Chapter 16: DOUBT

45 3 9
                                    

Trina's Pov

Pagpasok ko sa bahay ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa namin. Napagod ako ngayong araw at halos walang tulog. Tumingin ako sa orasan, alas onse na ng gabi kaya sigurado akong tulog na si Mama.

Kinuha ko ang phone sa bag ko at tiningnan kung may message na ba mula kay Romeo, pero still wala pa rin. Tumayo na lang ako para uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref namin at tinungga ang pitsel na may lamang tubig roon.

Pagkasara ko ng ref ay halos atakihin ako sa puso dahil sa babaeng nakatingin sa akin at parang mangkukulam dahil sa gulo ng buhok.

"Mama!!" sigaw ko sa kan'ya.

Pahikab-hikab pa s'yang tumalikod sa akin at umupo sa sofa na inuupuan ko kanina.

"Anong nangyari sa kaibigan mo?" Hawak-hawak ko pa ang dibdib ko dahil hindi pa ako nakakarecover sa pagkagulat ko sa kan'ya kanina.

"Bakit gan'yan itsura n'yo?" Pakamot-kamot pa s'ya sa kan'yang ulo.

"Hinihintay kasi kita kanina eh, kaso ang tagal mo umuwi kaya nakatulog na ako... Timpla tayo kape 'Nak." sabi n'ya. Agad akong nagtimpla ng kape para sa aming dalawa at kinuwento sa kan'ya ang mga nangyari hanggang sa dalawin kami ng antok.

___

Nagising ako dahil sa pagtunog ng alarm ko, agad akong tumayo at kinuha ang phone para icheck kung may message na ba si Romeo at still wala pa din. Damn! What the hell happened to him? Did he forgot na may girlfriend s'ya? Humanda talaga sa akin 'yang lalake na 'yan.

May klase ako ngayong araw pero mas pinili ko na lang magditch ng class at pumunta sa Marcus bar para hanapin ang damuhong 'yon.

Agad akong dumiretso sa office n'ya at nakakapagtakang wala s'ya dito. Inisip ko na baka na sa bahay pa s'ya pero alam ko na dito s'ya natutulog since may kwarto naman dito.

"Saan kaya s'ya pumunta?"

"Si Sir Zephyr ba?"

"Sh*t!" Mura ko kay Sammy dahil sa biglaang pagsulpot n'ya sa likod ko.

"Hehe, sorry, nagulat ba kita?" Inosente n'yang tanong.

"Bes, nakita mo ba si Sir?"

"Maaga s'yang pumasok dito pero umalis din s'ya kaagad." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.

"Huh? Saan daw s'ya pupunta?"

"Hindi ko alam pero hindi s'ya mapakali at parang nagmamadali s'ya tapos bago s'ya umalis narinig ko s'yang nagsalita."

"Ano sinabi?" Tanong ko sa kan'ya. Tumingin s'ya sa mga mata ko at ngumiti.

"Sabi n'ya, 'I need to tell her this.'"

"Huh?" Nagugulahan ako sa kan'ya.

"Tawagan mo kaya s'ya." sabi nalang ni Sammy sa akin.

Kanina ko pa s'ya gusto tawagan kaso nahihiya ako. Hayss bahala na nga.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang numero ni Romeo. Humarap ako sa bintana. Mga ilang 'ring' ang narinig ko bago n'ya sagutin ang tawag.

"Romeo, where are you?" Hindi s'ya sumasagot kaya tiningnan ko ang phone ko kung naend ba 'yong call pero hindi naman.

"Hello? Zep."

"Hi, Trina." Nanlaki ang mata ko dahil hindi si Zep ang nasa kabilang linya kundi isang babae.

"Sino 'to?"

"Hahahahaha, You're so stupid." Napataas ang kilay ko dahil sa isinagot n'ya.

"Magpaalam ka na sa mga mahal mo at kay Zep, dahil sisiguraduhin kong iiyak silang lahat pagkatapos ng lahat ng ito."

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now