CHAPTER 4: Encounter

57 5 8
                                    

Trina's pov

Naglalakad ako sa field ng university para pumunta sa rooftop para magpahangin. Masyadong mahaba pa ang oras sa susunod na klase kaya naisipan ko munang tumambay doon, ayoko naman sa canteen dahil masyadong maingay. Ayoko naman sa library dahil maraming nakatingin.

Nakasalubong ko si Jackson ang bwisit kong ex, iiwasan ko sana s'ya pero hinarangan n'ya ang daanan ko.

"Let's talk." Kapal din ng mukha neto eh no.

"Lumayas ka nga sa harapan ko!" Bulyaw ko sa kan'ya pero parang hindi s'ya natinag.

"Nakipagbreak na ako kay Pat. Wala na kami kaya plese bumalik ka na sa akin."

Wow, as in wow.

"Naririnig mo ba sarili mo? Jackson, alam mo? Ikaw na yata ang pinakawalang kwentang lalakeng nakilala ko. I've trusted you, alam mo ba 'yon? Ikaw kasi ang first boyfriend ko eh. Nung niligawan mo ko sabi mo sa akin gagawin mo ang lahat para mapasaya ako. Bullshit! Sobrang saya ko nga eh. Kita mo 'to?" Tinuro ko ang luhang lumandas sa mga mata ko.

Oo, kahit medyo matagal na yung nangyari, hindi ko pa rin maiwasang malungkot kasi minahal ko talaga s'ya. Ang tanga ko lang sa part na nasabik akong magkaboyfriend dahil nga NBSB ako. Tapos eto pa makukuha ko.

"Tears of joy yan!" Sarcastic kong sabi sa kan'ya.

"I'm sorry." Tangina parang labas pa sa ilong ah.

"Enough! Please, hayaan mo na ako."
Gusto ko na sanang umalis pero hinatak n'ya ako kung saan.

Dinala n'ya ako malapit sa hallway malapit sa locker room. Tss, nahihiya yata s'yang magkaroon ng eskandalo kaya n'ya ako dinala dito.

"Please Trina, give me another chance. I still love you." Talaga lang ha.

"Kung talagang totoo 'yang sinasabi mo, hindi ka na maghahanap ng iba." Nakatingin lang ako sa kawalan habang kinakausap s'ya. Hindi ko s'ya kayang titigan dahil nakakasuka s'ya.

"Bakit? Dahil ba mayron ka ng iba? Huh?" Tumingin ako sa kan'ya at tinaasan s'ya ng kilay.

"Oo, may boyfriend na ako." Pagsisinungaling ko. Kinabahan ako nung biglang nagbago ang ekspresyon, nakakatakot s'ya napaatras ako dahil doon.

"Sa tingin mo makakapayag akong mapunta ka sa iba?" Ngumisi s'ya na nagpataas ng balahibo ko. Shit hindi na si Jackson na kilala ko.

"J-jackson, alis na ako."
Hinawakan n'ya ang kamay ko ng mahigpit kaya napangiwi ako.

"Baby?" Napatingin ako sa tumawag sa akin. At hindi ko inaasahan ang makikita ko si Zephyr.

"What's happening here?" Tanong ni Zep pagkalapit n'ya sa amin.

"Who the hell are you?" Tanong ni Jackson kay Zep.

"I'm her boyfriend. And who the f*ck are you? Bakit mo s'ya hinahawakan?"

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakit ganon, parang pakiramdam ko merong hindi magagandang mangyayari. Kilala ko si Jackson, hindi s'ya nagpapatalo.

"Boyfriend? But she's mine." Hinatak ako ni Jackson para ilayo ako kay Zep.
Pero hinatakan din ako ni Zep sa kabilang kamay.

"Saan mo s'ya dadalhin?" Tanong ni Zep.

"It's none of your business."

Busy sila sa pagpapakitang gilas kung sino ang mas matapang sa kanila, habang ako nasasaktan na dito.

"Hoy! Mga siraulo. Mukha bang squid game 'to? Ginawa n'yo kong lubid sa tug of war! Bitiwan n'yo ko!" Agad naman silang bumitaw dahil sa pagsigaw ko. Napansin ko rin na marami na rin palang nakatingin sa aming mga estudyante.

THAT NERD IS A BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon