Special Chapter 2

2.4K 50 0
                                    

"Damn. I feel like my body is numb" hingal na hingal na ani ni Brant dahil katatapos niya lang sa ipinagawa ko.

Lumapit naman ako sa kanya at pinunasan ko ang pawis niya sa mukha dahil pawis na pawis siya at namumula pa. Habang pinupunasan ko siya, mataman siyang nakatitig sa akin.

"So, we're good now?" malambing na tanong niya.

"Basta huwag mong kalilimutan yung ipinangako mo Brant" tumango-tango siya.

"I promise" ako naman ang tumango.

"Then we're fine now" pagkasabi ko nun, hinawakan niya ang mukha ko at binigyan ng malalim na halik. Hindi naman na ako nag-inarte at humalik pabalik.

"Happy birthday honey" aniya nang maghiwalay ang aming labi. Ngumiti na lang ako.

"Thank you hon. Now take a rest first, alam kong napagod kita" mahina siyang tumawa.

"Right. Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko naging sampu na yung abs ko. Gusto mong hawakan?" hinampas ko sa mukha niya yung towel na hawak ko na mas lalong nakapagpatawa sa kanya.

"Magtigil ka nga atsaka magpalit ka na ng damit. Ang baho mo na" dahil sa sinabi ko ay napaamoy siya sa kanyang sarili.

"What? Ang bango-bango ko kaya. Naaamoy ko pa nga yung pabango ko. Ganyan ba ang mga buntis? Nagbabago ang pang-amoy?" ipinagkrus ko na lang ang mga braso ko.

"Ah basta. Magpalit ka na ng damit. Tsaka bantayan mo muna si Treyton, aalis lang ako saglit" nangunot ang kanyang noo.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Maghahanap ng lalaki. Yung hindi ako pinaglilihiman" mas lalong nangunot ang kanyang noo at napaawang ang labi.

"What the fuck? I thought we already settled that matter? Honey..." hinila niya ako palapit sa kanya. Natawa na lang ako.

"Just kidding" ani ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Baka makapatay ako ng wala sa oras Savannah. Sinasabi ko sayo" seryoso kong sabi. Napanguso na lang ako.

"Biro nga lang. You're the only one. You know that" ipinalupot niya ang kamay niya sa bewang ko at binigyan ako ng seryosong tingin.

"I know. As if namang hahayaan kitang mapunta sa ibang lalaki. Tsk. Now, tell me where are you going?" tanong na naman niya.

"Bibili ako ng kit for pregnancy test" at parang may sumanib sa kanya dahil yung seryoso niyang itsura kanina ay nawala at bigla na lang nagliwanag ang aura niya.

"Really? Then, let's go" natawa naman ako dahil sa reaction.

"Anong let's go. Dito ka na lang. Saglit lang ako. Magpahinga ka na lang" umiling siya.

"Wala naman na yung pagod ko. Tsaka sige na honey, sama na ako sayo" nakagat ko ang ibabang labi ko nang magpa-awa effect siya sa akin.

"Hindi ko nagawa ang mga bagay na 'to sayo dati, kaya gusto ko ngayon na masubaybayan at maalagaan talaga kita sa pagbubuntis mo" parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. I flashed a smile.

"Alright. If that's what my husband want"

—————————————————-

"Honey! Matagal pa ba yan?" napa-tsk na lang ako nang muling kumatok si Brant sa pintuan ng banyo ng aming kuwarto.

"Maghintay ka! Kanina ka pa katok ng katok diyan ah!" pagsita ko sa kanya.

"I just want to know the result. So please get out"

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now