagbago sa akin. Para akong nakokonsensya na dapat ay hindi ko nararamdaman.

Mabait si Trina, Iba s'ya sa mga babaeng nakilala ko. I was so stupid because it was too late for me to realize how important she is.

Sa school kanina I was about to talk to her. Sinundan ko s'ya hanggang sa garden pero nakita naman ako ni Liza at binlackmail n'ya ako, sasabihin n'ya ang lahat sa publiko ang nalalaman n'ya kung hindi ko s'ya iientertain kaya I have no choice but to kiss her and sex with her pero hindi natuloy dahil biglang dumating si Trina.

Liza is so desperate woman, hindi n'ya ako titigilan hangga't hindi n'ya nakukuha ang gusto n'ya sa akin. I'm starting to get annoyed with her. What if I kill her? Nah, too early for that.

"Sir?" Napatingin ako kay Sammy dahil sa pagtawag n'ya kinaway-kaway pa n'ya ang kamay n'ya sa mukha ko.

"Tulala ka na d'yan, huwag mo ng isipin 'yon, mahal ka no'n." Napangiti na lang ako sa sinabi n'ya.

'I hope so' sabi ko sa aking isip.

___

Nakailang bote na kami ni Sammy pero hindi namin masyadong maramdaman ang tama ng alak dahil nagkekwentuhan kami at malakas din ang tugtog sa loob ng bar na ito.

Nakita ko si Andrew na palalapit at parang problemado. Umupo s'ya  lamesa namin ni Sammy.

"What's the matter?" tanong ko sa kan'ya at saka kinuha ang baso ko para uminom.

"Dad told me to let go this bussiness of mine." He said.

"No way!" Binaba ko ang baso ko at napatingin din ako kay Sammy.

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now