CHAPTER 3: A NIGHT WITH A STRANGER

79 4 10
                                    

Trina's Point of view

"Baby, are you okay?"

What? Baliw ba 'to? Kailan ko s'ya naging boyfriend? Piniglas ko ang kamay ko at pinanlakihan s'ya ng mata.

"Trina! What did you do?" Bwisit! Kung minamalas ka nga naman dumating pa 'yong may-ari ng bar na ito. Masisesante pa yata ako.

Lumapit s'ya sa akin at hinanda ko ang sarili ko para magpaliwanag, yumuko ako dahil sa hiya.

"S-Sir Andrew, I'm sorry. Ganto po kasi yan, si Sir po kasi—"

"Dude?" Naputol ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Sir.

Huh? Anong dude? Tumingin ako sa kan'ya, pero hindi s'ya sa akin nakatingin kundi sa katabi ko.

"Dude! It's you. How did you get here?" Okay, magkakilala pa sila.

"I'm actually looking for you, sabi kasi ng Dad mo may-ari ka na daw ng isang bar," sagot ng katabi ko sa kan'ya.

"Really? Namiss kita ah. Kumusta ka na?"

"I'm good, nagaaral ako ngayon sa Ashton University." Napatingin ako sa katabi ko dahil sa sinabi n'ya. So, doon din pala s'ya nagaaral, kaya pala pamilyar s'ya.

"Nagaaral? Graduate ka na di ba?" tanong naman ng boss ko. Anong graduate? Nagaaral nga daw doon. Shunga rin pala 'tong Boss ko eh.

"Long story."

"I did'nt know na kakilala mo si Trina?" Napalunok ako dahil sa akin na napunta topic nila.

"Yeah, I'm actually her boyfriend." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi n'ya kaya siniko ko s'ya. "Ouch!" daing n'ya.

"Hindi po sir, wag po kayo maniwala dyan," tanggi ko na may kasama pang pagkawag ng kamay.

"Hindi naman kita masisisi. Trina is georgeous." Namula ako dahil sa sinabi ni Boss.

Pero hindi ko nga sya boyfriend eh. Kulit din pala nito.

"Gusto mo ba uminom? Treat ko na," sabi ni Sir Andrew sa kan'ya at humarap sa akin, "Trina assist your boyfriend, may pupuntahan lang ako saglit, babalik ako."

"Pero sir, hindi ko nga s'ya b-boy—" Napakamot na lang ako ng ulo nang tuluyan na s'yang nakaalis. Tinignan ko naman ng masama tong kasama ko.

"Ano bang problema mo?" inis kong tanong sa kan'ya.

"Hindi mo muna ba ako pasasalamatan?" ngiti n'yang tanong.

Tinignan ko 'yung bastos kaninang lalake at no'ng nakita n'yang nakatingin ako ay umiwas naman s'ya ng tingin. Feeling matapang tiklop naman pala.
Inirapan ko na lang s'ya at humanap ng pwesto para dito sa boyfriend kuno ko.

***

Nang makabalik si Sir Andrew ay tumayo na ako.

"Where are you going, Trina?" tanong ni Boss sa akin.

"Balik na po ako trabaho."

"No need, umupo ka na dito. Para makapagkwentuhan tayo ng boyfriend mo. Don't worry, di ko kakaltasan sweldo mo."

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now