CHAPTER 13: Antagonists

73 7 4
                                    


Trina's pov

Alas siyete na ng umaga pero nagbibihis pa rin ako sa aking kwarto. Kinuha ko sa aparador ko ang pencil skirt na hanggang tuhod ko pati na rin ang blouse kong kulay pink na matagal ko ng hindi nagagamit. Gusto ni Zep na blazer ang isuot ko pero hindi ko s'ya sinunod, wala kami sa administrative office para magsuot ng gano'n.

Nilugay ko ang buhok na kadalasan ay tinatali ko ng pony tail, para maiba lang.

Bago ako lumabas ng kwarto ay sinuot ko ang one inch na heels ko at kinuha ang bag na madalas kong gamitin.

Bago ako umalis ay nagpaalam ako kay Mama, nagtaka pa s'ya sa itsura ko pero pinaliwanag ko na lang din na may bago na akong trabaho.

Habang naglalakad papuntang sakayan hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi. Tumingin ako sa mga poste kung merong mga cctv para matrace kung sino man 'yong sumusunod sa akin.

At kung sineswerte ka nga naman, may mga cctv pala dito. Kakausapin ko mamaya ang may-ari ng mga 'yan para mapanood kong muli ang nangyari.

Pagdating ko sa bar ay nakasarado pa ito pero nakita ko ang kotse ni Zep sa harapan kaya I expect na nasa loob na s'ya. Dumaan ako sa maliit na pinto para pumasok at dumiretso sa office n'ya.

"Good Morning, Sir!" bati ko sa kan'ya pagkabukas ko ng pinto. Nakanganga s'yang nakatingin sa akin parang namumula pa, anong problema nito?

Pasimple ko na lang s'yang inirapan at lumapit sa harapan ng lamesa n'ya.

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong sa kan'ya pero nakatulala pa rin s'ya sa akin kaya sinampal ko s'ya ng mahina.

"Ouch!" reklamo n'ya habang nakahawak sa pisngi n'ya. Natawa ako sa itsura n'ya, para s'yang batang binully.

"Making fun of me, huh."

Sumeryoso ako ng upo at tumayo s'ya. Nakasuot s'ya ng formal attire. Para tuloy kaming mga sira-ulo. Imagine, bar lang pinapasukan namin, pero 'yong mga ayos namin para kaming nagtatrabaho sa malaking kumpanya.

"Ipapakilala kita sa mga empleyado ng bar, mga alas dyis, nandito na sila." Hindi ko maiwasang kabahan. Naalala ko na kasama sa pinirmahan kong kontrata ang pagiging manager sa bar. Ano kaya sasabihin ng mga manager na masungit sa akin, gayong kapantay ko na sila?

"May two hours pa tayo, kaya magbreakfast muna tayo sa labas." Sinamaan ko s'ya ng tingin sa sinabi n'ya.

"Busog ako!" sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko. Kung gusto n'yang kumain, bakit hindi s'ya kumain magisa?

"But I'm starving! Hindi rin ako nakakain kagabi, kasi anong oras na ako nakauwi, napagod kasi ako." Napatingin ako sa sinabi n'ya.

"Saan ka ba galing kagabi?" tanong ko sa kan'ya.

"Why would I tell you?" Naningkit ang mata ko sa kan'ya.

Si Zep ba ang sumusunod sa akin kagabi?

Tumayo ako at umiikot-ikot sa kan'yang harapan, inaalala ko ang tindig at postura ng sumusunod sa akin at kinukumpara sa kan'ya.

Kinapa ko ang kan'yang dibdib at napailing.

Hindi s'ya 'yon, sigurado ako. Magkaibang-magkaiba sila ng built ng katawan. Si Zep masyadong perfect ang built ng katawan pero 'yong sumusunod sa akin parang medyo petite.

"W-What are you doing?" Napatingin ako kay Zep pagkasabi n'ya no'n, pulang-pula ang mukha n'ya.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na nakahawak pa rin pala ang dalawang kamay ko sa dibdib n'ya.

Sh*t!

Lumakas ang tibok ng puso ko no'ng kinabig n'ya ang balakang ko papunta sa kan'ya at nilapit ang kan'yang mukha sa mukha ko.

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now