CHAPTER 9: Strike

39 4 5
                                    

Trina's pov

"I want to take this opportunity to formally introduce my son, the real owner of Ashton University, Zephyr Romeo Anderson." Napatingin kaming lahat kay Zep, umakyat s'ya sa stage at nakapoker face s'ya na lumapit sa kan'yang ama.

Nagsigawan ang mga tao lalo na ang mga babae. Ilang minuto s'yang nakatayo doon, nakita kong binulungan s'ya ng kan'yang ama at kasabay no'n ang pagtingin n'ya sa akin.

Hindi ko maiwasang magtakha dahil sa kan'yang mga titig, parang malungkot at may takot sa kan'yang mga mata.

"Let's start the event!" Iyon lang ang sinabi n'ya at bumaba na s'ya.

"Trina!" Tinawag ako ni Gail na pawis na pawis at hingal na hingal.

"Kanina pa kita hinahanap, nagagalit na si Pat." Napairap ako saka sumunod sa kan'ya.

"Where the hell did you go?! Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ni Pat sa akin pagkarating ko sa backstage.

"Huwag kang magalala, hindi ako tatakbo." Inirapan n'ya lang ako.

Nagsalita na ulit ang MC sa stage at patagal ng patagal ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Minasahe ko ang mga kamay ko para maibsan ang panginginig.

"Let's welcome, Trina Salvador!" 'yan lang ang narinig kong sinabi ni MC dahil nakapokus ako sa pagkakabisa ng lyrics para hindi ako magkamali.

Lumapit ako sa stage, at tumingin sa mga tao. Nagsigawan at nagpalakpakan ang iba. Ang iba naman ay tila walang pakialam. Napatingin ako sa mga nakaupo sa harapan, si Zep at ang daddy n'ya. Nakatitig sila sa akin na lalong nagpapadagdag sa kaba ko.
Nakangiting inabot sa akin ng MC ang microphone, at nanginginig na kinuha ko 'to.

Pumikit ako sandali at pagmulat ng mata ko ay pagtugtog ng musika.

~I'm jealous of the rain
That falls upon your skin.

Tumahimik ang mga tao ng magsimula na akong kumanta.

~'it's closer than my hands have been, I'm jealous of the rain, Im jealous of the wind, that ripples through your clothes.

This song reminds me of Dad, kahit hindi ko s'ya nakilala, inaalay ko pa rin ito sa kan'ya.

~It's closer than your shadow
Oh, I'm jealous of the wind.

Seryosong nakatingin sa akin ang Daddy ni Zep, at tinitigan ko s'ya sa mata habang kumakanta.

~ 'Cause I wished you the best of all this world could give
And I told you when you left me
There's nothing to forgive
But I always thought you'd come back tell me all you found was heartbreak and misery~

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko, pero pinigilan ko ang sarili kong mapiyok at mabasag ang boses.

~it's hard for me to say
I'm jealous of the way
You're happy without me

~It's hard for me to say
I'm jealous of the way
You're happy without me.

Natapos ang kanta at parang may dumaan na anghel dahil sa sobrang tahimik.

"Thank you po!" sabi ko sa kanilang lahat at parang nasa concert ako dahil sabay-sabay silang tumayo at nagpalakpakan na nagpangiti sa akin.

May mga sumigaw pang 'ang galing ko daw'.

"Wow! What an amazing voice!" sabi ng MC pagkabawi n'ya ng mikropono sa akin.

Nakatingin pa rin ako sa mga tao at napakunot ang noo ko ng may napansin akong kakaiba sa likod.

THAT NERD IS A BILLIONAIREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora