Chapter 17: Enemy's Identity

49 2 7
                                    

Trina's Pov

"Welcome, Mr. Anderson. It's pleasure to assist you today." bati ng isang empleyado dito sa botique na pinuntahan namin.

"Thank you," sagot ni Zep sa kan'ya.

Pumasok kami sa isang malaking room na kaming tatlo lang ang tao kasama ang babaeng mag-aassist sa amin. Punong puno ng mga damit na magagara at parang mamahalin.

Umupo ako sa couch na nasa gitna at pinapanood lang si Zep na pumili ng mga susuotin daw namin habang nakasunod sa kan'ya ang babae.

Kinuha n'ya ang isang Long white dress at ibinigay sa akin.

"Anong gagawin ko d'yan?" tanong ko habang nakatingala sa kan'ya.

"Labhan mo, mahal." Inirapan ko s'ya saka kinuha ang damit at pumasok sa dressing room.

Nakuha pang mag-joke ng mokong na 'yon.

Pagkasuot ko ng damit ay tumingin muna ako sa sarili kong repleksyon. Napanganga ako sa itsura ng damit, oo maganda s'ya kaso medyo revealing. May mahabang cut sa ibabang bahagi at nakikita ang isang legs ko. Sa bandang itaas naman nito ay walang strap kaya nakikita ang strap ng bra kong suot, nakasira tuloy ito sa ganda ng damit.

Tinanggal ko ang bra ko at lumitaw ang makinis kong balikat at dibdib.

Ilang minuto muna akong nagtagal sa loob bago lumabas ng dressing room.
Pagkalabas ko nakita ko si Zep na nakabihis na at napasimangot ako dahil doon.

Mabuti pa ang mga lalake walang masyadong kailangang ayusin sa sarili.

Nginitian ako ni Zep at lumapit sa akin.

Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa, at nakita kong napangiwi s'ya pagtingin n'ya sa paa ko, nakasneakers kasi ako, napayuko tuloy ako dahil sa hiya.

"Mas bagay siguro sayo ang one inch heels." sabi n'ya at inutusan ang babae na kumuha ng mga heels.

Umupo ulit ako sa couch at nagsimulang magsukat. Inayusan na rin ako ng buhok at minek-upan.

Pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa sa akin ay tumingin ako sa sa malaking salamin sa kwarto. Parang hindi ko makilala ang sarili ko.

"Don't act surprise, mahal. Alam kong alam mong maganda ka." Hinampas ko s'ya sa braso dahil sa mga sinabi n'ya. Namula tuloy ako bigla.

"Teka, bakit ba kailangan gan'to pa kagara ang suot natin." tanong ko sa kan'ya.

"Makapangyarihan at maimpluwensyang tao ang dadalo sa party na 'yon. Kailangan nating maging presentable para makihalubilo tayo sa kan'ya." Napatango na lang ako at tumingin ulit sa repleksyon ko. Nakasuot na rin pala ako ng mga alahas, actually hikaw at bracelet lang naman na sigurado akong hindi mumurahin.

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga dahil kinakabahan ako sa mangyayari. Mamaya marami kaming makikilalang kaaway at hindi mawala sa isip ko na baka magkaroon ng gulo at magkabarilan kagaya ng nangyari sa school dati.

Nagulat ako ng maramdaman kong yumakap sa akin si Zep mula sa likod. Tinignan ko s'ya mula sa repleksyon ng salamin.

"Don't worry mahal ko, everything will be alright." Napangiti ako sa kan'ya, sa 'di malamang dahilan bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko.

--

Dahil napapansin ni Zep na hindi ako mapakali ay tinawagan n'ya ang mga tauhan nila at pinasunod sa amin. Dalawang kotse ang pinasunod n'ya.
Ang isang kotse ay pinauna n'ya sumunod kami at ang isa naman ay nasa likod namin.
Hindi na si Zep ang nagdadrive, inutusan n'ya ang isa na ipagdrive kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THAT NERD IS A BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon