CHAPTER 10: Revelation

48 4 8
                                    

Zephyr Romeo's pov

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Kahit masakit pa ang aking katawan ay pinilit kong makabangon dahil nakita kong hindi pamilyar ang kwartong hinihigaan ko.

"Dad?" tawag ko kay Dad no'ng makita ko s'yang nakaupo sa gilid ng kwarto habang nagbabasa ng dyaryo.

"You're awake." Lumapit s'ya sa akin at umupo sa kama ko.

"Where are we?" tanong ko habang nakatingin sa paligid ng kwarto. Hindi kaaya-aya ang itsura nito parang matagal ng walang nakatira.

"Hindi mo ba naaalala ang bahay na ito?" Napakunot ang noo ko at biglang pumasok sa isip ko ang mga alaala.

"Is this our old house?" ngumiti s'ya bilang pagsagot.

"Bakit mo ako dinala dito?" I asked.

"Sorry, son. Hindi muna dapat kita ipinakilala sa publiko. Napahamak ka dahil sa akin. Kaya itinago muna kita."

"But Dad, wala kang kasalanan sa nangyari." sabi ko at hinawakan s'ya sa balikat.

"Frow now on, you have to stay here." He said.

"But Dad, I can't. Marami akong dapat gawin." pagmamatigas ko.

"Hindi ko kayang malagay ulit sa peligro ang buhay mo, sundin mo na lang ako. Ako na bahala sa mga kaaway natin."

Tumayo ako habang hawak-hawak ang balikat ko na tinamaan ng bala.

"Slowly." Inalalayan ako ni Dad sa pagtayo.

"I'm fine Dad, and I still can wear my disguise. Hindi nila ako makikilala."

Tumayo si Dad at tumingin sa mga mata ko.

"Can you please stop now." sabi n'ya sa mahinahong boses.

Natawa ako ng mapait, hindi na ako pwedeng umatras ngayon.

"Are you serious? Ikaw ang may gusto nito." medyo malakas kong pagkakasabi sa kan'ya.

"Kaya nga, gusto ko na itigil mo na ito. Matagal na akong nakamove-on sa Mama mo."

Hindi ko na napigilang mapatawa ng malakas, naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.

"Why so selfish, Dad! Itigil ko na ito kasi nakamove-on ka na?!" Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga mata ko at tumingin sa kan'ya. "Paano ako? Hanggang ngayon sariwa pa rin sa mga alala ko kung paano tayo niloko ng babaeng 'yon. At hindi ako makakapayag na magiging madali ang buhay ng mga babaeng makikilala ko."

"Do you love Trina?" tank g n'ya na nagapakunot sa noo ko.

Bakit napasok ang babaeng 'yon sa usapan.

"What?"

"Katulad din ba si Trina sa babaeng gusto mong saktan at pahirapan kagaya ng ibang babae?" tanong n'ya.

"Yes! And I will do everything to destroy her, and every girl that I meet. Magpapanggap akong mahal na mahal ko s'ya bilang sa katauhan ni Romeo na Nerd, at kapag nahulog na s'ya sa akin ng tuluyan saka ko wawasakin ang buhay n'ya. Gaya ng ginawa sayo ng babaeng 'yon!"

Hindi ko na napigilang sigawan s'ya. Kapag naalala ko ang nakaraang 'yon, hindi ko maiwasang magngit-ngit dahil sa galit. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakikipaghiganti sa babaeng 'yon. Kung hindi dahil sa kan'ya sana masaya pa kami at buo ang pamilya namin ngayon.

"Son, I'm sorry." Kumunot ang noo ko dahil sa pag-sosorry n'ya.

What did he do?

Napatingin ako sa pinto dahil sa pagdabog na pagbukas nito at pumasok ang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko dito.

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now