CHAPTER 14: DISASTER

120 8 10
                                    


Trina's pov

Pagkatapos ng meeting namin kanina ay dumiretso na ako pagkauwi sa bahay kasama ko si Zep na nag-ala Romeo dahil sa suot n'yang disguise.

Namimiss na daw n'ya si Mama kaya gusto n'yang sumama pauwi.

Alam kong mali na patawarin agad si Zep sa ginawa n'ya sa akin pero masisisi n'yo ba ako kung gano'n ko s'ya kamahal?

At nararamdaman kong may dahilan s'ya kung bakit n'ya 'yon nagawa sa akin. Siguro hindi pa s'ya handang sabihin ang lahat pero maghihintay ako para makikilala ko na s'ya ng lubusan.

Pagkahinto namin sa tapat ng bahay ay nagmadali s'yang bumaba ng kotse at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you!" sabi ko sa kan'ya habang nakangiti at inaalalayan naman n'ya akong bumaba.

"You're always welcome, mahal ko." Lalo akong napangiti dahil sa pagtawag n'ya sa akin ng 'Mahal ko'.

"Bakit nga pala suot mo pa 'yang disguise mo?" may halong pandidiring turo ko sa kan'ya.

"Kasi baka magulat si Tita kapag ibang lalake na naman ang ipapakilala mo." sagot n'ya sabay akbay sakin.

"Kamay mo!" Pinandilatan ko s'ya ng mata kaya agad n'yang tinanggal ang kamay n'ya.

'Yong itsura n'ya parang hindi makabasag pinggan pero kung makipaglandian parang daig pa ang pinakaplayboy sa buong mundo.

"May karapatan akong hawakan ka. I'm your boyfriend anyway." Tiningnan ko s'ya habang nakataas ang kilay.

"Sino nagsabi na boyfriend kita?" tanong ko na pinagkunutan n'ya ng noo.

"What are you saying? Akala ko ba okey na tayo?"

"Pinapatawad na kita pero hindi ibig sabihin no'n na tayo pa rin." Lumungkot ang kan'yang mukha kaya pinigilan kong matawa.

"Trina naman eh!" parang batang maktol n'ya.

"Huwag kang makulit, papaluin kita sa p'wet." Bigla s'yang ngumisi kaya nagtaka ako. Lumapit s'ya sa akin kaya naamoy ko ang pabango n'ya. Nilapit n'ya ang bibig n'ya sa tenga ko.

"Gusto ko 'yon, spank me, baby." bulong n'ya na halos ikalaglag ng panga ko.

"Eww, pervert!"

Hindi ko alam kung saan n'ya nakukuha ang mga banat n'yang 'yan pero everytime na may gawin s'yang katulad n'yan hindi ko maiwasang mapakali.

"You're blushing! Cute." He chuckles.

Tumalikod ako sa kan'ya at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Hindi kaya!"

Humalakhak s'ya sa likuran kaya pakiramdam ko parang masusunog na ako sa sobrang init.

Ang lakas talaga mangasar, palibhasa hindi ko s'ya mabanatan ng gan'yan.

Hinarap n'ya ako sa kan'ya at niyakap.

"Thank you for giving me another chance, Trina." mahinang sabi n'ya sa akin.

"I'll promise from now on, mamahalin na kita ng totoo at wala ng makakapaghiwalay pa sa atin." Kumalas s'ya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa labi.

"Ehem!" Nagulat kaming dalawa ni Zep dahil doon at tumingin sa pinto.

Nakita namin si Mama na nakatayo, nakakrus ang mga braso at nakataas ang kilay sa aming dalawa.

"Anong ginagawa ng lalakeng 'yan dito?" mataray na tanong ni Mama sa akin pero kay Zep naman nakatingin.

THAT NERD IS A BILLIONAIREOnde histórias criam vida. Descubra agora