CHAPTER 7: First Day

38 4 6
                                    

Trina's pov

"Oo... sinasagot na kita."

Nabitawan n'ya ang ang tinidor na hawak n'ya at tumayo. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko.

"Anong sabi mo?" gulat na gulat n'yang tanong.

"Sinasagot na kita, tayo na Romeo." Nakangiti kong sabi sa kan'ya. Lalong nanlaki ang kan'yang mata kaya napangiti ako.

"Are you s-serious?"

"Ayaw mo ba?" kunwaring mataray kong tanong.

"What? Syempre gusto ko. I j-just can't.. believe it." Nakita kong parang may namunuong tubig sa mga mata n'ya.

Nagulat ako no'ng bigla n'ya akong tinayo at niyakap ng napakahigpit. Napatingin ako sa mga tao dahil lahat sila nakatingin sa amin. Shit! Nakakahiya.

"R-Romeo! Madaming tao." nahihiya kong bulong sa kan'ya pero hikbi lang ang nadinig ko mula sa kan'ya.

Hindi ko naimagine na magiging ganito s'ya kasaya. Sobra akong naflatter dahil sa naging reaksyon n'ya. Si Jackson no'ng sinagot ko, wala man lang reaksyon.

He just said 'okay, thank you!' The hell di ba?

Pero si Romeo, he is so appreciative kaya mas lalo akong nahuhulog sa kan'ya.

Bumitaw s'ya sa pagkakayakap at humarap sa mga tao. "She said yes! We are couple now!" sigaw n'ya at bigla naman silang nagpalakpakan at may mga sumigaw pang 'congrats'.

Hinampas ko s'ya sa braso dahil sa sobrang hiya.

"Ano ka ba?! Hindi mo na kailangang sabihin pa 'yon sa kanila." nakatungo kong tugon.

"I want to show the world, how happy I am right now. Thank you, Trina, for making me smile. You don’t know how grateful I am, because all my life I’ve only felt pure teasing because of how I look. Thank you for making me feel important and worthy of being loved. Trina, I promise you will not regret your decision. Thank you, and I love you."

I felt the sincerity in his eyes and I've realized that his lips was crushing on mine.

___

"Ma, nandito na ako!" sigaw ko pagkapasok namin sa bahay.

Kasama ko si Romeo at handa ko na s'yang ipakilala bilang official boyfriend ko pero halos mawasak ang mundo ko nang makita kong nakahandusay si mama sa sahig at walang malay.

Agad-agad kaming tumakbo ni Romeo papalapit.

"Ma! Gising Ma!" Tinapik-tapik ko ang mukha n'ya. Hindi ko na napigilang mapahagulgol.

"Tumawag ka ng ambulansya, dali!" sigaw ko kay Romeo, kaya nataranta s'yang kunin ang telepono n'ya.

Pagkarating namin sa hospital, ay kinausap kami ng Doktor.

"She's stable now." Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Anong nangyari sa kan'ya Doc?" tanong ko.

"Naover-fatigue s'ya. Saka kailangan din n'yang masalinan ng dugo dahil sobrang anemic n'ya, sa ganoong paraan mapapanatag tayo na hindi na mauulit ito, pero..." Kinabahan ako dahil hindi natuloy ni Doc. ang sasabihin n'ya.

"Ano 'yon D-Doc?"

"AB negative ang blood type n'ya, one of the most rarest blood type." Hindi ako nawalan ng pag asa dahil alam kong magkadugo kami ni Mama dahil anak n'ya ako.

"Papakuha po ako ng dugo, Doc." Agad-agad kong sagot.

"Okey, we will test your blood type, but from now on, bisitahin n'yo muna s'ya, dahil gising na s'ya.

THAT NERD IS A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now