CHAPTER 5: Two-Faced

50 5 7
                                    

Trina's Pov

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makapagsalita. Ano ba nangyayari? Nakakatakot ang Papa ni Zep, galit na galit ito.

Bumangon si Zep at pinunasan ang dugo sa kan'yang labi. Napatingin ako sa Papa n'ya at lalo akong kinabahan no'ng nakatingin na din sakin 'to ngayon.

"At dinala mo pa talaga dito ang babaeng 'yan?!" Shit! Mukhang wrong timing yata ako. Pwede bang umalis na lang?

"She's the girl on that video, right? 'Yong dahilan kaya nakilala ka ng mga kalaban natin?" Anong video? 'Yon ba 'yong kanina?

"Dad, mamaya na lang natin 'to pagusapan," mahinahong sabi ni Zep sa Dad n'ya.

Humarap sa akin ang Dad n'ya at nakakaintimidate ang mga tingin n'ya, tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Anong business ng pamilya mo?"

"W-Wala po." Nakita kong ngumisi s'ya atsaka tumingin kay Zep.

"Escort her out." Tumingin ako kay Zep, at sinasabi sa kan'yang Ihatid n'ya na ako sa pamamagitan ng tingin kaso mukhang hindi n'ya ako nage-gets. Tang*na kabadong-kabado na ako.

"No!" matigas na sabi ni Zep. Ano ba naman Zep! Hindi ka marunong makaramdam.

"Sinusuway mo na ba ako ngayon?"

"Dad, she's my girlfriend." Anak ng putakte. Ano bang kagaguhan ang naiisip nitong lalakeng 'to. Hindi man lang inisip 'yong kalagayan ko dito.

"S-sir. Hindi n'ya po ako g-girlfriend." Kumunot ang noo n'ya.

"You should be." sabi n'ya sa mukha ko. Kanina pa ako naiinsulto. Porke ba mahirap kami, gan'to na lang kami tratuhin ng mga mayayaman?

"Pinapayagan kitang makipaglaro, pero ayokong mapunta ka sa kung sinu-sinong babae lang! Ikaw lang ang tagapagmana ng pamilyang ito kaya magtino ka!" Konti na lang maiiyak na ako. Humugot ako ng lakas ng loob at nagsalita.

"A-Alam ko po mahirap lang kami, pero kahit hindi ako girlfriend ni Zep ngayon, wala pa rin po kayong karapatan manghimasok sa buhay n'ya."

Tumingin sila sa aking dalawa at naramdaman kong hinawakan ni Zep ang kamay ko na naging dahilan para tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"Sino ka para pagsalitaan ako ng gan'yan?" Isang malaking kalokohan na sumama pa ako dito, hindi ko akalaing maiinsulto ako ng ganito kalala.

"Wala rin po kayong karapatang pagsalitaan ako ng ganyan," sagot ko. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob pero hindi ako makakapayag na maliitin lang taong hindi ko naman kaanu-ano. "Aalis na po ako Sir, huwag po kayong magalala dahil hindi ko pinangarap mapasama sa pamilya n'yo dahil hindi po ako ambisyosong tao." Ngumisi s'ya at mabilis akong tumalikod para umalis sa mansyong ito. Pinunasan ko ang luha ko at agad-agad lumabas ng gate.

Maglalakad lang ako ngayon pauwi dahil bente pesos lang ang pera ko sakto pang jeep. Bwisit kasi! Ang layo-layo pa no'ng bahay nila.

"Trina!" Narinig kong tumawag sa likod ko si Zep pero hindi ko s'ya nilingon.

"Trina, wait." Lalo kong binilisan ang lakad ko pero naabutan pa rin n'ya ako. Hinatak nya ng marahan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya ng lumuluha.

"I-Im sorry." Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi n'ya.

"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi lang kita nakilala, siguro hanggang ngayon, hindi ko mamaliitin ang sarili ko!" bulyaw ko sa kan'ya, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Natamaan kasi ako ego ko, ang sakit sa pakiramdam kapag nasabihan ka ng gano'n ng ibang tao.

THAT NERD IS A BILLIONAIREHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin