CHAPTER 6: Date

44 5 6
                                    

Zephyr Romeo's Pov

"May kakilala ka bang Zephyr?" Hindi ko inasahang itatanong n'ya sa akin 'yon pero hindi ako nagpahalatang nagulat ako.

"Sinong Zephyr?" nakangiti kong tanong.

"Ang weird lang kasi, may kakilala kasi akong lalake na kaparehong-kapareho mo, actually kapag nakikita kita, s'ya agad ang unang pumapasok sa utak ko." Hindi ko inalis ang ngiti sa aking labi para hindi s'ya makahalata.

"Nililigawan ka din ba n'ya o baka naman crush mo s'ya?" Pinalungkot ko ang aking mukha.

Nakita kong namula s'ya at nataranta sa aking sinabi. Napangisi ako sa aking isip.

"A-ano?! Hindi noh!" Defensive.

"Mabuti naman, Trina. Hindi pa nga ako naguumpisang manligaw, may karibal na ako agad."

Hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kan'yang pisngi. Tinitigan ko s'ya ng maigi, sa lahat ng babaeng nakilala ko si Trina lang ang nagiisang babaeng nakakuha ng interes ko. Para s'yang isang challenge na kailangan ko mapagpanalunan. Lahat kasi ng babaeng nakilala ko, sila agad ang gumagawa ng first move para matikman ako kaya hindi na ako nahihirapan.

Pero si Trina, kakaiba. Kahit nakita n'ya na ako sa katauhang Zephyr, hindi pa rin s'ya tinablan o baka magaling lang s'yang magtago ng nararamdaman.

"Huwag mo na ngang pansinin 'yong sinabi ko." medyo alinlangan pa n'yang sabi sa akin.
Napatango na lang ako sa kan'ya.

"Trina, I'll go ahead, malapit na kasing mag-alas dyis." sabi ko sa kan'ya kaya agad n'ya akong hinatid sa labas, sumama na rin ang kan'yang mama.

"Magiingat ka, Romeo." Paalam sa akin ni Trina. Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinalikan ito at sabay yakap sa kan'ya. Wala akong pakialam kung nakikita pa ito ng kan'yang ina. Pagbitaw ko sa pagkakayakap ay nagsalita ako.

"Magkita tayo bukas, wala naman tayo pasok, mamasyal tayo." Hindi nagsalita si Trina sa sinabi ko at nakatingin lang sa kamay n'yang hawak-hawak ko pa, namumula din ang kan'yang pisngi n'ya.

___

Trina's pov

"Romeo, Tara! Doon naman tayo." sigaw ko sa kan'ya.

Hinatak ko ang kamay n'ya at hinila s'ya para pumila. Nae-excite ako kapag nakikita ko ang mga nakasakay sa Extreme na nagsisigawan.

Nandito kami ngayon sa Enchanted kingdom dahil sabi n'ya mamasyal daw kami. Pinapili n'ya ako kung saan ko gusto pumunta, syempre ek na ito. Namiss ko nang pumunta dito eh, huling tapak ko dito, bata pa ako.

"B-Bakit d'yan?" tanong ni Romeo habang nakatingala, sa mga nakasakay.

Umaakyat ito ng dahan-dahan, at ang mga nakasakay dito ay nakapabilog at kapag narating na ang pinakatuktok nito ay babagsak 'to ng sobrang bilis.

Tinignan ko si Romeo at parang hindi s'ya mapakali kaya natawa ako sa aking isip. "Don't tell me? Takot ka d'yan?" Pangaasar ko sa kan'ya.

Namula s'ya at hindi makatingin sa akin ng maayos, ang cute.

"O-Ofcourse not! Baka lang kasi magkaroon ng aksidente, hindi natin masasabi 'yan." Palusot pa.

"Ang tagal-tagal na nitong Ek at ni isa walang naaksidente dito."

"Hindi natin 'yan masasabi." Tumingin ako sa extreme ride nang makita bumagsak na ito, it means kami na ang susunod kaya lumawak ang ngiti ko, hindi ko mapigilang maexcite.

"Tara na." Pag-aya ko sa kan'ya kaya wala na s'yang nagawa.

"Are sure you about this? Meron naman carousel dun sa kabila." sabi ni Romeo habang kinakabit na ang mga seatbelts namin.

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now